You are on page 1of 1

Aking Ilaw

Sa ating mundong puno ng kadiliman


Puso’y naging bato na di makaramdam
Ang puso at damdamin ay lubos na nasaktan

Sa aking paglaki ikaw ang nag tama sa mga kasalanan


Inimulat sa aking mata na sila’y mababait din naman
Sa ating mundo puno ng kadiliman.

Hiniling ko na ikaw sana ang makasama ng walang hanggan


Ngunit ikaw pala ay meron ng dinaramdam
Ang puso at damdamin ay lubos na nasaktan

Isang araw ikaw ay lumisan


Iniwan akong mag-isa at walang kaalam alam
Sa ating mundo ng puno ng kadiliman

Bago ka lumisan ikaw pa ay pinagsabihan


Wala pang tamang pagpapaalam
Ang puso at damdamin ay lubos na nasaktan

Paalam hiling ko ay kapatawaran


Ikaw ay isang paham
Sa ating mundong puno ng kadiliman
Ang puso at damdamin ay lubos na nasaktan

Aziel Mauena Rianne P. Gedorio

You might also like