You are on page 1of 1

Kalagayan ng mga mag-aaral sa DWCV

Bilang isang mag-aaral sa DWCV ay may mga nakikita at naranasan na ‘kong mga nasaksihan sa loob at
labas ng paaralan. Kagaya na lamang ang ginagawa natin araw-araw, gumigising ng maaga dahil maaga
ang klase. Minsan nga’y namomoblema pa , nag-aabang kung saan kukuha ng babaunin. Marami ang
iba’t ibang kalagayan, at problema ngunit hindi natin ito maiiwasan dahil may iba’t iba tayong rason.
Kung saan ang pag-uugali ng mga estudyante at guro ay dapat na bigyan ng pansin.

Ang pagiging estudyante ay isa sa pinakamahirap at pinakamahabang parte natin sa buhay. Ang
kinaiinisan ng mga mag-aaral ay ang unang una yan ay ang sobrang daming paper works, mga allowance
at mga babayarin hindi maliwanag kung saan ginamit, ginagamit at gagamitin, walang dalang papel o
ballpen, mga seatworks at quizzes, pagpasok ng huli sa klase, peer pressure, schedules at isama narin
natin ang kakaibang amoy at maruming cr . Hindi ka rin magiging kumportbaleng makinig kapag may
mga hindi pa naayos sa silid aklatan, tulad na lamang ng mga bentilador, bintana at upuan. Makikita mo
sa loob ng campus na maraming estudyante ang nagkakalat, dahil narin siguro sa mga proyekto, o mga
sinasalihan nila. Maari itong maapektuhan ang kalusugan natin, sa sobrang daming ginagawa,
napapabayaan natin minsan ang sarili dahil sa kagustuhan nilang matapos na agad. Mga gurong bigla
biglang magbibigay ng gagawin, hindi alam kung paano ang gagawin, ang bagsak non ay mababa ang
makukuha.Mga gurong pinagagawa ang dapat na sila ang gumagawa. Pano sila matututo kung walang
magtuturo? Iba pang kalagayan ng mga mag-aaral lalo na sa malalayo pa ang bahay, ginagabi ang uwi
dahil sa sobrang tagal ng uwian. Kailangan pang piliin ang sasakyan dahil may mga ibang driver na
sobrang maningil ng pamasahe. Hindi pa nagtatapos ang problema sa loob ng paaralan. Pag-uwi naman
ng bahay ay may naghihintay na sayong utos o ‘di kaya minsan naman ay sermon. Pero wala tayong
magagawa, sabi nga nila na parte ito sa pamumuhay natin. Hindi mo naman makukuha ang gusto mo
kapag hindi mo pinaghirapan.

Totong mahirap ang pagiging estudyante pero mas mahirap parin ang sinasabi nilang walang pinag-
aralan. Huwag nating isipin na mahirap ito, isipin natin ang mga bagay na mas mahirap pa. Sinasabi natin
na pagod na tayo, isipin natin ang mga magulang natin na mas pagod pa ngayon sa atin. Naniniwala ako
na kung ano man ang kalagayn natin ngayon ay tiyak na magbubunga ang mga pinag-aralan, pinag-
puyatan at pinag-hirapan natin baling araw.

You might also like