You are on page 1of 3

1986 PEOPLE POWER REVOLUTION

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding Rebolusyon sa
EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula
Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos
protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si
Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng
simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap
ang mga demonstrasyon sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang
Maynila.

Pilipinas Himagsikan ng Lakas ng Bayan

Petsa :Pebrero 22-25, 1986

Pook :Kalakhang Maynila sa Epifanio de los Santos Avenue

Kinalabasan :Wakas ng rehimeng Marcos at nagkaroon ng bagong pamahalaang pinamunuan ni Corazon


Aquino

Naglalabanan: Sandatahang Lakas ng Pilipinas, mga tumiwalag na tropa,taong-bayang


sumasalungat,Komandante,Ferdinand Marcos,Imelda Marcos,Fabian Ver,Corazon Aquino,Juan Ponce
Enrile,Fidel Ramos,Jaime Cardinal Sin

Ang artikulong ito ay tungkol sa unang Rebolusyon sa EDSA.

Kasaysayan

Ang Rehimeng Marcos

Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado
Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging
aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa
Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si
Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang
pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan
sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army
(NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula
sa Pilipinas.Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito,
noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa
sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas
militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang
tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon
ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang
ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni
Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa
oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.

Pagpaslang kay Ninoy Aquino

Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa
kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang
kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol
dito.

Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano sa Manila
International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).[1] Nagdulot ito ng malaking galit sa mga
Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos
protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang
humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.[2]

Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique
Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report,
ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak
nang pamahalaan.

Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang nagpalubog sa Pilipinas
sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%.[3]

Ang Snap Election

Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng


Amerika[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang
mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular
Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa
halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino,
ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng
taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.

Naganap ang halalan noong 7 Pebrero 1986. Ang eleksiyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersiyal sa
kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal
na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang
nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha
lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang
Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo
si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa
malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang
pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.[5].

Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng pagkondena sa
nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo
ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos, "nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng
malawakang dayaan. Sa kabila ng mga malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng
COMELEC na si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na
nanalo si Aquino ng 52 porsyento.

Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino bilang mga nagwagi. Lahat ng
50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip
naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo. Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik
(boykot) sa mga produktong pagmamay-ari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang
ekonomiya ng Pilipinas.

Ang Paglisan ni Marcos

Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng payo mula sa
White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos.
Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang
pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago
tuluyang lumipad ng Hawaii.

Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng
Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong mamamayan. Maliban sa mga naganap na
nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.

Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon
sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight
they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas
ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")

Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay
kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik
ang demokratikong institusyon sa bansa.

Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom
Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa
natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa
bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng
anim na taon para mamuno.

You might also like