You are on page 1of 1

Kahirapan at pagkagutom ang

bunga ng over population


Ang sobra-sobra populasyon ng mga Pilipino ang itinuturong
dahilan kung bakit marami ang naghihirap at nagugutom. At
kapag napag-uusapan ang populasyon hindi maiiwasang
ikumpara ang Pilipinas sa Thailand. Nakahahanga ang Thailand
na na-manage nang buong husay ang kanilang populasyon.

Noong dekada ’60, magkapareho lamang ang population


ng Thailand at Pilipinas. Ngayon ay katamtaman lamang ang
dami ng Thais samantalang sandamukal ang mga Pilipino. Dapat
pa bang pagtakhan kung bakit maraming nagugutom sa
bansang ito?

Na-eliminate ng Thailand ang kahirapan sa loob ng


dalawang dekada. Ang sekreto ng Thailand kaya nagapi nila ang
kahirapan ay dahil sa mahusay na pagpaplano nila ng pamilya.
Ang kanilang gobyerno ay nagtagumpay na mapanatili ang
tamang populasyon. Katulad ng Thailand, ang Malaysia man ay
tagumpay din sa pagwasak sa kahirapan dahil sa mahusay na
pagpaplano ng pamilya.

Bigo ang Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang


pagpaplano ng pamilya. Dahil sa kabiguang ito, lumobo nang
lumobo ang populasyon sa bansa at ang resulta ay ang grabeng
kahirapan. Ayon sa report, ang poverty incidence sa Pilipinas ay
naka-steady sa 30 percent sa nakaraang 27 taon.

Mahusay na population management ang nararapat. Panahon


na para papiliin ng gobyerno ang mamamayan kung anong
family planning method ang gagamitin.

You might also like