You are on page 1of 23

#PaspasangSanaysay

O kung paano magkakasaysay !


ang sanaysay kahit saan lumunsad?
asst. prof. joselito d. delos reyes, lpt, ma, phd, lodi, werpa, petmalu
university of santo tomas center for creative writing and literary studies
university of santo tomas rseearch center for culture, arts and humanities
Kumusta naman ang biyahe
ninyo patungo rito?
Inistatus ba ninyo ang karanasan?
Pakibasa nga sa amin?
Ilan naman ang nag-like? Nag-
comment? Nag-share? Nag-
trending ba? Naging viral?
Ano ba ang katangian ng mga sinusundan nating
Facebook account? Bakit ba tayo interesado?
Paano ba nakukuha ang atensiyon natin?
Wala naman talaga akong
bagong sasabihin.
Ang batayang prinsipyo sa pagsulat ng
sanaysay ay nanatili pa rin kahit sa
panahon ng memes, gif, CTTO, at ni
Pepeng Pinakamalupetz.
Ang dapat pagnilayan lang muna ay kung may
mambabasa pa rin ba tayo? May nagbabasa pa
rin ba sa inyo? May magbabasa pa ba sa mga
mag-aaral natin nang hindi inoobliga?
(Pero dahil no choice ang mga estudyante na sumulat,)
Ang tanong, may kakayahan pa ba tayong kumuha ng
mambabasa? Dahil para kanino sila magsusulat? Hindi
lang dapat para sa atin bilang guro. Lalong hindi lang
dapat para sa contest. Ibang usapin ito, oo, pero dapat
pa ring pagnilayan.
Essay basics: EDNA bilang moda ng
diskurso (Exposition, Description,
Narration, Argumentation)
An essay is a short literary composition on a
particular theme or subject, usually in prose
and generally analytic, speculative, or
interpretative (https://www2.le.ac.uk/offices/
ld/resources/writing/writing-resources/
writing-essays).
Essay is an analytic, interpretative, or
critical literary composition usually
much shorter and less systematic and
formal than a dissertation or thesis and
usually dealing with its subject from a
limited and often personal point of view
(https://www.britannica.com/art/essay).
Dahil totoo naman kasi: ang naratibo ng personal na
liham, kolum, editoryal, rebyu, rant, chapter 1 o 2 ng
thesis, at marami pang iba ay pawang inilalahad sa
pamamagitan ng sanaysay (unless gusto ninyong
tulain ang MA thesis ninyo, na okey lang din naman).
Noong 1588 lang tinawag itong essais ni Michel de
Montaigne. “Choosing the name essai to emphasize that
his compositions were attempts or endeavours, a
groping toward the expression of his personal thoughts
and experiences, Montaigne used the essay as a means
of self-discovery.” (https://www.britannica.com/art/
essay)
Naks. Kung maka-“attempts or
endeavours, a groping toward
the expression of his personal
thoughts and experiences,”
emong-emo ha.
Ang sanaysay ay dapat na magbibigay pa rin ng
sama-samang impormasyon, maglilibang,
at manghihikayat sa mambabasa.
Ang sanaysay, ayon kay Alejandro G. Abadilla (na
siyang unang gumamit ng salitang sanaysay
[buhat ba sa salitang sanay at salaysay na may
saysay?]) ay “isang akdang pampanitikan na may
kababaang-loob, walang anumang pagpapanggap,
naglalangkap ng mismong pagkatao ng may-
akda” (galing sa komentaryo ng isang referee sa
aking research journal entry)
Palagay ko, nagbabago-bago rin ang layunin ng
sanaysay batay sa kung anong midyum ito lulunsad
(halimbawa, status sa Facebook, o formal theme). Dapat
kasing makuha nito ang atensyon at umakma sa iniisip
nating target na mambabasa. Sino ba ang magbabasa?
Susulat lang ba ang mag-aaral natin para lang sa inyo?
Bueno, muli, dapat kong sabihin,
ang kabihasaan sa wika (anumang
wika ito, be it from the descriptive
or prescriptive school of linguistics) Kasama nito ang
ang pinakamahalaga sa kahit malalim, maasahan,
anong sulatin, sanaysay man o tiyak, makatotohanan,
nobela o Facebook status. at malalim na
kaalaman at pag-
Dapat super-palabasa ang unawa sa paksa. Sa
magsusulat, as in. (patay madaling salita,
tayo d’yan, beh) magaling. As in.
Ibig sabihin pa rin: Hindi naman ganoong kalaki
ang ipinagbago buhat nang simulan ang pagsulat
ng sanaysay hanggang ngayong nagmamadaling
midyum ng Internet.
Ang mas inaalala ko ngayon, gayong hindi nagbago ang paraan ng
pagsulat, ganoon din kaya ang paraan ng pagbasa? O nagbago na
ba ang panahon hindi kagaya noong panahon ng marami sa atin?
Heto tayo
Bukod sa hindi ko mapatatawad ang ignoramus sa dynamics
ng wika, ganito pa rin naman ang taktika ko sa pagsulat ng
sanaysay:
1. Kilalanin ang mambabasa. Sino ba? Iniisip mo
ba siya bilang isang buhay na tao? Ano ang alam
mo sa taong ito? Saan siya nakatira? Ano ang
kaniyang mga interes? Ano ang kaniyang
suliranin? Ano ang hinahanap niyang
*tip: umisip ng isang partikular na impormasyon?
tao kapag nagsusulat ng sanaysay
2. Ano ba ang iyong pangwakas na layunin? Kapag nabasa na ang
iyong sanaysay, ano ang gusto mong maramdaman ng mambabasang
ito? Maging masaya? Mabahala? Mangamba? Masiyahan? Magutom
(kung ilalarawan mo halimbawa ang kinain mo kagabi).
!
Ngunit higit sa mararamdaman, ano ang nais mong gawin niya?
Ikilos? Aksyon? Magnilay? Tigilan ang maglaro ng DOTA? Kumain sa
restaurant na ginawa mong paksa? Pumunta sa sulok ng mundo na
napuntahan mo? Gamitin ang gadget, kumain sa retaurant o
panoorin ang pelikulang nirebyu mo?
3. Ipaliwanag kung bakit may pakialam ang
mambabasa sa iyong isinulat. E di kilala mo na ang
mambabasa mo, ngayon, bakit siya dapat mag-abala
sa pagbasa samantalang mas marami pang dapat
mabasa? Tandaan natin na lahat ay mistula nang
nagmamadali, abala, wala nang panahong magbasa.
!
Ano ba ang mapapala niya dito?
Gawin mo itong mahalaga sa iyong mambabasa. At
sabihin mo kung bakit
4. Ibahagi mo ang iyong kaalaman. Ilahad mo ang
ang detalye, ang maliliit na bagay at pangyayari na
natatangi. Ano ba ang mahalagang impormasyon
ang ibabahagi mo? Ano ang mahalagang dapat
malaman ng iyong mambabasa?
5. Detalye detalye.
Mga detalyeng
kukuha sa interes ng
mambabasa; na
magdadala sa
mambabasa sa kung
saan mo gustong
dalhin (lugar,
panahunan).
Halimbawa:
From my bag of writing tricks: Hindi lamang
pisikal ang paglulugar at pamamanahon.
May iba’t ibang
dimensyon ito.
Ang totoo, may damdamin
ang lugar at panahon.
Tanghaling tapat?
Madaling-araw?
Hatinggabi?
Nobyembre 1?
Bus pauwi?
Waiting shed?
Bawat pagdidimensyon ay hindi
lamang pagsasabi ng lugar.
Paghahanda ito sa damdaming
tatamasahin ng mambabasa.
Ngunit ang lugar at panahon ay hindi
lamang eksaktong lugar at panahon.
“Habang nagrerebyu.”
“Kaninang naghihintay ako ng
traysikel papunta sa palengke.”
“Unang araw ng
pasukan.”
“Pagkagaling sa sementeryo.”
Ganoon din sa paglalarawan
ng tao. Pagdidimensyon din ito.
Pag-isipan: mukha siyang Biyernes
Santo; pasan niya ang daigdig; mukhang
bagong break-up.
Ganoon din sa paglalarawan ng
lugar. Pagdidimensyon din ito.
Pag-isipan: Bumagsak ako sa init ng Leyte
and I shall never return; Isinuko ko ang
pangangailangan kong manigarilyo sa Leyte.
May survivor instinct ka ba? Street smart
ka kamo? Weh? Subukan mong pumunta
sa Divisoria. Umaga. Magpapasko.
Lahat ng ito ay Makipag-
magagawa natin dahil ugnayan nang
sa kakayahan natin sa may sinseridad
wika at mata para sa
sa kapwa.
panalong detalye.
Samahan ito ng pagiging palabasa
para matuto ka ng teknik sa pagsulat.
Oo, kahit hindi magandang babasahin,
basahin mo. Dahil magaling ka nang
magbasa kapag alam mo ang maganda sa
hindi.
Pag-isipan natin ang paglalakbay ninyo para
makarating dito. Pag-isipan ang damdamin
habang naglalakbay; ang lasa ng mga kinain.
6. Paano ba dapat atakihin ang isusulat na sanaysay?
Ang pag-outline ang isa pinakaepektibong paraan ng
pagsulat ng sanaysay. Piliin ang estrukturang
pinakanararapat. Laging ikonsidera ang interes ng
mambabasa. Gaano na ba katagal ang atensyon sa
*tip: huwag masyadong mag- pagbasa?
outline lalo na kung hindi
naman tali sa sukat(!). Baka
minsan, kailangan din nang
instinctive na pagsulat. Ang
mahalaga, praktisado.
7. Pagtuonan ang pinakamahalaga. Bago magsimula,
isipin muna ang lahat ng taglay mong impormasyon, at
ilapat sa iniisip mong naratibo. Ano ba ang
pinakamahalaga? Ano ang magbibigay ng lugod? Ano
ang magagamit mo at pakikinabangan ng mambabasa?
*tip: Most essays answer the
question, “What?” Good essays
answer the “Why?” The best
essays answer the “How?”
8. Kawastuhan. Kahit pa sabihin mong personal na
sanaysay ito, tungkol sa iyong karanasan, mahalaga
pa ring wasto at tiyak ang detalye mo: mga pangalan,
mga lugar, petsa, pangyayari, pagkakasunod-sunod.
Be source heavy. Dito lamang masusukat ang isang
aspekto ng iyong pagiging manunulat: integridad.
9. Tono. Isaalang-
alang ang
mambabasa, ang
midyum, (lalo na
ang social media),
ang paksa, ang
okasyon sa pagpili
ng karampatang
tono.
Ganito pa rin ang taktika ko sa pagsulat ng lathalain:
10. Jargon. Nagdaragdag ng awtentisidad at
kredibilidad sa manunulat at isinusulat ang mga
kinakailangang jargon o terminolohiya hinggil
sa paksa. Palatandaan din ito na nanaliksik ang
manunulat kahit papaano; alam ng manunulat
ang kaniyang isinusulat, pati na ang milieu ng
kaniyang paksa.
11. Imahen. Ang epektibong paggamit ng
mga imahen sa paglalarawan ay lubos na
makatutulong upang “madala” ang
mambabasa patungo sa nais mong sitwasyon.
Pero tandaan sana: Lahat ng ito ay
magagawa lamang nang magaling
kapag bihasa ka sa wika. At paano
nakakamit ang kabihasaan?
Daghang Salamat!
asst. prof. joselito d. delos reyes, lpt, ma, phd, lodi, werpa, petmalu
university of santo tomas center for creative writing and literary studies
university of santo tomas rseearch center for culture, arts and humanities
https://www.facebook.com/joselito.d.delosreyes
Sumulat ng personal na
sanaysay na may habang 100-150
salita hinggil sa paksang “Bakit
ako naririto?” o “Why am I
here?” Lagyan ng detalye,
karampatang jargon, at
pagdidimensyon. Isipin ang
isang partikular na mambabasa:
iyong hindi naniniwalang dapat
kang naririto o ayaw kang
pumunta dito.
Gamitin ang #PaspasangSanaysay sa
pagpo-post ng inyong sanaysay sa
Facebook. At mula dito, sikapin nating
makapagbigay tayo ng makabuluhan at
constructive na puna o komento.

You might also like