You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Pililla, Campus

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor. (AP9MSP-IVg-15)

Task Analyze:

a. Naiisa isa ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor.

b. Nakalilikha ng mga mungkahing programa para sa mga mamamayan na kabilang sa


impormal na sektor ng ekonomiya.

c. Napahahalagahan ang mga programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga


kabilang sa impormal na sektor.

II. Paksang Aralin:

Kwarter/Yunit: Ikaapat na Kwarter

Paksa: Impormal na Sektor

Sub Topic: Mga Dahilan ng Impormal na Sektor

Mga Programa ng Pamahalaan para sa Impormal na Sektor

Sanggunian:

Balitao, Bernard L. et.al. "Ekonomiks Araling Panlipunan", Pasig, City. Vibal

Group Inc. 2015 Pahina 430-445

Kagamitan: Kagamitang biswal, activity cards, Powerpoint presentation, laptop

III. Pamamaraan:
Lapit : Patanong o Inquiry
Pamamaraan : Deductive
Teknik : Talakayan at Pangkatan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pang-araw-araw na Gawain:
Pagbati:
Magandang umaga sa inyong lahat! "Magandang umaga din po Bb.
Valenzuela! Mabuhay!"
Panalangin:
Rose, maaari mo bang pangunahan ang
panalangin para sa araw na ito? "Opo"
"Amang makapangyarihan sa lahat, kami
po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyaya
na iyong ipinagkakaloob. Salamat sa
gabay at kaalaman na patuloy naming
natatanggap. Nawa'y patawarin mo po
kami sa aming mga nagawang
pagkakasala. Patuloy po naming hinihingi
ang patnubay at katalinuhan para sa araw
na ito. Ito po ang aming samo't dalangin
sa pangalan ni Hesus na aming
Panginoon at Iyong anak. Amen"
Pagtala ng Liban:
Maaari bang tumayo ang presidente ng
klaseng ito para ilahad kung sino sino ang
mga liban? "Ikinalulugod ko pong ilahad na walang
liban sa araw na ito"
1. Pagbabalik Aral
Maaari mo bang ilahad ang ating
nakaraang tinalakay? Grace. "Ang atin pong nakaraang aralin ay Sektor
ng Paglilingkod."
Ano ang kahalagahan ng Sektor na ito ng
ekonomiya? Mark. "Mahalaga po ang sektor ng Paglilingkod
para sa mga mamamayan sa usaping
trabaho at serbisyo na ating natatanggap."
Mahusay! Tunay ngang mahalaga ito para
sa atin.
Maraming salamat sa inyong mga
kasagutan.

2. Pagganyak
Hulaan Mo Trabaho Ko!
a. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Ang bawat pangkat ay bubunot ng
trabaho na kanilang gagayahin. Pangkat 1: "LABANDERA"
Pangkat 2: "SIDEWALK VENDOR"
Pangkat 3: "TAHO VENDOR"
Pangkat 4: "PEDICAB DRIVER"
c. Bibigyan lamang ng isang minuto ang
kabilang grupo upang mahulaan ang
trabaho.
d. Ang pinakamabilis na makahula ang
mananalo.

(Matapos ang gawain)


Mahusay ang naging pagsasadula ng
bawat pangkat. Bigyan ng sampung
palakpak ang inyong mga sarili.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga trabaho ang nabanggit?
Mae. "Ang mga trabaho pong nabanggit at
labandera, sidewalk vendor, taho vendor
at pedicab driver."
2. Sa inyong obserbasyon, ano ang
pinagkatulad ng mga nasabing trabaho?
Jake. "Ayon po sa aking obserbasyon, napansin
ko po na ang mga nabanggit ay
mararangal na trabaho at hindi po
kinakailangan ng anuman hindi katulad ng
ibang trabaho."
3. Saang sektor ng ekonomiya nabibilang
ang mga ito? Zel. "Ang mga trabaho pong nabanggit ay
pumapaloob sa Impormal na Sektor ng
Ekonomiya."
Mahusay!
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa
Impormal na Sektor ng Ekonomiya.
B. Paglalahad ng Aralin
Mula sa mga naunang halimbawa, ano
ang ibig sabihin ng impormal na sektor?
Greg. "Mula sa mga nabanggit ng halimbawa,
maaaring tumukoy ang Impormal na sektor
sa mga hanapbuhay na hindi rehistrado sa
pamahalaan."
Mahusay!
Maaari mo bang basahin. Kate. "Sa inilahad na economic development
model ni W. Arthur Lewis sinasabing
nagmula ang paggamit ng konsepto ng
impormal na sektor. Inilarawan niya ito
bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa
mga bansang papaunlad pa lamang o
developing countries."
Maaari mo bang ituloy ang pagbabasa,
Kyle. "Batay sa kahulugan ng National
Statistical and Coordinating Council o
NSCB, ang impormal na sektor ay
tumutukoy sa mga negosyo sa
pamamahay kung saan binubuo ng mga
negosyo na sariling pinatatakbo at mga
negosyo ng mga impormal na employer."
Ang impormal na sektor ng ekonomiya ay
mga hanapbuhay ng mga mamamayan na
hindi nangangailangan ng mataas na
sweldo at karaniwan sa mga bansang
papaunlad katulad ng Pilipinas.

Ayon sa IBON Foundation, ang impormal


na sektor ay paraan ng mga mamamayan
lalo na ang kabilang sa tinatawag na
"isang kahig, isang tuka" upang
magkaroon ng kabuhayan lalo na sa
tuwing panahon ng pangangailangan at
kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din
nito ang pag-iral ng kawalan ng
hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang
nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong
uri ng sitwasyon.

Mula sa aking binasa, bakit mahalaga ang


impormal na sektor? Mike. "Lubhang mahalaga ang impormal na
sektor lalo na sa ating mga mamamayan
na walang sapat na kakayahan na
magkaroon ng regular na trabaho. Ang
mga hindi nakatapos ng pag-aaral na nais
paring kumita para sa pamilya."
Tama!

Tinatawag din na underground economy o


hidden economy ang impormal na sektor.

Maaari ba kayong magbigay ng mga


hanapbuhay na kabilang sa impormal na
sektor? Faye. "Mga nagtitinda sa kalsada"
"Maaari din pong mga naggagalang
manggagawa ng sapatos at iba pa."
Magaling!

Katulad ng mga nasa larawan. Ang mga


trabahong ito na kabilang sa Impormal na
sektor ay mararangal.

Paano naman ang mga larawan na ito?


"Ipinapakita po ng mga larawang ito ang
tungkol sa Droga at human trafficking."

"Ayon po sa depinisyon ng impormal na


sektor, maaaring ang mga larawang ito ay
pumapaloob padin sa impormal na sektor
ng ekonomiya."

"Ilan sa mga halimbawa ng mga taong


kabilang sa sektor na ito ay ang mga
Ano ang ipinapakita ng dalawang nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor),
larawan? Nicole. pedicab driver, karpintero, at mga hindi
rehistradong operasyon ng mga
Ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa pampublikong sasakyan (colorum).
impormal na sektor? Kaye. Kabilang din sa sektor na ito ang mga
gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng
prostitusyon, ilegal na pasugalan,
pamimirata (piracy) ng mga optical media
gaya ng compact disc (CD) at digital video
Upang lubos na maunawaan disc (DVD)."
Sabay sabay na basahin.

"Karaniwang Katangian ng impormal na


sektor:
 Hindi nakarehistro sa pamahalaan.
 Hindi nagbabayad ng buwis mula
sa kinikita.
 Hindi nakapaloob sa legal at pormal
na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa
Mapapansin natin na kabilang sa mga
pagnenegosyo."
halimbawa ng impormal na sektor ang
mga gawaing ilegal.
Maaari mo bang basahin ang mga
katangian ng impormal na sektor, James.

Gawain: You are Lucky!

Ngayon naman ay mayroon akong


ipamimigay na papel, kailangan na tignan
ng mga mag-aaral ang loob nito. Kung
sino man ang makatanggap ng mga papel
na may nakasulat na "Your are Lucky!"
ang sasagot na katanungan.

Ano ang mga dahilan kung bakit


napipilitan ang iba na mapabilang sa "Ang mga sumusunod ay ilan sa mga
Impormal na sektor at gawin ang kadahilanan kung bakit pumapasok ang
mga bagay na ilegal? mga mamamayan sa impormal na sektor:
 Makaligtas sa pagbabayad ng
buwis sa pamahalaan.
 Makaiwas sa masyadong mahaba
(Matapos ang gawain)
at masalimuot na proseso ng
Mahusay ang inyong ginawa. Bigyan ng
pakikipagtransaksiyon sa
sampung palakpak ang inyong mga
pamahalaan o ang tinatawag na
kaklase.
bureaucratic red tape.
 Kawalan ng regulasyon mula sa
Bakit nga ba pumapasok ang mga
pamahalaan na kung saan ang mga
mamamayan sa impormal na sektor.
batas at programa ay hindi
Narito ang mga dahilan. Maaari mo bang
naipapatupad ng maayos.
basahin, Jane.  Makapaghanapbuhay nang hindi
nangangailangan ng malaking
kapital o puhunan.
 Mapangibabawan ang matinding
kahirapan.

"Kung mapapansin po natin, isa sa


pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng
impormal na sektor ang matinding
kahirapan."

Kung ating mapapansin sa mga dahilan na "Mga Batas at Programa ng Pamahalaan


nabanggit, ano ang nangunguna sa lahat? kaugnay sa Impormal na Sektor:
Kaye. 1. REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na ito ay kilala din
bilang Social Reform and Poverty
Alleviation Act of 1997. Itinatadhana
ng batas na ito ang pagkilala sa
Tama.
impormal na sektor bilang isa sa
mga disadvantaged sector ng
Ngayon na nalaman na natin ang mga
lipunang Pilipino na
dahilan ng pagkakaroon ng impormal na
nangangailangan ng tulong sa
sektor, may mga programa ang ating
pamahalaan.
pamahalaan para matulungan ang mga
mamamayan na nabibilang dito.
2. REPUBLIC ACT 9710
Kilala bilang Magna Carta of
Basahin ang unang bilang, Mike.
Women. Kumikilala ito sa ambag at
kakayahan ng kababaihan para
itaguyod ang pambansang
kaularan.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442


Kilala bilang Philippine Labor Code.
Itinuturing ito bilang pangunahing
batas ng bansa para sa mga
manggagawa.

4. REPUBLIC ACT 7796


Ito ay ang Technical Education and
Macy, maaari mo bang basahin ang
Skills Development Act of 1994. Sa
pangalawa.
ilalim nito itinalaga ang TESDA
bilang ahensiya ng pamahalaang
itinatag upang makapagbigay ng
edukasyong teknikal. "

Pangatlo, John.

Pang-apat na batas, Anne.

"Ang impormal na sektor ay mga uri ng


hanapbuhay na kabilang sa mga bansang
Kabilang din dito ang REPUBLIC ACT
papaunlad pa lamang o developing
8282 o ang Social Security Act of 1997 at
countries. Ilan sa mga halimbawa nito ang
ang REPUBLIC ACT 7875 o mas kilala
mga sidewalk vendors at pedicab drivers."
bilang National Health Insurance Act of
1995.

Tunay ngang maganda ang mga batas,


"Isa sa pangunahing dahilan nito ang labis
programa, at proyekto ng pamahalaan
na kahirapan. Upang matugunan ang
para sa impormal na sektor. Ngunit ang
pang-araw-araw na pangangailangan ng
kaukulang implementasyon nito para sa
kanilang pamilya."
kapakanan ng mga mamamayan at
kabuuan ng ekonomiya ng bansa ang
kinakailangang mabigyan ng
kasiguraduhan. "Mahalaga po ang papel ng pamahalaan
sa usaping ito lalo na sa mga batas at
C. Paglalahat programa na lubhang makatutulong sa
Ngayon naman ay may hinanda akong ating mga mamamayan na kabilang sa
mga katanungan upang matiyak ang impormal na sektor."
inyong pagkatuto.
Maaari mo bang ilahad ang ibig sabihin ng
impormal na sektor at magbigay ng mga
halimbawa. Hannah.
Pangkat 1:
Lumikha ng isang maikling dula na
nagpapakita ng mga pangunahing
dahilan ng Impormal na Sektor.
Bakit mahalaga ang mga hanapbuhay na
Pangkat 2:
ito sa mga simpleng mamamayan? Ibigay
Lumikha ng Poster na nagpapakita
ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon
ng kampanya ng pamahalaan
nito. Nick.
upang mapuksa ang mga ilegal na
gawain na nabibilang sa
Underground Economy.

Paano makakatulong ang pamahalaan sa Pangkat 3:


usaping ito? Carl. Gumawa ng Slogan na
magpapakita ng kahalagahan ng
mga proyekto at batas ng
pamahalaan para sa impormal na
sektor ng ekonomiya

D. Paglalapat
Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at
ang bawat pangkat ay may itinakdang
gawain.

E. Pagtataya
I. Multiple Choice
Panuto: Ang pagsusulit na ito ay susukat sa iyong kaalaman tungkol sa Impormal na
Sektor. Basahin at unawain ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat
ang kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1. Ito ay uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang o


developing countries ayon kay W. Arthur Lewis.
a. Impormal na Sektor c. Sektor ng Industriya
b. Sektor ng Agrikultura d. Sektor ng Paglilingkod

_____2. Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa mga negosyo na sariling pinatatakbo


at mga negosyo ng mga impormal na employer. Alin sa mga sumusunod ang hindi
katangian nito?
a. Hindi nagbabayad ng buwis
b. Hindi nakapaloob sa pormal na proseso ng pagnenegosyo
c. Maaaring ilegal na pinatatakbo
d. Nakarehistro sa pamahalaan

_____3. Mula sa mga sumusunod na pahayag, pumili ng dalawang pinakapangunahing


dahilan na nagtutulak sa tao na pumasok sa impormal na sektor.
I. Kawalan ng hanapbuhay
II. Hindi makapagbayad ng buwis
III. Kahirapan
IV. Makaligtas sa mga batas na may kaugnayan sa pagnenegosyo

a. I and II c. II and III


b. I and III. d. III and IV

_____4. Lubhang mahalaga ang papel ng pamahalaan para sa impormal na sektor. Alin
sa mga ahensiya ng pamahalaan ang lubhang sumasaklaw dito?
a. DepEd (Department of Education)
b. DOLE (Department of Labor and Employment)
c. DSWD (Department of Social Welfare and Development)
d. DOE (Department of Energy)

_____5. Bakit mahalaga ang mga batas at programa ng pamahalaan para sa mga
mamamayan na kabilang sa impormal na sektor?
a. Upang mas dumami ang bilang nito.
b. Para mas tumaas ang ekonomiya ng bansa.
c. Upang mawala ang impormal na sektor.
d. Para matulungan ang mga mamamayan na kabilang sa impormal na sektor.

II. Matching Type


Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag sa Hanay A at piliin sa Hanay B ang
batas o programa ng pamahalaan na tinutukoy. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang.
HANAY A
_____6. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa
mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa
pamahalaan.
_____7. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.
_____8. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation
(PhilHealth).
_____9. Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang
pambansang kaularan.
_____10. Sa ilalim nito itinalaga ang TESDA bilang ahensiya ng pamahalaang itinatag
upang makapagbigay ng edukasyong teknikal.

HANAY B
a. PRESIDENTIAL DECREE 442 (Philippine Labor Code)
b. REPUBLIC ACT 7875 (National Health Insurance Act of 1995)
c. REPUBLIC ACT 7796 (Technical Education and Skills Development Act of 1994)
d. REPUBLIC ACT 8282 (Social Security Act of 1997)
e. REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997)
f. REPUBLIC ACT 9710 (Magna Carta of Women)

Batayan ng Pagwawasto:
I. II.
1. a. 6. e.
2. d. 7. a.
3. b. 8. b.
4. b. 9. f.
5. d. 10. c.

F. Pagtatapos
“ Masarap tamasahin ang tagumpay kung
ito ay nakamit sa pamamagitan ng
marangal na gawain”

Ano ang inyong pagpapakahulugan sa


pangungusap na ito? Gale. “Isinasaad po nito na bilang mga
mamamayan at bilang tao, nararapat
lamang na tayo’y magtrabaho ng marangal
kahit na mababa ang kita kaysa sa mga
gawain na ilegal na katumbas ng malaking
halaga. At sa huli ay mas mararamdaman
natin ang tagumpay.”
Mahusay!
Nararapat din na sa inyong mga sarili ito
magmula.

IV. Takdang Aralin


Kunin ninyo ang inyong mga kuwaderno at isulat ang takdang aralin.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang inyong mga
sagot sa kuwaderno.
1. Ano anong mga gawain na kabilang sa impormal na sektor ang lubhang
nakababahala sa kasalukuyan dahil sa masamang epekto nito?
2. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang malutas ang
mga problemang ito? Magbigay ng mga halimbawa.
3. Paano makatutulong at makasasama ang Impormal na Sektor ng Ekonomiya sa ating
bansa?

Inihanda ni:

ALIZA B. VALENZUELA
BSE III D

You might also like