You are on page 1of 16

TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA,

AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL

KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI

A. Pagsilang

1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna

2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861.

3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal

4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal

A. Magulang

1. Francisco Mercado

1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818

2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose

3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba.

4. Namatay noong Enero 5, 1898.

2. Teodora Alonzo

1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila

2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa

3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol.

4. Namatay noong Agosto 16, 1911

A. Magkakapatid na Rizal

1. Saturnina

2. Paciano

3. Narcisa

4. Olympia

5. Lucia

6. Maria

7. Jose

8. Concepcion

9. Josefa

10. Trinidad
11. Soledad

A. Mga Ninuno

1. Ninuno sa Ama

1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si

2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si

3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si

4. Francisco Mercado at napangasawa si Teodora Alonzo at naging anak si

5. Jose Rizal

2. Ninuno sa Ina

1. Eugenio Ursua napangasawa si Benigna at naging anak nila si

2. Regina na naging asawa ni Manuel de Quintos at naging anak nila si

3. Brigida na napangasawa ni Lorezo Alberto Alonzo at naging anak nila si

4. Teodora Alonzo na napangasiwa ni Francisco Mercado at naging anak nila si

5. Jose Rizal

A. Pamilyang Rizal

1. Ang Kabuhayan ng Pamilya

1. Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba.

2. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya
na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais
at tubo.

3. Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.

4. Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at
gawaan ng hamon.

5. Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.

6. Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.

7. Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.

8. Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.

B. Ang Tahanan ng mga Rizal

1. Ang bahay ng mga Rizal ay gawa sa bato at matitigas na kahoy at ito ay nakatayo na malapit sa simbahan ng Calamba.

2. Ang paligid ng kabahayan ay natataniman ng mga punong atis, balimbing, chico, macopa, papaya, santol, tampoy, at
iba pa.

3. Ang bakuran ng bahay ay naging alagaan ng mga manok at pabo.


KABANATA 2 – KABATAAN SA CALAMBA

1. Mga Ala-ala ng Kamusmusan

1. Panonood ng mga ibon.

2. Araw-araw na pagdadasal sa oras ng angelus.

3. Pagkukuwento ng kaniyang yaya ukol sa asuwang, nuno, at tikbalang.

4. Ang una niyang kalungkutan ay ang pagkamatay ng kaniyang nakababatang kapatid na si Concha.

5. Sa edad na tatlo ay nakasama na siya sa pagdadasal ng pamilya.

6. Pagpunta sa Antipolo noong Hunyo 6, 1868. Ito ang kaniyang unang pagtawid sa Lawa ng Laguna.
Pagkatapos ng pagpunta sa Antipolo ay nagtungo sila ng kaniyang tatay sa Maynila.

7. Ang hindi niya malimutan ay ang kuwento ng kaniyang ina ukol sa gamo-gamo.

2. Mga Talento sa Panahon ng Kamusmusan

1. Inayos niya at binigyan ng bagong guhit ang bandera ng simbahan.

2. Paggagawa ng imahen mula sa putik (clay).

3. Sa edad na 8 ay kaniyang isinulat ang tulang Sa Aking mga Kabata na nagbibigay ng pagpapahalaga sa
kaniyang sariling wika.

4. Sa edad na 8 ay sinulat niya ang isang drama na nakaukol sa kapistahan ng Calamba at ang nasabing gawa
ni Rizal ay binili sa kaniya ng gobernadorcillo ng Paete, Laguna.

1. Mga Inpluwensiya Kay Rizal

1. Namana

1. Mula sa mga ninunong Malayo ay namana niya ang pagmamahal sa kalayaan, paghahangad sa
paglalakbay, at katapangan.

2. Mula sa kaniyang mga ninunong Tsino ay namana niya ang pagiging seryoso, katipiran, katiyagaan, at
pagmamahal sa mga bata.

3. Mula sa kaniyang mga ninunong Espanyol ay namana niya kapinuhan sa pagkilos at kanipisan sa insulto.

4. Mula sa kaniyang ama ay namana niya ang pagtitiyaga sa trabaho, paggalang sa sarili, at malayang pag-
iisip.

5. Mula sa kaniyang ina ay namana niya pagpapakasakit sa sarili at pagnanais sa sining at panitikan.

2. Kapaligiran

1. Ang kapaligiran ng Calamba ay nagsilbing kaniyang pang-enganyo sa pagmamahal sa sining at literatura.

2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay nagturo sa kaniyang kaisipan ukol sa pagmamahal sa kalayaan at
katarungan.

3. Mula sa kaniyang mga kapatid na babae ay natutunan niya ang paggalang sa mga kababaihan.
4. Ang pakikinig niya sa mga kuwento ng kaniyang yaya ay nagbigay sa kaniyang interes sa mga kuwentong
bayan at mga alamat.

5. Mula sa kaniyang tatlong mga kapatid ay nainpluwensiyahan siya ng mga sumusunod:

1. Jose Alberto Alonzo ay natutunan niya ang pagmamahal sa sining.

2. Manuel Alonzo ay natutunan niya ang kahalagahan ng pagpapalakas ng katawan.

3. Gregorio Alonzo ay natutunan niya ang ang malabis na pagkahilig sa pagbabasa.

6. Padre Leoncio Lopez ay natutunan niya ang pagmamahal sa makaiskolar at pilsopikal na pag-iisip.

KABANATA 3 - ANG PAG-AARAL SA CALAMBA AT BIÑAN

1. Mga Unang Guro ni Rizal

1. Doña Teodora Alonzo - ang unang guro ni Rizal

2. Mestro Celestino

3. Lucas Padua

4. Leon Monroy

2. Pagpunta sa Biñan

1. Hunyo 1869 - si Rizal ay umalis ng Calamba para magtungo sa Biñan para mag-aral.

2. Sinamahan siya ng kaniyang kapatid na si Paciano.

3. Justiniano Aquino Cruz - ang naging guro ni Rizal sa Biñan.

3. Mga Naging Gawain sa Pag-aaaral

1. Sa unang pagkikita niya sa kaniyang guro ay sinabi niya ang kaniyang kakauntian ng kaalaman sa
Espanyol at Latin.

2. Sinabi ni Rizal na ang kaniyang guro ay may kahusayan sa balarilang Espanyol na sinulat nina Nebrija at
Gainza.

3. Nakaaway ni Rizal si Pedro na anak ng kaniyang guro.

4. Nagkaroon din siya ng away sa mga bata sa Biñan isa na rito si Andres Salandanan na tumalo sa kaniya.

5. Nag-aral si Rizal ng pagpipinta kay Matandang Juancho na dito ay nakasama ng kaniyang kaeskuwelang
si Jose Guevarra.

6. Sa pagsapit ng ilang buwan si Rizal ay nanguna sa kaniyang mga kaeskuwela sa mga Espanyol, Latin at
iba pang mga aralin.

7. Sa kabila ng kahusayan ni Rizal sa pag-aaral, siya ay napapalo ng kaniyang maestro halos araw-araw
dahilan sa mga sumbong laban sa kaniya ng kaniyang mga kamag-aral.

8. Nilisan ni Rizal ang pag-aaral sa Biñan noong Disyembre 1870 pagkatapos ng halos isa at kalahating
taon.
9. Nilisan ni Rizal ang Biñan sakay ng Barkong Talim na naghatid sa kaniya sa Calamba.

4. Ang Gomburza

1. Sa kaniyang pag-uwi sa Calamba ay nabalitaan niya ang Pag-aalsa sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong
paring martir na sina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora.

2. Ang kaniyang kapatid na si Paciano ay naging malapit na mag-aaral ni Padre Jose Burgos.

3. Si Paciano sa maraming pagkakataon ay naibahagi kay Rizal ang mag ideya at pilosopiya ni Jose Burgos.

5. Kawalan ng Katarungan sa Kaniyang Ina

1. Pagkatapos ng kamatayan ng Gomburza, ang ina ni Rizal ay pinagbintangan na nagbabalak na lasunin


ang asawa ng kaniyang kapatid (Jose Alberto) .

2. Ang mga kaaway ng pamilyang Rizal at ang hipag ng kaniyang ina ay nagkipagsabawatan upang
maisangkot ang ina sa nasabing bintang na paglason.

3. Pagkatapos na madakip ni Donya Teodora, ito ay pinaglakad mula Calamba hanggang Santa Cruz,
Laguna na ang layo ay 50 kilometro.

4. Ang ina ni Rizal ay nakulong sa loob ng dalawa at kalahating taon.

KABANATA 4 PAG-AARAL SA ATENEO

1. Ang Pagpasok ni Rizal sa Ateneo

1. June 20, 1872 – sinamahan si Rizal ni Paciano para magpunta sa Maynila. Kumuha ng pagsusulit sa mga
aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa
Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok
sa Ateneo.

2. Hindi tinanggap si Rizal sa Ateneo dahilan sa siya

1. huli na sa patalaan

2. maliit para sa kaniyang edad

3. Sa unang pagkakataon ay ginamit ni Jose ang kaniyang apelyidong Rizal imbes na Mercado.

4. Manuel Xerex Burgos – ang pamangkin ni Jose Burgos na tumulong upang makapasok si Rizal sa Ateneo.

5. Nanirahan siya sa isang paupahang bahay na pag-aari ni Señora Titay sa Daang Caraballo, na nasa labas
ng Intramuros.

2. Sistema ng Edukasyong Heswita

1. Mas adbanse ang edukasyong ipinagkakaloob ng mga Jesuita kumpara sa mga kolehiyo noong sa
Pilipinas.

2. Ang layunin ng edukasyon ng mga Jesuita ay ang hubugin ang mga mag-aaral sa mga aral ng
Katolisismo, kaalaman sa sining at agham. Ang isang matalinong Katoliko mula sa pananaw ng mga Jesuita ay magiging
mabuting tagapagtanggol ng simbahan. Ang pangunahing pilosopiya ng Ateneo ay Ad Majorem Dei Gloriam – Para sa Higit
na Kadakilaan ng Diyos.
3. Hinati ang klase sa dalawang pangkat

1. Imperyong Romano – katawagan sa mga internos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.

2. Imperyong Cartago – katawagan sa mga externos o mga mag-aaral na nakatira sa loob ng bakuran ng
Ateneo.

1. Unang Taon sa Ateneo (1872-73)

1. Padre Jose Bech S.J. – ang guro ni Rizal sa kaniyang unang taon sa Ateneo.

2. Nagsimula siyang nasa mababang ranggo sa imperyong Cartago ngunit sa paglipat ng mga linggo ay
nagawang makapanguna sa kaniyang mga kamag-aral.

3. Napanalunan niya ang kaniyang unang gantimpala sa kaniyang pag-aaral – isang larawang
pangrelihiyon.

4. Upang mapagbuti ni Rizal ang kaniyang kaalaman sa wikang Esanyol siya ay nagpaturo ng aralin
sa Colegio de Santa Isabel sa panahon ng kaniyang pamamahinga sa tanghali.

5. Sa kalagitnaan ng taon si Rizal ay hindi nagbuti sa kaniyang pag-aaral upang mapanatili ang kaniyang
pangunguna sa klase ito ay dahilan sa kaniyang sama ng loob sa hindi makatwirang puna ng guro sa kaniya.

6. Sa bakasyon ng 1873, si Rizal ay hindi naging masaya dahilan sa nasa bilangguan ang kaniyang ina. Lihim
na pumunta sa Santa Cruz para dalawin ang kaniyang ina at kinuwentuhan niya ang ina ukol sa kaniyang pag-aaral sa
Ateneo.

2. Ikalawang Taon sa Ateneo (1873-74)

1. Walang masyadong mahalagang pangyayari kay Rizal sa Ateneo sa taong ito.

2. Hindi nagpakita ng pangunguna sa pag-aral si Rizal dahilan sa sama ng loob dailan sa hindi magandang
puna ng guro sa kaniya

3. Dumating sa Ateneo ang ilan sa kaniyang mga dating kamag-aral sa Biñan.

4. Hinulaan ni Rizal ang nalalapit na paglaya ng kaniyang ina.

5. Nagsimula si Rizal ng kaniyang pagkahilig sa pagbabasa at ilan sa mga aklat na ito ay ang mga
sumusunod:

1. Count of Monte Cristo na sinulat ni Alexander Dumas.

2. Universal History na sinulat ni Cesar Cantu na pinilit niyang ipabili sa kaniyang ama.

3. Travels in the Philippines na isinulat ni Dr. Feodor Jagor.

3. Ikatlong Taon sa Ateneo (1875-76)

1. Nagbalik si Rizal sa Ateneo para sa kaniyang Ikatlong Taon.

2. Dumating ang kaniyang ina at ipinaalam kaniyang paglaya kay Rizal.

3. Hindi rin kinakitahan ng pangunguna si Rizal sa klase.

4. Natalo siya ng mga kamag-aral na Espanyol sa wikang Espanyol dahilan sa mas mahusay ang mga ito sa
sa tamang pagbigkas.

4. Ika-apat na Taon sa Ateneo (1876-77)


1. Sa taong ito ay nakilala ni Jose Rizal si Padre Francisco de Paula Sanchez S.J. Ang nasabing pari ang
humikayat kay Rizal para mag-aral na mabuti, lalo na sa pagsulat ng mga tula.

2. Sinabi ni Rizal na si Padre Francisco de Paula Sanchez ay isang modelo ng katuwiran at pagsisikap para
sa pag-unlad ng kaniyang mga mag-aaral.

3. Dahilan dito ay nagbalik ang sigla ni Rizal sa pag-aaral at natapos ang taon ng pag-aaral na mayroong
limang medalya.

5. Huling Taon sa Ateneo (1876-77)

1. Naging ganap ang sigla ni Rizal sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo.

2. Nagtapos si Rizal sa Ateneo noong Marso 23, 1877 at natamo sa paaralan ang Bachiller en Artes.

6. Mga Naging Ibang Gawain sa Ateneo

1. Mga Samahan na Kinasapian ni Rizal

1. Kalihim ng Marian Congregation

2. Kasapi ng Academy of Spanish Language

3. Kasapi ng Academy of natural Sciences

2. Nag-aral siya pagguhit kay Agustin Saez na kilalang mahusay na pintor na Espanyol.

3. Nag-aral siya ng paglililok kay Romualdo de Jesus.

4. Nag-aral din siya ng eskrima at gymnastics.

5. Padre Jose Villaclara - nagsabi kay Rizal na tigilan na ang pagsulat ng tula.

7. Likhang Lilok

1. Imahen ng Birheng Maria na ipagkakaloob sana ni Rizal kay Padre Lleonart.

8. Unang Pag-ibig ni Rizal

1. Segunda Katigbak – ang babaeng unang minahal ni Rizal.

2. Mariano Katigbak – kapatid ni Segunda at kaibigan ni Rizal.

3. La Concordia – ang paaralan na pinapasukan ni Segunda Katigbak.

4. Manuel Luz – ang lalaking takdang mapangasawa ni Segunda.

KABANATA 5 PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-82)

1. Sa pagtatapos ni Rizal sa Ateneo ay naghanda siya para sa pag-aaral sa unibersidad.

2. Ang planong pagpasok ni Rizal sa unibersidad ay tinutulan ng kaniyang ina dahilan sa pagkakaroon nito ng maraming
kaalaman ay nanganganib ang buhay ni Rizal.

3. Sa kabila ng pagtutol ng kaniyang ina si Rizal ay isinama ni Paciano sa Maynila para mag-aral.

4. Noong Abril 1877 nagpatala para mag-aral si Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas.
5. Ang una niyang kursong kinuha ay Pilosopia Y Letra bunga ng mga sumsusunod na dahilan:

1. Ito ang gusto ng kaniyang ama

2. Wala pa siyang tiyak na kursong gusto

6. Padre Pablo Ramon SJ – ang hiningan ni Rizal ng payo ukol sa kaniyang dapat na maging kurso sa UST.

7. Sa unang semestre ng taong 1877-78 si Rizal din ay nag-aral sa kursong perito agrimensor sa Ateneo.

8. Sa ikalawang Semestre ng nasabing taon ay natanggap ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Ramon SJ na nagpapayo sa
kaniya na kumuha ng Medisina. Kinuha ni Rizal ang kurso dahilan sa kaniyang pagnanais na magamot ang kaniyang ina.

9. Nagkaroon si Rizal ng relasyon sa mga sumusunod na babae:

1. Binibining L. – isang babae na taga Calamba na laging dinadalaw ni Rizal sa gabi sa panahon ng bakasyon na umuwi
siya mula Maynila na bigo kay Segunda Katigbak.

2. Leonora Valenzuela – kapitbahay ng inuupahang bahay ni Rizal. Kaniya itong pinadadalhan ng sulat sa pamamagitan
ng hindi nakikitang tinta.

3. Leonor Rivera – pinsan ni Rizal at anak ng kaniyang inuupahang bahay. Sa kanilang pagsusulatan ay ginagamit ni
Leonor ang pangalang Taimis.

10. Si Rizal ay naging biktima ng isang opisyal na Espanyol noong 1878. Si Rizal ay pinalo ng sable sa likod ng
nasabing opisyal.

11. Noong 1879, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario. Sa nasabing paligsahan ay
nanalo ng unang gantimpala ang kaniyang tulang sinulat na may pamagat na A La Juventud Filipina.Ang paligsahan ay para
lamang sa mga Pilipino.

12. Noong 1880, si Rizal ay lumahok sa paligsahan ng Liceo Artistico-Literario ukol bilang pag-paparangal sa
ika-400 taon ng kamatayan ni Miguel de Cervantes. Sa nasabing paligsahan ang kaniyang ginawang akda na may pamagat
na El Consejo de los Dioses ay nanalo ng unang gantimpla. Ang paligsahan ay bukas sa mga Pilipino at Espanyol.

13. Kampeon ng mga Estudyante – Nagtayo sina Rizal ng isang samahan na tinatagwag na Compañerismo sa
layunin na ipagtanggol ang kanilang sarili laban sa mga pang-iinsulto ng kanilang mga kamag-aral na Espanyol.

14. Hindi naging masaya si Rizal sa UST bunga ng mga sumusunod na kadahilanan;

1. Galit sa kaniya ang mga guro ng UST

2. Minamaliit ang mga mag-aaral na Pilipino ng mga Espanyol

3. Makaluma ang sistema ng pagtuturo sa UST

KABANATA 6 – PAGPUNTA SA ESPANYA (1982-85)

A. Ang Pag-alis

1. Sa pagtatapos ni Rizal sa kaniyang ika-apat na taon ng pag-aaral ng medisina sa UST si Rizal ay nagbalak na tumungo
ng Espanya para dito magpatuloy ng pag-aaral.

2. Ang Lihim na Pag-alis ni Rizal


1. Paciano – ang nagbalak ng pag-alis ni Rizal para magtungo sa Europa.

2. Antonio Rivera – ang ama ni Leonor Rivera na kumuha ng pasaporte ni Rizal patungo ng Espanya.

3. Jose Mercado – ang ginamit na pangalan ni Rizal sa kaniyang lihim na pag-alis patungo sa Espanya.

3. Umalis si Rizal sa Pilipinas noong Mayo 3, 1882 sakay ng barkong Salvadora.

4. Donato Lecha – ang kapitan ng barkong Salvadora.

B. Singapore

1. Mayo 8, 1882 – narating ni Rizal ang Singapore.

2. Hotel de la Paz – hotel na tinuluyan ni Rizal sa Singapore.

3. Dinalaw ni Rizal ang mga sumusunod:

1. Harding Botaniko

2. Distritong Pamilihan

3. Templong Budista

4. Estatwa ni Thomas Stanford Raffles – tagapagtatag ng Singapore.

4. Nilisan ni Rizal ang Singapore sakay ng barkong Djemnah.

B. Colombo

1. Maraming iba’t ibang lahi ang nakasabay ni Rizal sa barko Djemnah at binalak ni Rizal na magsalita ng Pranses ngunit
hindi siya naintidihan ng mga ito.

2. Ang kaniyang sinabi sa Port Galle ay masyadong malungkot ang lunsod.

3. Nakarating siya sa Colombo at sinabi niyang maganda ang lunsod kaysa sa Singapore, Port Galle, at Maynila.

B. Suez Canal

1. Suez Canal – isang lagusang tubig na nag-uugnay ng Red Sea at Mediterrenean Sea.

2. Ferdinand de Lesseps – isang diplomatikong Pranses na nagplano ng pagtatayo ng Suez Canal.

3. Nakarating si Rizal sa Port Said na dulong bahagi ng Ehipto. Dito nakita ni Rizal ang mga tao na nagsasalita ng iba’t
ibang mga wika.

B. Naples at Merseilles

1. Nagtungo ang barkong Djemnah sa Europa at noong narating ni Rizal ang Naples noong Hunyo 11, 1882.

2. Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merselles at kaniyang binisita ang Chateu d’If na siyang lugar na
binanggit ni Alexander Dumas sa kaniyang nobelang Count of Monte Cristo.

B. Barcelona

1. Hunyo 15, 1882 nilisan ni Rizal ang Merseilles aty narating ang Barcelona sakay ng tren galing Pransiya.

2. Narating niya ang Barcelona noong Hunyo 16, 1882.

3. Hindi maganda ang unang impresyon ni Rizal sa Barcelona dahilan siya ay napatira sa hindi magandang bahagi ng
lunsod.
4. Sa bandang huli ay nagbago ang kaniyang pananaw sa Barcelona dahilan sa nakita niya ang lunsod ay nagtataglay ng
kalayaan at liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.

5. Plaza de Cataluña – ang paboritong kaininan ng mga mag-aaral na Pilipino sa Barcelona at dito binigyan si Rizal ng
isang piging bilang pagbati sa kaniyang pagdating.

B. Amor Patrio

1. Amor Patrio – ang unang akda ni Rizal sa labas ng bansa. Dito rin ginamit ni Rizal ang pangalan sa panulat na Laong
Laan.

2. Diariong Tagalog – isang mapangahas na pahayagan sa Maynila na naglathala ng kaniyang mga artikulo.

3. Basilio Teodoro – ang patnugot ng Diariong Tagalog.

4. Marcelo H. Del Pilar – ang nagsalin ng Amor Patrio mula sa wikang Espanyol sa wikang Tagalog.

5. Iba pang mga artikulong ipinadala ni Rizal sa Diariong Tagalog

1. Los Viajes

2. Revista del Madrid

B. Paglipat sa Madrid

1. Sa Barcelona ay nabalitaan ni Rizal ang balita ukol sa epidemya ng kolera sa Pilipinas.

2. Nakatanggap siya ng sulat mula kay Jose Cecilio na nagbabalita ng malungkot na kalagayan ni Leonor buhat ng siya ay
umalis.

3. Pinayuhan ni Paciano si Rizal na lumipat ng Madrid.

B. Buhay sa Madrid

1. Nagpatala si Rizal sa Universidad Central de Madrid sa mga kursong:

1. Medisina

2. Pilosopiya at Pagsulat

2. Nagsikap na Matutunan ang mga sumusunod:

1. Pagpipinta at Paglilok sa Academy of Fine Arts of San Fernando

2. Nagsanay ng eskrima at pagbaril sa Hall of Arms of Sanz y Carbonell

3. Nag-aral ng mga wikang:

1. Pranses

2. Aleman

3. English

3. Namamasyal sa mga galerya ng sining at mga museo

4. Nagbasa ng maraming mga aklat

5. Naging matipid si Rizal sa kaniyang pagastos

6. Ang tanging sugal na tinayaan ni Rizal ay ang lotto


7. Nagpapalipas ng mga libreng oras sa bahay ng mga Paterno

B. Pag-ibig kay Consuel Ortiga y Perez

1. Nagkaroon ng pagkakataon si Rizal na makabisita sa bahay ni Señor Pablo Ortiga y Rey na dating alcalde ng Maynila sa
panahon ng panunungkulan ni Gobernador Heneral Polavieja.

2. Consuelo – ang anak na dalaga ni Don Pablo na umibig kay Rizal.

3. Pinadalhan ni Rizal ng isang tula ang dalaga na may pamagat na A La Señorita C. O. Y P.

4. Hindi itinuloy ni Rizal ang panliligaw sa dalaga dahilan sa:

a. Tapat siya kay Leonor

b. Ang kaniyang kaibigang si Eduardo de Lete ay nanliligaw sa dalaga

B. Si Rizal Bilang Mason

1. Sa Madrid ay nakilala ni Rizal ang mga kilalang liberal ng Espanya na ang mga ito ay kabilang sa samahan ng mga
Mason.

2. Masonerya – isang pandaigdig na kapatiran ng mga taong may malayang kaisipan.

3. Sumali si Rizal sa nasabing samahan upang mahingi ang tulong ng mga ito sa kaniyang paglaban sa mga prayle sa
Pilipinas.

4. Logia de Acacia – ang balangay ng Masoneya na inaniban ni Rizal.

B. Paghihirap sa Paris

1. Nagkaroon ng paghihirap si Rizal sa Madrid dahilan sa hindi naging maganda ang ani sa kanilang lupa. Dahilan dito ay
hindi nakarating ang sustento ni Rizal sa Madrid.

2. Ipinagbili ni Paciamo ang bisiro ni Rizal para may maipadala lamang kay Rizal.

3. Kumuha si Rizal ng pagsusulit sa kaniyang aralin sa Griego na hindi man lamang nag-aalmusal at nananghalian.

B. Pagpugay kina Luna at Hidalgo

1. Nagkaroon ng pagpupugay ang mga Pilipino dahilan sa pagkapanalo nina :

1. Juan Luna sa Spolarium

2. Felix Resurecion Hidalgo sa Virgines Christianas Expuesta al Populacho.

B. Pagtatapos sa Pag-aaral

1. Natapos ni Rizal noong 1885 ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya

KABANATA 7 - RIZAL SA PARIS HANGGANG BERLIN

I. Sa Paris (1885-86)

1. Nagtungo si Rizal sa kanyang layunin na magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata.


2. Bago nagtungo sa Paris pansamantalang tumigil si Rizal sa bahay ni Maximo Viola na nag-aaral ng medisina sa
Barcelo.

3. Sa Barcelona kaniyang nakilala si Eusebio Carominas ang patnugot ng pahayagang La Publicidad .

4. Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de Weckert na pangunahing
optalmolohista ng Pransiya. Nanatili dito si Rizal mula Nobyembre 1885 hanggang Pebrero 1886.

5. Sa labas ng kaniyang oras sa klinika ni Dr. Weckert ay kanyang kaibigan partikular na dito ang pamilyang Pardo de
Tavera.

I. Heidelberg

1. Pagkatapos ng kanilang mga gawain sa Paris si Rizal ay nagtungo ng Alemanya para sa

pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral sa optalmolohiya.

2. Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lunsod ng Heidelberg na kilala sa kanyang unibersidad.
Naninirahan siya sa isang boarding house na tinitirhan ng mga mag-aaral ng abogasya.

3. Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang doktor ng
optalmolohiya sa Alemanya.

4. A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal sa kagandahan ng mga bulaklak ng Heidelberg.

5. Sa nasabing lunsod inabutan si Rizal ng selebrasyon ng Ikalimang Daan Taon ng Pagkakatatag ng Heidelberg.

I. Wilhelmsfeld

1. Wilhelmsfeld - isang bayang bakasyunan sa Alemanya kung saan si Rizal ay tumigil ng tatlong buwan.

2. Karl Ullmer- pastor protestante na tinigilan ni Rizal habang siya ay nagbabakasyon sa Wilhelmsfeld.

3. Napamahal kay Rizal ang pamilya ni Pastor Ullmer at ito ay kaniyang ipinadama niya sa pamamagitan ng pagsulat sa
anak nito na si Friedrich Ullmer na nagpapasalamat sa kabutihan ng nasabing pamilya.

I. Unang Sulat kay Blumentritt

1. Hulyo 31, 1886 - petsa ng unang sulat ni Rizal na ipinadal;a niya kay Blumentritt.

2. Ferdinand Blumentritt - isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta
ng Pilipinas.

3. Aritmetika - pamagat ng aklat na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog na ipinadala ni Rizal kay Blumentritt upang
magamit niyang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.

I. Leipsig at Dresden

1. Leipsig - isang lunsod sa Alemanya na kaniyang binisita upang dumalo ng aralin sa Kasaysayan at Sikolohiya.

2. Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever na isang kilalang
antropologo.

3. Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen.

4. Dresden - binisita ni Rizal ang lunsod na ito at dito ay kaniyang nakilala si Dr. Adolph Mever ang direktor ng Museo ng
Antropolohiya at Etnolohiya.

I. Pagtanggap kay Rizal sa Kalipunang Siyentipiko sa Berlin


1. Berlin - hinangaan ni Rizal ang lunsod na ito dahilan sa pagkakroon nito ng siyentipikong kapaligiran at malaya sa
pagtatangi ng lahi.

2. Dr. Feodor Jagor - nakatagpo ni Rizal ang nasabing manlalakbay na sumulat ng isang akalt tungkol sa Pilipinas.

3. Dr. Rudolf Virchow - isang kilalang antropolohistang Aleman na nakilala ni Rizal sa Berlin.

4. Dr. W. Joest - isang kilalang heograpong Alemanya na nakilala ni Rizal sa Berlin.

5. Dr. Karl Ernest Schweigger- isang kilalang optalmolohista ng Berlin at dito si Rizal ay naglingkod sa klinika.

6. Dr. Rudolf Virchow - kanyang inimbitahan si Rizal na magsalita sa isang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.

7. Tagalog Verskunt - ang pamagat ng papel panayam na binasa ni Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Ethnographic
Society ng Berlin.

I. Buhay ni Rizal sa Berlin

1. Mga dahilan ni Rizal sa Pagtigil sa Berlin

a. Palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya

b. Palawakin ang kaalaman sa agham at wika

c. Magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya

d. Makilahok sa mga kilalang siyentipikong Aleman

e. Ipalimbag ang Noli Me Tangere

1. Obserbasyon sa Mga Kababaihang Aleman

a. Seryosa

b. Matiyaga

c. Edukada

d. palakaibiganin

1. Paghihirap sa Berlin

a. Walang dumating na padalang pera mula sa Calamba

b. Kumakain lamang ng isang beses sa isang araw

c. Naglalaba ng kaniyang sariling damit

d. Naghihinala siya sa pagkakaroon ng sintomas ng sakit na tuberkulosis

KABANATA 8 - PAGPAPALIMBAG NG NOLI ME TANGERE


I. Ang Ideya at Pagsulat ng Noli

1. Uncle Tom's Cabin - isang nobela na sinulat ni Harriet Beecher Stowe na tumatalakay sa buhay ng mga aliping itim sa
Amerika.

2. Enero 2, 1884 - petsa ng pagtitipon kung saan pinanukala ni Rizal sa grupo ng mga Pilipino na magsulat sila ng isang
nobelang ukol sa kalagayan ng Pilipinas.

3. Paghahati ng Pagsulat ng Noli Me Tangere

a. 1/2 sa Espanya

b. 1/4 sa Pransya

c. 1/4 sa Alemanya

1. Wilhelmsfeld - dito tinapos ni Rizal ang mga huling kabanata ng Noli Me Tangere.

2. Maximo Viola - ang nagsilbing tagapagligtas ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagpapahiram niya kay Rizal ng
halagang P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng nasabing nobela.

3. Pebrero 21, 1887 - petsang natapos ang Noli Me Tangere at inihanda para sa pagpapalimbag.

4. Berlin Buchdruckrei-Action-Gesselschaft - ang palimbagan na tumanggap upang ilaathala ang Noli Me Tangere sa
halagang P300 sa daming 2,000 kopya.

5. Marso 21, 1887 - lumabas ng palimbagan ang nobelang Noli Me Tangere.

6. Mga Unang Pinadalahan ni Rizal ng kopya ng Noli

a. Ferdinand Blumentritt

b. Dr. Antonio Ma. Regidor

c. Graciano Lopez-Jaena

d. Mariano Ponce

e. Felix Resurrecion- Hidalgo

1. Kinuha ni Rizal ang pamagat ng Noli Me Tangere mula sa ebanghelyo ni San Juan.

2. Inihandog ni Rizal ang Noli Me Tangere sa inang bayan.

3. Elias at Salome - ang isang kabanata na inalis ni Rizal sa Noli Me Tangere upang makatipid siya sa presyo ng
pagpapalimbag ng nobela.

KABANATA 9 - PAGLALAKBAY SA EUROPA KASAMA NI VIOLA

I. Ang Paglalakbay

1. Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.

A. Dresden

1. Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay napataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak.


2. Binisita ni Rizal si Dr. Adolph Meyer sa Museo ng Sining.

3. Prometheus Bound - isang obra maestrang pinta na labis na hinangaan ni Rizal sa Dresden.

4. Dr. Jagor - nagpayo kay Rizal na padalhan muna ngg telegrama si Blumentritt bago siya pumunta ng Leitmeritz.

A. Leitmeritz

1. Mayo 13, 1887 - dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt sa istasyon
ng tren dala ang larawan na pagkakakilalanan kay Rizal.

2. Hotel Kreb - dito tumira sina Rizal at Blumentritt habang bumibisita sa Leitmeritz.

3. Nakilala ni Rizal ang pamilya ni Blumentritt

a. Rosa ang asawa ni Blumentritt

b. Dolores - anak

c. Conrad - anak

d. Fritz - anak

1. Burgomaster - ipinakilala ni Blumentritt si Rizal at kaniyang hinangaan ang katalinuhan ni Rizal sa madaling pagkatuto
ng wikang Aleman.

2. Dr. Carlos Czepelak - isa sa mga kilalang siyentipiko ng Europa nma nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

3. Robert Klutschak - isang bantog na naturalista na nakilala ni Rizal sa Leitmeritz.

A. Prague

1. Dinalaw ni Rizal at Viola ang lunsod na ito noong Mayo 17 -19, 1887.

2. Dr. Willkom - ang professor ng natural history ng Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lunsod dala ang sulat
ng pagpapakilala ni Blumentritt.

3. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus - ang dakilang astronomo sa kasaysayan ng sangkatauhan.

4. Binisita din nila ang kuweba na nagsilbing bilangguan ni San Juan Nepomuceno pati na ang tulay na pinaghulugan
nito.

A. Vienna

1. Binisita ni Rizal sa lunsod na ito si Norfenfals na isa sa mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon.
Sa dakong huli hinangaan din niya si Rizal sa katalinuhang taglay nito.

2. Hotel Metropole - hotel na tinigilan nina Rizal at Viola sa Vienna.

A. Pagbaybay sa Ilog Danube

1. Danube - isa sa mga malalaking ilog ng Europa. Nagsakay sina Rizal at Viola ng bangka upang makita ang kagandahan
ng ilog at ng kanyang mga pangpang.

2. Dito napansin ni Viola sa unang pagkakataon ang kakaibang gamit ng mga tagarito na papel na napkin sa kanilang
pagkain.

A. Lintz tungo sa Rheinfall

1. Munich - dinalaw nina Rizal at Viola ang lunsod at panandaliang namasyal upang malasahan ang Munich beer na
bantog sa buong Alemanya.
2. Nuremberg - sa lunsod na ito ay dinalaw nina Rizal at Viola ang museo na nagtataglay ng mga kagamitang
pangpahirapna ginamit sa panahon ng Ingkisisyon at ang pagawaan ng manyika na pinakamalaking industriya ng lunsod.

3. Ulm - dinalaw nina Rizal at Viola ang katedral ng lunsod na kilala bilang pinakamalaki at pinakamataas at pinanhik ang
tore nito.

4. Rheinfall - nakita ni Rizal ang talon na ito na kanyang sinabing "pinakamaganda sa buong Europa."

A. Switzerland

1. Geneva - kay Rizal ang lunsod na ito ang pinakamaganda sa buong Europa.

2. Mga wikang sinasalita ng mga taga-Switzerland

a. Aleman

You might also like