You are on page 1of 7

Remember me, Lindsay

“Natagpuan ang bangkay ng isang dalaga na si Santi Palamores, halos hindi na ito makilala
dahil sa brutal nang pagkagagawa nito….” Walang araw na mababalitaan mong may namatay sa
Calle Ligourdi. Parang wala narin sakin ito dahil nakasanayan ko ng pakinggan ito.

“Sana mahuli na talaga ang pumapatay ‘no?” Sabi ng kaibigan kong si Coty na nakapatong ang
paa sa lamesa ng cafeteria. Napailing nalang ako , dahil ako ang nahihiya sa mga ginagawa niya
ditto. Hay akala niya kung sino.

“So true, ang brutal ang kadiri nung nangyari kay Santi ‘no!” Nandidiring sabi naman ni Callibri.
Humalakhak naman ako dahil sa arteng pagkakasabi niya nito. Pero totoong nakakadiri nga
naman talaga pagkamatay ni Santi. Sino ang hindi mandidiring halos wala nang mukha, ang
demonyong pumatay sakanya ay tila hindi pa siya nakuntento, sinubo ang bituka ni Santi sa bibig
nito. Ang mga ibang nakakita noon ang bangkay ni Santi ay halos masuka rin sila.

“Aamin daw yung killer ‘pag nagging Bold na daw ang Callibri” Asar kong sagot naman,
Nagtawanan kaming dalawa ni Coty habang pairap-irap naman samin ni Calibri.

Habang nagtatawanan kami, nakarinig kami ng malakas na putok ng baril sa ikalawang palapag,
nag. Nag-alala kaming tatlo, hindi lang kami kundi yung mga tao rin sa loob ng cafeteria. Nag-
panic kaming lahat, kumaripas kaming tatlo sa ikalawang palapag at halos sabay kaming
mapamura. Sinong hindi maiinis? Vandale Zamora ang jowa ni Calibri, ay may hawak siyang
bulaklak at may nakasulat sa blackboard ng “Happy two weeksary”. Tumitili si Calibri habang
kaming mga nagpanic ay halos lahat samin ay napaungol sa inis, may mga iba ring nagsisigaw
ng “Sana all!”. Kinutusan naming ang mga iba pa naming barkada.

kaibigan.

“Saya na kayo nyan? Kayo lang ang inlove?” Madramang sabi ni Coty habang umaarte siyang
parang nasasaktan. Naghalakhakan naman kami doon.sa ginawa niya. ‘Di rin nagtagal ay
dumating na gang aming guro. sa Gen Chem. Hay, magsusunog nanaman kami ng kilay.

**
Pagkauwi ko sa bahay, nakaabang na si ate Max. Gaya dati, nag-aalala parin siya tuwing
ginagabi ako ng uwi. Ngumiti at humalik ako sakanyang pisngi at umakyat na sa aking kwarto.
Habang gumagawa ako ng research sa Gen Chem, may nagpop up sa messenger ko.

Coty Arellano wants to video call…

“Hello, Lindsay…” Humihikbi niyang sagot sakin.

“Coty? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” Naga-alalang tanong ko sakanya.

“Naglayas ako, nag-away kami ni mama… Pwede ba ‘ko sainyo? Kahit ngayon lang Lindsay,
please.”

Nagdadalawang isip ako dahil sigurado akong hindi ako papayagan ni ate Max, meyo hindi siya
boto sa mga kaibigan ko dahil may mga pagka “bad influence” daw sila sakin, pero para sakin,
hindi naman. Kaya ko naming pigilan o iwasan kung meron man. Depende nalang sa tao kung
gagayahin mo o ikaw yung may maidudulot sakanila na maganda.

“Hello Lindsay? Bakit ayaw mong sumagot? Ano, ayaw mo? Sige! Alam mo isa ka pa e, parang
hindi kita totoong kaibigan! Haha! Hindi naman talaga e. Wala kang kwenta, kayong lahat!”
Nagulat ako sa kanyang sinabi at binabaan niya na ‘ko. I tried to call her pero hindi niya na ito
sinasagot. Dahil sa labis na pagaalala, nagpaalam ako kay ate na may bibilhin lang ako, pero ang
totoo ay hahanapin ko si Coty. Sisihin ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya.

Habang naglalakad sa madilim na eskinita, nakarinig ako ng matinis na sigaw mula sa isang
lumang gusali. Napatigil ako ng ilang sandal ngunit hindi nagtagal ay nagpatuloy na lamang ako.
Pinuntuhan ko sa dati niyang pinuntahan tuwing may problema siya ngunit ako’y nabigo, wala
siya doon. Hindi rin nagtagal, ay napagpasyahan ko ng bumalik nalang. Malapit na ‘ko sa aming
bahay nang mapansin kong maraming tao ang nasa lumang gusali kanina. Hindi ko na sana
papansinin pero nahagip ng mata ko si Calibri na humahagulgol sa iyak at pilit na pinapatahan
nina Vandale, Sibal at Jasmine. Lalapit sana ako sakanila nang salubungin ako ni Cali ng
malakas na sampal.
“Kasalanan mo ‘to! Kung hindi mo siya pinabayaan, buhay pa sana ngayon si Coty!” Nagulat
ako sa sinabi niya, anong sinasabi niya? Si Coty?

“Bakit ako? Wala akong ginagawa!” Sigaw ko pabalik sakanya, sasagot pa sana siya nang may
dumaan na stretcher sa harapan namin. Halos hindi na makilala ang kanyang mukha dahil halos
lumabas na ang bungo nito. Kasabay non ay ang paglapit samin ng dalawang pulis.

“Kayo ba ang mga kaibigan ni Coty Arellano?” tanong ng isa

“Opo.” Magalang na sabi naman ni Sibal.

“Sumama kayo sa prisinto.” Maawtoridad na sabi pa niya samin.

**

“Kailan kayo huling nagkita ni Coty?” tanong sakin ng pulis.

“Kaninag umaga po” medyo wala sa sarili kong sagot sakanya dahil nabibigla parin ako sa mga
nangyayari.

“Ikaw ang huling nakausap niya sa telepono, tama?” dagdag pa niya. Tanging tango na lamang
ang nagging tugon ko sakaynya.

“Sige maari ka nang umuwi muna habang patuloy parin kaming nagiimbestiga.” Sabi niya at
iniwan akong nakaupo doon na nakatulala. Tsaka lang bumalik ang aking wisyo nung tinapik
ako ni Sibal sa aking balikat.

“ Ihahatid na kita.” Ngumiti ako ng tipid sakanya at umiling nalang. Nahihiya ako, takot na baka
pagbintangan din niya ako. Nagulat ako nang hinaawakan niya ako sa pulso at hinila paalis doon.
Habang nakasunod ako sakanya tinanong ko kung okay lang ba si Calibri. Tumango lamang siya
at tumahimik nalang ako.
Tahimik kami buong byahe. Nagpasalamat ako sakanya at bumaba, dire-diretso sa aking kama.

Kinabukasan, pagdating ko agad sa aming eskwelahan ay nakatutok na sakin ang mga matang
mapanghusga at may mga nagbubulungan na tila mo alam nila ang totoong nangyari.

“Oh tabi nandito na ang killer “ sabi ni Lawrence habang nakangisi. Kasama nila si Calibri na
tumatawa ngayon.

“Dapat pinapatay rin ang mga kagaya mo, Lindsay! So tell us, how many did you kill na?” Sagot
pa ni Calibri habang humahalakhak. Hindi ko na lamang siya pinansin, dire –diretso nalang ako
sa aking upuan, nagkatinginan kami ni Sibal at umiling siya.

**

Makalipas ang anim na buwan ay nanantili parin akong tahimik. Sa anim na buwan na ‘yon ay
natuto akong mapag-isa, naging mapag obserba sa paligid, at higit sa lahat, walang
pinagkakatiwalaan. Sa loob ng anim na buwan ay wala narin akong masyadong nababalitaan na
pagpatay.

“So you’re all invited sa birthday party ko bukas ha!” Exciteed na sianbi ni Calibri samin

“Sige ba! Basta walang kj!” paasar na sabi ni Isaac habang pabirong tiningnan nila si SIbal na
nanahimik sa tabi. Masungit na umirap at umiling naman ito, naghaalgpakan sila at nakisabay
narin ako.

***

Hila-hila ako ni Calibri papasok sa kanilang bahay habang humahalikhik, May surpresa daw kasi
si Vandale sakanya,
“Chill ka lang Cali, mamaya hindi ‘yan matuloy” pabirong sabi ko sakanya. Umirap naman siya
sakin at pabirong nagwalk-out ito. Tinawanan ko na lamang siya.

Kami kami lang magbabarkada ang inimbinta ni Calibri, nagpaalam naman sina Vandale at Sibal
na maglalakad lang sa dalampasigan. Napagdesisyunan ko ring maglibot-libot muna sa bahay
nila Cali. Nagtataka rin ako, ni minsan hindi pa ‘ko pumunta sa bahay nila. Balak ko sanang
tumambay muna sa kanilang garden dahil lagi niya itong bukambibig sa amin na ito ang paborito
niyang parte sa kanilang bahay. Pero sumalubong sakin ang masangsang na amoy, tila bang
nabubulok na ewan ko? Tao? Daga? Nakakasuka’t nakakadiri. Sinubukan kong sundan ang
amoy, pilit kong pinapatatag ang aking sarili. Wala naman akong nakitang kahit anong bangkay,
pero nahagip ng mga mata ko ang isang baul sa gilid na maraming bangaw. Habang papalapit
ako doon ay mas lalong tumindi ang amoy. Nanghihinang binuksan ko ito at nagulat sa sarili
kong nakita. Napaatras at napatakip sa aking bibig, sigurado akong bangkay to ni Santi at Coty!
Hindi lang dalawang bangkay kundi meron pa! Tinulak ko ang naagnas na bangkay nila Coty at
Santi para makita ko kung sino pa sila. Tama nga ko! Sila Lawrence, Belle at Vandale ito!
Tatakbo na sana ako ngunit laking gulat ko na nasa likod ko na si Calibri, nakangiti ito sa akin at
nakahawak nan g kutsilyo!

“Baliw ka!” Sigaw ko sakanya at inagaw ang kutsilyong hawak niya.Pilit kong isinasaksak
sakanya. Malakas siya, humalakhak lang ito at tila nagaasar pa.

“Oh c’mon Lindsay, huwag ka munang magalit, halika let’s eat, masarap ang bituka ni Coty”
sabi niya habang nilabas ang bituka ni Coty sa kanyang bulsa. “Oo, ako ang pumatay sakanila.
Why? Wala lang may gusto sila kay Sibal e. Kaya pati siya narin sinama ko na. Nainggit ka ba?
Gusto mo ikaw rin ang patayin ko? Alam kong gusto mo si Sibal”sabi niya pa, nakakatakot,
hindi ako makapaniwala.

“Pero bakit? Ano si Vandale? Baliw ka talaga!” sigaw ko sakanya at tinulak siya pahiga, kinuha
ko ang mabigat na bato at pinaghahampas ko sa mukha niya. Hanggang sa madurog ito.
Hinihingal akong napatangin kay Cali, napaiyak ako ngunit akala ko tapos na. May humila sa
buhok ko at nagulat ako nang makita kong si
“Vandale?” Hindi ako makapaniwalang sagot sakanya. Nakita ng dalawang mata ko ang
bangkay niya kanina!

“Anong ginawa mo sa taong mahal ko? Nnangitngit niyang tanong sakin habang sinasakal akoo.
Pilit kong tinatanggal ang hawak niya sakin. “Ginawa ko ang lahat para mapasaya ko siya! Tang
aka Lindsay! Hindi ka ba nagtataka na isa lang itong set up? Ginawa ko ‘to para mahalin na ‘ko
ni Calibri! Pero anong ginawa mo?” Inuntog niya ako sa pader ng malakas, paulit ulit. Tulong.
Sigaw ko sa utak ko. Nanghihina na ‘ko. Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, ay ang
pagkatanggal ng ng mata ni Vandale. Bumagsak ako kasabay ng pagbagsak rin sa ibabaw ko si
Vandale, kita ko na wala na ang isa niyang mata. Ang tanging nakita ko na lamang ay ang mukha
ni Sibal. Naramdaman ko ag paghaplos niya sa aking pisngi kasabay ng mga salitang binitawan
niya.

“Remember me, Lindsay.”

You might also like