You are on page 1of 1

“INAY"

Inay gusto ko nito


Inay yung baon ko?
Inay may babayaran po ako
Inay pahinging isang libo, gagala kase kami ng tropa ko.

Ganyan kaba talaga?


Hindi mo iniisip ang hirap ng iyong ina?
Gusto mo lagi kang nakasabay sa uso
Kaya magpapabili ka ng gamit na bago kahit magulam nalang kayo ng tuyo.

Sa harap ng iba ay gustong maging mayaman


Kaya makikisabayan sa pormahan.
Hindi pwedeng mawala sa tambayan
At always present sa walwalan

Laging nakaharap sa inuman


Habang ang ina ay nakaharap sa labahan
Kabataang walang patutunguhan
Litong lito kung saan ang pupuntahan

Sinusunod lagi ang pansariling kasiyahan


Kahit ang bulsa ng ina ay said na at walang laman
Ina mo'y dinodoble ang pagsisikap
Dahil sa akala niya ikaw ay nangangarap
Pero tila siya ay nagpapakatanga
Dahil lahat ng paghihirap niya ay iyong binabalewala

Konsensiya mo ay huwag balewalain


Bagkus ito ay laging pairalin
Sarili mo ay huwag lokohin
Ibang tao sa iyong pagkato ay huwag lituhin
Pagkatao'y huwag baguhin
Pagiging ikaw ay aminin
At pananaw ng iba ay huwag intindihin.

You might also like