You are on page 1of 142

Gramatika sa Proseso ng Mabisang

Pagpapahayag

Ang retorika ay may tungkuling


pagandahin at patimyasin ang isang pahayag,
samantalang ang gramatika ay
pinangangalagaan ang kawastuhan para
maging malinaw ang pagpapahayag.
Tatlong (3) mahahalagang bagay ang
sinasaklaw ng wika:

 Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita.

 Tamang paggamit ng salita

 Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag


upang makabuo ng malinaw na kaisipan o ideya.
1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita

 .Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga


salita, nagkakaroon ng pagkakataong
makapili at makagamit ng isang angkop na
salita.
Halimbawa:
A. Siniliran niya ng mga pinamili ang bag.
(Mahina)

B. Sindlan niya ng mga pinamili ang bag.


(Pinalakas)
2. Tamang Paggamit ng Salita
 .Ang maling gamit ng salita ay maaaring makabawas sa
kalinawan ng pagpapahayag at nakapagpapamali sa isang
pahayag.mayroong salitang magkasing-anyo o magka-
uri subalit may tiyak at ibang pinaggagamitan.

Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap.

A. Tingin - mababaw na pagbibigay-pansin

B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri.

C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo.

D. Sulyap - panakaw na tingin


3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita
 Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay
nakaktulong upang maging maayos ang
pagpapahayag.

Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng


magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa isa’t isa.

A. Bumaba ng bahay ang mga bata.


(Mahina)

B. Nanaog ng bahay ang mga bata..


(Pinabuti)
Semantika
 May kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga
salita at pangungusap.
 Denotasyon
 Konotasyon
 Sinonim
 Antonim
 Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na
magka-ugnay
Hal: marka
 Homofon
 Parapreys
 Galing sa salitang ‘’rhetor’’ na mula sa Griyego na ang
ibig sabihin ay guro o isang taong magaling na
mananalumpati o isang mahusay na orador.

 Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o


pasulat na pagpapahayag.

 Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o agham ng


paghihimok o panghihikayat.
 Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay sining
ng maayos na pagpili ng wastong salita sa
loob ng isang pahayag upang maunawaan,
makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o
bumabasa.

 Ayon kay Simplicio Bisa, isang sining o


agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.
Sangkap ng Retorika
 Kaisipang nais ipahayag.

 Pagbuo ng mga pahayag.

 Istilo ng pagpapahayag.
Saklaw ng Retorika
WIKA
SINING

LIPUNAN
PILOSOPIYA

PANAHON AT SITWASYON
 bahagi ng pananalita/panalita (Part of
speech), o kauriang panleksiko, ay isang
lingguwistikong kaurian ng
mga salita na pangkalahatang
binibigyang kahulugan sa pamamagitan
ng sintaktiko at morpolohikong asal ng
bahaging panleksikong tinutukoy.
May sampung bahagi ng pananalita.
Ang mga ito
ay pangngalan, panghalip, pandiwa,
pang-uri, pang-
abay, pantukoy, pangatnig, pang-
ukol, pang-
angkop at pandamdam.(Balarila ng
Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K.
Santos)
1. Mga Nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari,
atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa
pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pangngalan at panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging
nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang
nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Pandamdam (interjection) mga salitang
nagsasaad ng matinding damdamin
PANG-UGNAY
 ito ay mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang
parirala o ng dalawang sugnay.
PANG-UKOL (preposition)
 ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap.
sa para sa ayon
para kay tungkol sa na may

Halimbawa:
Ang kanyang nilutong tinola ay para sa
kanyang asawa at mga anak.
Mga Gamit ng Pang-ukol
 Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng
isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Coby.
 Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.
 Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
PANGATNIG (Conjunction)
 Ito ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o
sugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap:
at pati saka o ni maging subalit
ngunit kung bago upang sana
dahil sa sapagkat
Gamit ng Pangatnig
 Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang langis saka tubig ay hindi mapagsama.
 Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng
bahay ang kanyang hanapbuhay.
Uri ng Pangatnig
1. Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay.
at saka pati ngunit maging datapuwat subalit
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto.

2. Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita,


parirala o sugnay.
kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
PANG-ANGKOP (Ligatures)
Ito ay ang salitang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan.
Tatlo ang pang-angkop na
ginagamit: na, -g, at -ng.
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
 Inilalagay ang na sa pagitan ng salitang naglalarawan at
inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa katinig
maliban sa n.
Halimbawa:
masarap na pagkain, malinis na bahay,
masinop na tao, maayos na pamumuhay.

 Ikinakabit ang -g sa nauunang salitang nagtatapos sa


letrang n sa magkasunod na salitang naglalarawan at
inilalarawan. Halimbawa:
mahinahong pakikipag-usap, maalinsangang lugar,
 Ikinakabit ang -ng sa nauunang salitang
nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) sa
magkasunod na salitang naglalarawan at
inilalarawan.
Halimbawa:
bagong bayani, mabuting anak,
masayang naglalaro.
1. Nang
 ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; katumbas
ng when sa Ingles.
Halimbawa:
Tulog na ang mga anak nang dumating ang kanilang ina.

 ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.


Halimbawa:
tapon nang tapon

 Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng


pandiwa at pang-abay.
Halimbawa:
Nag-aral nang mabuti si Juan.
 Bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang” .
Halimabawa:
Sumulat ka nang sumulat ng mga kuwento nang
manalo ka sa patimpalak.

 ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; bilang


panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa:
Nang siya’y umalis, dumating ang panauhin.

 ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; bilang


panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Maghugas ka ng pinggan nang makakain na kayo.
2. Ng
 ginagamit bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nagtanim ng palay si Jesusa na isang magsasaka.

 ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa.


Halimbawa:
Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa pagtawid.

 Ginagamit ang ng kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay


o katangian.
Halimbawa:
Ang boses ng bayan ang dapat na mananaig.
 ginagamit bilang pantukoy
Halimbawa:
Maluwag ang looban ng simbahan.

 ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas at tamang pagkaka-


ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw
na kaisipan o diwa.
Halimbawa:
Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.

 ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa.


Halimbawa:
Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.
 ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng
pangngalang paari.
Halimbawa:
Tumatanggap ng plake ang kanyang anak.

 ginagamit bilang tagatanggap ng kilos.


Halimbawa:
Ayaw siyang layuan ng agam-agam.
3. May
 ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa:
May kasalanang ginawa sina Flor at Liza kagabi.

 ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.


Halimbawa:
May tumawa dahil sa nasabing balita.

 ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.


Halimbawa:
May magandang karanasan si Maja tungkol sa pag-ibig.
 ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy.
Halimbawa:
May mga panoorin sa patyo ng simbahan.

 ginagamit kapag sinusundan ng pang-ukol na sa.


Halimbawa:
May sa daga ang anak mong iyan.
4. Mayroon
 ginagamit kung sinusundan ng panghalip.
Halimbawa:
Mayroon kayong libreng gamot sa baranggay.

 ginagamit kung sinusundan ng kataga.(po, pa, din, rin)


Halimbawa:
Mayroon po kaming ipagtatapat sa inyo.

 ginagamit ang mayroon bilang panagot sa isang tanong.


Halimbawa:
May pera ka ba? Mayroon.
 ginagamit kung nanganghulugan ng pagka-maykaya o mayaman.
Halimbawa:
Ang mga Malate ay mayroon sa probinsya ng Bicol.
5. Kung
 ginagamit bilang isang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;
katumbas ng if sa Ingles.
Halimbawa:
Kung may problema ka, puntahan mo lang ako.

6. Kong
 ginagamit bilang panghalip panaog na ko at ng.
Halimbawa:
Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang makapasa
sa L.E.T.
7. din/daw
 ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.
Halimbawa:
Magpapatingin daw siya sa doktor ngayon.

8. rin/raw
 ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa:
Ikaw raw ay makakasama sa bakasyon patungong Baguio.
May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
9. Sina
 ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na
tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Naglilinis sina Gel at Lissette ng bahay.

10. Sila
 ginagamit bilang panghalip na panao; katumbas ng they sa
Ingles.
Halimbawa:
Umalis na sila kanina pang umaga.
11. Pinto
 ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas.
Halimbawa:
Isinasara niya ang pinto upang hindi makapasok
ang magnanakaw.

12. Pintuan
 ginagamit bilang kinalalagyan ng pinto.
Halimbawa:
Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.
13. Pahiran
 Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas o sa
pamamagitan ng kamay.
Halimbawa:
Pahiran mo ng langis ang natutuyo mong balat.

14. Pahirin
 Alisin sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng
kamay.
15. Subukin
 may bagay na nais patunayan “to try”.
Halimbawa:
Subukin mong gumamit ng Ariel sa paglalaba.

16. Subukan
 May mga bagay na tinitingnan nang palihim.
Halimbawa:
Subukan mo kung ano ang ginagawa niya sa
aklatan.
1. Nasasalamin _____ sa mga kabataan
ang pagiging pag-asa ng bayan.
a. daw c. din
b. raw d. rin
2. Pinakiusapan ______ ng mayor ang
mga tao na huminahon.
a. din c. rin
b. raw d. daw
4. Humahagulhol ______ malakas ang
namatayan.
a. nang c. ng
b. daw d. raw
5. Nilamon siya ____ alon haang
namamangka.
a. nang c. ng
b. din d. daw
Idyoma
 Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na
may kahulugang patlinhaga.
 Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng
konotatibo at mallim na pagpapakahulugan.

Halimbawa:
putok sa buho - anak sa pagkadalaga
mababaw ang luha - madaling umiyak
naglulubid ng buhangin- nagsisinungaling
hilong talilong - litung-lito
pabalat-bunga - hindi totoo
Tayutay
Ito ay ang sinadyang paglayo sa
karaniwang paraan ng paggamit ng
mga salita sa layuning gawing
makulay, kaakit-akit at lalong mabisa
sa pagpapahayag.

 May iba’t ibang uri ng tayutay ito ay ang mga


sumusunod:
1. Pagtutulad (simile)
 Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na
magkaiba ng uri at gumagamit ng mga parirala tulad ng tulad ng,
kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
Halimbawa:
Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay.

2. Pagwawangis (metaphor)
 Paggamit ng mga pahayag na nagpapahaiwatig ng pagkukumpara
ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito ginagamitan
ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba
pa.
Halimbawa:
Ang kanyang buhay ay isang bukas na aklat.
3. Pagbibigay-katauhan (personification)
 Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang bagay. Naipahayag
ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa.
Halimbawa:
Sumasayaw ang mga alon sa karagatan.

4. Pagmamalabis (hyperbole)
 Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan.
Halimbawa:
Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.
5. Pagtawag (apostrophe)
 Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o
wala sa isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng
kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa:
Tukso, layuan mo ako.

6. Pagpapalit-tawag (metonymy)
 Paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng
kahulugan ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng
katawagan sa bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Si Jessa ang tala ng kanilang nayon.
7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
 Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari
namang nag-iisang tao ang kumakaktawan sa ibang pangkat.
Halimbawa:
Isang kayumanggi ang pinangaralan sa larangan ng
boksing.

8. Paghihimig (onomatopoeia)
 Paggamit ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid
ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Kumabog sa matigas na lupa ang bumagsak na
kargamento mula sa trak.
9. Pagtatambis (oxymoron)
 Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na
magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang
mahaba.
Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay tunay na nakakatawa:
may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at may liwanag, may
tawa at may luha.

10. Pagsalungat (epigram)


 Ito ay may kahawig ng pagtatambis kaya nga lamang ay maikli
at matalinhaga.
Halimbawa:
Natalo siya upang muling manalo.
11. Paglulumanay (euphemism)
 Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag.
Halimbawa:
Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay humantong sa
isang makabagbag damdaming tagpo sa harap ng kapitbahay.

12. Parelelismo (parallelism)


 Isang pagpapahayag na may halos iisang istruktura.
Halimbawa:
Sama-samang nabubuhay,
Sama-samang namamatay.
13. Pagpapalit-wika (transferred epithets)
 ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat sa mga
bagay.
Halimbawa:
Ang mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng
pagkain.

14. Pag-uyam (Irony o Sarcasm)


 paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa
katotohanan.
Halimbawa:
Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging
ina niya lang ang humahanga.
15. Pagtanggi (Litotes)
 Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon.
Halimbawa:
Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam
na suklam ako sa kanya.

16. Pagdaramdam
 Nagsasaad ng hindi pangkaraniwan damdamin.
Halimbawa:
Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil
niya ay iniwan siya ng kanyang asawa.
17. Tambisan (Antithesis)
 Paglalahad ng mga bagay na magkakasalungatan
upang higit na mapatingkad ang bisa ng
pagpapahayag.

Halimbawa:
Siya’y isang taon napanday ng panahon.
Naranasan niya ang maghirap at yumaman, nakilala,
at di-ppansin, lapitan ng mga kaibigan sa panahong
mayroon siya at itakwil sa kawalan niya. Kaya handa
naniyang harapin ang pakikibaka sa buhay.
18. Tanong Retorikal
 Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng sagot
kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:
Natutulog ba ang Diyos?

18. Pag-uulit (Alliteration)


 Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa
inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa:
Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang
nangyari sa kaniya kasama ni Marco.
(makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)
19. Konsonans
 Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig
sa pinal na bahagi ng salita.
Halimbawa:
Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong
tumatatag habang tumatagal.
(pagmamahal, Rosal, tumatagal)

20. Asonans
 Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig
sa alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa:
Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan
pagdating ko sa amin.
(ang, aking, alagang, aso, agad, amin)
21. Anapora
 Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang
taludtod.
Halimbawa:
Ikaw ang aking pangarap.
Ikaw ang bigay ng Maykapal.
Ikaw ang lahat sa akin.
-LET
22. Epipora
 Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa:
Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan.
Gawa ng mamamayan.
At mula sa mamamayan.

23. Anadiplosis
 Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una’t huli.
Halimbawa:
Ang mahal ko ay ikaw
Ikaw ay nagbibigay ng ilaw
Ilaw sa gabi ng dilim
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal parin.
24. Pagsususkdol (Climax)
 Baitang-baitang na pagsasaad ng mga bagay o
pangyayari hanggang sa umabot sa pinakamahalaga.

Halimbawa:
Unang nararamdaman niya ang butil-butil
na pawis sa kanyang noo. Kasunod noon ang
panlalamig ng buo niyang katawan. Nagdilim ang
buong paligid at siya ay bumagsak.
Panitikan
 Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na
makilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang
kaisipan at kawalang-maliw. (Webster, 1974)

 Ito ay katumbas ng “literatura” sa wikang kastila. Ito


ay mula sa salitang Latin na “litera” na a ng ibig
sabihin ay “letra” o “titik”. (Mateo, 1996).

 Salamin ng buhay.
Anyo ng
Panitikan
Anyong Tuluyan
Anyo ng panitikan napatala o
karaniwang takbo ng
pangungusap at gumagamit ng
payak at direktang paglalahad
ng kaisipan.
Uri ng Anyong Tuluyan
 NOBELA
-mahabang salaysay na nahahti sa
kabanata.

 MAIKLING KUWENTO
-maikling katha na nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may iilang tauhan
lang, pangyayari, at may isang kakintalan.
 DULA
- sinasadula at tinatangahal sa tanghalan.

 ALAMAT
- nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang
bagay.

 PARABULA
- katha mula sa Bibliya
PABULA
- kuwentong may aral at hayop ang
pangunahing tauhan.

TALAMBUHAY
- akda ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.

SANAYSAY
- akdang tumatalakay sa isang paksa at
naglalayong maglahad ng opinyon o pananaw.
TALUMPATI
binibigkas sa harap ng madla.

BALITA
naglalahad sa mga pang-araw-araw na mga
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, industriya at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa.

ANEKDOTA
kuwento na ang pangyayari ay hango sa
tunay na karanasan, nakawiwili, at kapupulutan ng
aral.
EDITORYAL
isang sanaysay na naglalahad ng kuru-
kuro o opinyon ng isang editor.

KASAYSAYAN
ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa
mga pangyayari ng nakaraan.
ULAT
nasusulat bunga ng isinagawang
pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral, at iba pa.

MITOLOHIYA
kuwento hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban, Diyos, Diyosa, at iba pang
mga mahiwagang nilikha.
Anyong Patula
 Anyo ng panitikan na
pataludtod, may sukat at
tugma o malayang taludturan
at gumagamit ng masining at
matalinhagang.
Uri ng Anyong Patula
 TULANG LIRIKO
-tulang naglalahad ng mga masidhing
damdamin, imahinasyon at karanasan ng tao at
kadalasang inaawit.

 TULANG PASALAYSAY
-nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
paraang pataludtod.
TULANG PADULA
tulang sinadyang isulat upang
itanghal sa entablado.

TULANG PATNIGAN
tula sa pagtatalo, pangangatuwiran,
at tagisan ng talino.
Uri ng Tulang Liriko
PASTORAL
DALIT
PASYON
ODA
ELEHIYA
SONETO
KANTA
PANUBONG
- mahabang tula ng nagpaparangal o
paghahandog sa isang taong nagdaraos ng
kaarawan o kapistahan
Uri ng Tulang Pasalaysay
EPIKO
- mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang taong may pambihirang
katangian.

AWIT
- tulang romansa kung saan nakaharap sa mga
pakikipagsapalaran ng mga tauhan at hango sa tunay
na buhay. Halimbawa: Florante at Laura
KORIDO
- tulang romansa kung saan ang mga tauhan ay
may kakayahang supernatural.
Halimbawa:
Ibong Adarna
Uri ng Tulang Padula
ZARZUELA
- dulang musikal na karaniwang binubuo ng
tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman at
poot.

MORO-MORO
- nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano
at di-Kristyano
TIBAG
- ang paghahanap nina Reyna Elena at Constatino
sa krus na pinagpakuan ni Hesus.

PANUNULUYAN
- nagpapakita ng pagahahanap ng matutuluyan
nina Maria at Jose para doon isilang ang sanggol
na si Jesus.
SENAKULO
- pagtatanghal tungkol sa paghihirap at
kamatayan ni Hesus.
Uri ng Tulang Patnigan
DUPLO
- paligsahan sa pangangatuwiran na kadalasang
masaksihan sa paglalamay sa patay.

BALAGTASAN
- tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa
pamamaraang patula
KARAGATAN
- dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang
humulog sa isang singsing sa dagat. Kung
sinuman ang lalaking makakakuha ng singsing
ay pakakasalan niya.
Aklat ng mga Araw
- batayan ng pananampalataya ng mga
Intsik
Aklat ng mga Patay
- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at
tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto.
Awit ni Rolando
- isinasalaysay dito ang gintong panahon
ng Kristyanismo sa Pransya.
Bibliya
- ang pinakabatayan ng pananampalatayang
Kristyano.

Canterbury Tales
- naglalarawan ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Ingles noong unang
panahon.
Divina Comedia
nagpapahayag ng pananampalataya at
pag-uugali ng mga Italyano noong
unang panahon.

El Cid Campeador


naglalarawan sa katangian ng mga Kastila
at kasaysayan ng mga Espanya.
Illiad at Odyssey
nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng
Gresya

Isang Libo at Isang Gabi


naglalarawan ito sa pamahalaan at lipunan
ng Arabia at Persia
Koran
batayan ng pananampalataya ng mga
Muslim

Mahabharata
pinakamahabang epiko ng buong daigdig
na naglalarawan sa kasaysayan ng
pananampalataya sa India.
Uncle Tom’s Cabin
nagbukas ng mga mata ng amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at naging
simula ng paglaganap ng demokrasya sa
buong daigdig.
Panitikan Bago Dumating ang mga
Kastila
 Alibata o Baybayin ang tawag sa unag sistema ng
pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.

 Mga Awiting Bayan:

1. An-anoy - inaawit habang ang mga magsasaka


ay gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin.
2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo.
3. Daeleng - awit tungkol sa mga pista o
pagdiriwang.
4. Dalit o Himno - awit sa pagpuri o pagsamba.
Ito ang isa sa pinakamatandang awit
ng pagdalangin sa Birhen.
5. Danyo - awit sa pagsasamba o pananampalataya.
6. Diona - awit sa panliligaw o kasalan
7. Dung-aw- awit sa pagpapahayag ng kalungkutan at
pagdurusa.
8. Kumintang - awit sa pakikidigma hanggang
naging awit sa pag-ibig.
9. Kundiman at Balitaw - awit sa pag-ibig
10. Oyayi - awit sa pagpapatulog sa bata o paghehele
sa sanggol
11. Sambotani - awit sa tagumpay
12. Soliranin - awit sa paggaod ng bangka
13. Umbay - awit sa paglilibing
14. Papag - inaawit sa tuwing may bayuhan ng
palay.
 Epiko Bago Dumating Ang Mga Kastila
Epiko Ng Ifugao
ALIM - kahawig ng Ramayan ng India.
HUDHUD – pakikipagsapalaran ni Aliguyon.

Epiko ng Muslim
BIDASARI
BANTUGAN
INDARAPATRA at SULAYMAN

Epiko ng Tagalog
KUMINTANG
Epiko ng Tagalog
KUMINTANG

Epiko ng mga Bisaya


HINILAWOD
LAGDA
MARAGTAS

Epiko ng Bikolano
IBALON at ASLON

Epiko ng Ilokano
BIAG NI LAM-ANG
Panitikan sa Panahon ng mga
Kastila
 Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang
Asal:
1. Doctrina Cristiana -unang aklat na nailimbag sa
Pilipinas
2. Nuestra Señora Del Rosario – ikalawang aklat
na nailimbag sa Pilipinas
3. Urbana at Feliza - isinulat ni Padre Modesto
de Castro. Kagandhang–asal at wastong
pag-uugali.
Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila
1. Karagatan
2. Duplo
3. Juego de Prenda
4. Moro-moro
5. Zarzuela
Mga Tulang Romansa
1. Awit
2. Korido
Panitikan sa Panahon ng
Propaganda at Himagsikan
 Tatsulok ng Kilusang Propaganda:

1. JOSE P. RIZAL
Dakilang Manunulat
Iilang akda:
Sa Aking Mga Kabata
Noli Me Tangere
El Filibusterismo
Mi Ultimo Adios
2. MARCELO H. DEL PILAR
Dakilang Political Analyst

Iilang akda:
Caiingat Cayo
Dasalan at Tocsohan
Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas
2. GRACIANO LOPEZ JAENA
Dakilang Mananalumpati

Iilang akda:
Fray Botod
El Bandolerismo sa Pilipinas
Anak ng Prayle
 Manunulat Panahon ng Himagsikan:
1. ANDRES BONIFACIO
“Ama ng Demokrasyang Pilipino”

Iilang akda:
Huling Paalam
Katapusang Hibik ng Pilipinas
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
2. EMILIO JACINTO
“Utak ng Katipunan”
Iilang akda:
Kartilya ng Katipunan
A La Patria
Liwanag at Dilim
3. APOLINARIO MABINI
“Utak ng Himagsikan”
Iilang akda:
Ang Himagsikang Pilipino
El Liberal
El Verdadero Decalogo
Mga Kilalang Manunulat
 JOSE CORAZON DE JESUS
“Makata ng Pag-ibig” at “ Hari ng Balagtasan”

Iilang Akda:
Isang Punungkahoy
Maggagawa
Bayan Ko
 ALEJANDRO ABADILLA
Akda:
Ako ang Daigdig

 LOPE K. SANTOS
“Ama ng Balarila”
Iilang Akda:
Banaag at Sikat
Pangginggera
 AMADO HERNANDEZ
“Makata ng Manggagawa”
Akda:
Isang Dipang Langit
Bayang Malaya
Ibong Mandaragit
Luha ng Buwaya
 Ildefonso Santos
Iilang Akda:
Ang Guryon
Gabi
Tatlong Inakay
Sa Tabi ng Dagat
 DEOGRACIAS ROSARIO
“Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas”
Akda:
Dahil sa Pag-ibig
Walang Panginoon
Ang Geisha
Dalawang Larawan
Bulaklak ng Inyong Panahon
 SEVERINO REYES
“Ama ng Zarzuelang Tagalog”
Iilang Akda:
Walang Sugat
Mga Bihag ni Kupido
Huling Pati
Halik ng Isang Patay
Kalupi
Mga Kilalang Manunulat
 LIWAYWAY ARCEO
Iilang Akda:
Uhaw ang Tigang na Lupa
Canal dela Reina
Ang Mag-anak na Cruz
 JULIAN BALMACEDA

Iilang Akda:
Sino Ba Kayo?
Dahil sa Anak
Ang Palabas ni Suwan
 FRANCISCO RODRIGO
Iilang Akda:
Sa Pula, Sa Puti

 NARCISO REYES
Iilang Akda:
Lupang Tinubuan
 N.V.M. GONZALES
Iilang Akda:
Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan
Mga Kilalang Manunulat
 GENONEVA EDROZA MATUTE
Iilang Akda:
Ako’y Isang Tinig
Kuwento ni Mabuti

 TEODORO AGONCILLO
Iilang Akda:
Maikling Kuwentong Tagalog
 ELPIDIO KAPULONG
Iilang Akda:
Planeta, Buwan, at Mga Bituin

 AMADO HERNANDEZ
Iilang Akda:
Luha ng Buwaya
 LIWAYWAY ARCEO
Iilang Akda:
Nagbabagang Paraiso

 DOMINADOR MIRASOL
Iilang Akda:
Mga Halik sa Alikabok
 LUALHATI BAUTISTA
Iilang Akda:
Bata, Bata, Paano ka Ginawa?
Gapo
Sakada
Dekada ‘70
Bulaklak ng City Jail
 EMILIO AGUINALDO
- Rosalia Magdalo,Magdalo
 VIRGILIO ALMARIO
- Rio Alma
 CECILIO APOSTOL
- Catulo, Calipso, Calypso
 FRANCISCO BALTAZAR
- Balagtas
 ANDRES BONIFACIO
- Agapito Bagumbayan, Maypagasa,
Magdiwang
 FELIPE CALDERON
-Simoun, Elias
 JOSE CORAZON DE JESUS
- Huseng Batute, Pusong Hapis,
Luksang Paroparo
 JOSE DELA CRUZ
-Huseng Sisiw
 EPIFANIO DELOS SANTOS
- G. Solon
 NESTOR VICENTE MADALI GONZALES
- N.V.M. Gonzales
 SEVERINO REYES
- Lola Basyang
 MARCELO H. DEL PILAR
- Plaridel, Dolores Manapat,
Piping Dilat, Siling Labuyo, Kupang,
Haitalaga, Patos, M. Dati. Carmelo, D.A.
Murgas, L.O. Crame, D.M. Calero,
Hilario,
 FERNANDO MA. GUERRERO
-Fluvio Gil, Florisel
 AMADO HERNANDEZ
- Amante Ernani, Herninia de la Rivia,
Julio Abril
 EMILIO JACINTO
- Dimas-ilaw, Pingkian
 NICK JOAQUIN
- Quijano de Manila
 GRACIANO LOPEZ JAENA
- Bolivar, Diego Laura
 ANTONIO LUNA
- Taga-ilog
 JUAN LUNA
- J.B. , Buan
 APOLINARIO MABINI
- Bini, Paralitico, Katabay
 JOSE MARIA PANGANIBAN
- Jomapa, J.M.P.
 JOSE PALMA
- Ana-haw, Esteban Estebanes,
Gan Hantik
 PASCUAL H. POBLETE
- Anak-Bayan
 MARIANO PONCE
- Nanding, Tikbalang, Kalipulako
 JOSE GARCIA VILLA
-Doveglion
 LOPE K. SANTOS
- Anak-Bayan, Doktor Lukas,
Lakandalita
 Dr. PIO VALENZUELA
- Madlang-Away
 Dr. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y
ALONZO REALONDA
- Jose Rizal, Dimas-alang, Laong-Laan,
Agno, Calambeño

You might also like