You are on page 1of 4

00:36 :02-00:36:58

Ethan:Tatlo kaming magkakapatid ako yung pinaka matanda pero ako yung pinaka
bobo.Kita mo yang tatto ko? Yan ang eternal proof ko sa kabobohan sa pag-ibig.

Joy:Tanga.

Ethan:Tanya naman Y yan hindi G. Gusto ko sanang ipabura pero kina covered up ko
na lang.Much like how I deal with my life mess, tapalan nalang ng tapalan.Sabi ng iba
sa akin “patapon daw ako” kaya pinangatawan ko nalang, tarantado nalang ako.

(Ang eksenang ito ay noong hinabol ni Ethan si Joy tapos sila ay nag-usap tungkol sa
sarili nilang mga buhay.)

May mga problemang dinadala ang bawat OFW’s kagaya ni Ethan siya ay
nagsusumikap at sinusubukang ituwid ang kanyang mga pagkakamali, may kanya-
kanya silang rason kung bakit sila ay patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay tulad ni
Ethan na ginagawa niya ang lahat upang may mapatunayan sa kanyang sarili at
mabalik ang loob ng kanyang pamilya sa kanya.

00:37:02-00:38:00:47

Joy:Minsan gusto ko nalang maging selfish at iwanan lahat ng responsibilidad ko.


Nagagalit ako kasi parang wala akong choice na kailangan kong gawin to kasi
kailangan ko ng trabaho kasi wala kaming pera,para sa pamilya ko kayalahat kahit
ayaw ko lulunukin ko nalang.

Ang choice para lang sa may pera.Gusto kong maramdaman na kontrolado ko parin
yung buhay ko. Gusto kung magwala,gusto ko silang murahin lahat.

Ethan: What stopping you? Go.

Joy: I love you all, pero tang-ina ,paano naman ako?Alam niyo ba ang nilulunok ko sa
trabaho para supurtahan kayo.Putek graduate ako ng college,anong ginagawa
ko?Naglilinis ng inidoro,kung ano lang ibibigay sa akin yun lang kinakain ko.

Sabihin niyo ng ambisosya ako pero mas mataas dito pangarap ko. I am more than this
job, I want more , I want to be more. Mali ba yun?

Ethan: Ikaw nga atleast alam mo ang gusto mo eh, eh ako sa edad kong to , di ko alam
kung ano ang gusto ko.Siguro nga tama nga sila ,wala nga akong silbi.
(Ang eksenang ito ay noong inilabas na ni Joy ang kanyang mga hinanakit sa kanyang
buhay.)

Lahat tayo ay mga pangarap, pangarap na maging mayaman,makapagtapos o


makapag-trabaho ng propesyon na gusto natin.Lahat ng OFW’s hindi pinangarap na
maging Dh lang pero wala silang magawa dahil kailangan nilang magka pera para sa
pamilya kahit naka graduate ka man ng kung anong kurso ay Dh ka pa rin sa Hongkong
“ONCE A DH WILL ALWAYS BE A DH” mga pangarap na kinalimutan at isinantabi
para sa kinabukasan ng sariling pamilya, may pagkakataon talaga na katulad kay Joy
na makakaramdam ka rin ng sobrang pagod at pagkahinayang pero patuloy ka parin na
lumalaban sa pagsubok ng buhay dahil kapag pamilya ang pinag-uusapan ,gagawin mo
talaga ang lahat para sa kanila .

00:44:50-00:44:05

Sally:Halika ka na, Mary Dale. Iuuwi kana namin.

Marydale: “Ayaw ko ate nalulungkot ako doon.”

Sally: Marydale,hali ka na.Masasanay ka rin.

(Ang eksenang ito ay noong nandoon sila sa may plaza sa Hk,kakatapos palang nila
na maubos ang kanilang mga sideline na tinda.)

May mga bago palang na OFW’s na hindi sanay sa pamumuhay o kung ano ang buhay
ng isang Dh,katulad ni Marydale hindi siya sanay na nandoon palagi sa bahay ng
kanyang amo kaya hindi niya gustong umuwi doon at siya ay nangungulila sa mga
kaibigan niyang Filipino, hindi talaga maiiwasan na makaramdam ng lungkot at
pangungulila ang isang OFW lalo na kapag ang layo-layo nila sa pamilya nila pero
ganyan ang buhay ng isang Ofw kailangan nilang labanan ang kanilang lungkot at
pangungulila upang may maipakain sila sa kanilang mga pamilya.

52:00-53:19

Ethan’s brother:Wait,wait everyone. I want you to all meet my kuya, my older brother,
Ethan.

You see what he’s doing right now? He’s mixing drinks when he should’ve been mixing
medicine.He could’ve been a doctor or store manager. But no!No! He threw everything
away and messed up in the States just to be with a girl. A girl!
00:54:02-00:54:06

Sally: Pa, 2 years lang naman.

Sally’s Father: Pang limang beses mo ng sinabi yan.Eh bakit ba?Kailan ka pa titigil?Eh
mas pamilya mo pa ata amo mo kaysa sa amin.

Sally:Uuwi ako,tapos ano?nga nga.

(Ang eksenang ito ay noong isang umaga sa Hk at tinawagan si Sally ng kanyang ama
upang pauwiin na sa pilipinas.)

May mga ganito talagang pangyayari sa buhay ng isang Ofw yung gusto ka ng pauwiin
ng pamilya mo pero may kontrata ka pang tintatapos at may mga Ofw rin na ayaw parin
umuwi sa kadahilanan na mas gusto pa nilang mag-ipon ng pera sa para kanyang
pamilya hindi talaga maiiwasan ng mga Ofw ang ganitong pangyayari sapagkat may
pamilya silang iniwan at tiyak na nangunguli rin ito sa kanila, nisang mahirap na
sitwasyon para sa mga Ofw na gusto na nila sanang umuwi pero kailangan pa talaga
nilang kumayod ng maraming beses para sa kanilang mga pamilya.

00:52:08-00:53:28

Ethan’s brother:Wait,wait everyone. I want you to all meet my kuya, my older brother,
Ethan.

You see what he’s doing right now? He’s mixing drinks when he should’ve been mixing
medicine.He could’ve been a doctor or store manager. But no!No! He threw everything
away and messed up in the States just to be with a girl. A girl!

Ethan:Galing talaga mag-Englishn ng kapatid ko pag lasing.Matalino to eh.

Ethan’s brother:Ako talaga kuya!Mas mabait,mas matalino,mas masunurin, mas bata


pero mas may direksyon ang buhay tas hindi ng iiwan mas hindi sinayang lahat ng
pinaghirapan nila papa para lang mapunta kami dito mas iniisip ang nararamdaman ni
papa mas nag-alaga kay papa mas gumawa ng paraan para matupad ang pangako mo
sa kapatid natin. Eh ikaw? Mas patapon ka!

Ethan: Uwi na tayu.

(Ang eksenang ito ay nangyari sa pinagtratrabuhan ni Joy at Ethan at ng biglang


sumulpot ang kapatid na lasing na Edward ay siya ay sinumbatan.)
May mga pinagdadaanan ang karamihan sa mga OFW’s bitbit nila ito sa pang araw-
araw na pakikipagsapalaran sa kanilang buhay hindi nga perpekto ang buhay ika nga
nila.Ginawa ni Ethan ang lahat upang itama ang kanyang pagkakamali at bumawi sa
naudlot na pangako niya para sa kanilang pero may mga bagay talaga na matagal
maghilom kagaya ng nararamdaman ni Edward ,ang sakit at pighati ng pag-iwan sa
kanila ni Ethan pero hindi parin sumusuko si Ethan na muling maibalik ang pagtitiwala
at ang kapatawaran ng kanyang kapatid.

00:57:15-1:00:20

(Ang eksenag ito ay noong pumunta si Joy sa bahay ni Ethan dahil nag-alala ito na iang
araw ng hindi pumapasok sa trabaho.

Ethan:Yung mama at papa ko talaga bandmates sa Hongkong tsaka bago mamatay


ermats ko pinag promise niya tatay ko noon na dalhin dito ang mga anak niya para
maging residente rin kami.Alam mo na to experience a better life. I was 17 when I was
petitioned to go here. At 21, nabaliw. I was madly in love with my ex.

Joy:Tanya?

Ethan:Prinsesa yun sa Disneyland gustong mag punta ng US kasi feeling niya ang liit
ng Hongkong para sa kanya.

Joy:Siyempre sumama ka.

Ethan :Tanga nga,sinayang ko ang 3 taon magiging residente na sana ako.Pero ulats
ako don,kaya hiniwalayan niya ako.Napag-iwanan nawalan ng baliw.24 nahuli akong
over staying na deported ,blacklisted at nakulong.Pagbalik ko lahat naka move-on na,
ako nalang ang napag-iwanan yun ang isinugal ko noong umalis ako dito pero ang
pinaka mahirap ang pinaramdam ko sa pamilya ko,kay Edward lalo na “I was his hero
but I turned out to his biggest dissapointment.”

May mga Filipino talaga na pinangrap na tumira ang kanyang pamilya sa ibang bansa
upang makaramdam ng ginhawa sa buhay katulad ng magulang ni Ethan sila ay
nagsikap at ginawa ang lahat upang mapapunta sa Hongkong ang kanilang mga anak
upang doon na rin mamumuhay, may mga Filipino rin na katulad ni Tanya na umalis sa
Hongkong dahil ramdam niya na hindi talaga siya para doon sa Hongkong at pumunta
sa ibang bansa upang mas makahanap ng magandang buhay at doon magpatuloy sa
kanyang pakikipagsapalaran, nakasalalay talaga sa iyo kung ano ang daloy at ang
galaw ng iyong buhay, nasa sayo rin ang desisyon kung susuko o lalaban ka parin sa
hamon ng buhay.

You might also like