You are on page 1of 3

1st scene- Red

2nd scene- Blue


3rd scene- Violet
4th scene- Orange

1st scene
Ikadalawangput Anim na Tagpo:

(Lights On: 3 Red 3 Yellow 3 Red)


(Habang naglalakad si Basilio narinig niya ang isang kaguluhan)
Basilio: Mawalang-galang lang po pero ano ang nangyari?
Mag-aaral- Natuklasan ang himagsikan! Tila marami ang nasangkot at karamihan dito ay mga
estudyante!

2nd scene
Setting: Sa isang klinika. Papasok si basilio na makikita nya ang isang bigang propesor.lalapit ito sa kanya at
hahawakan sya nito sa balikat.

Propesor: Kasama ka ba kagabi?

Basilio: Hindi ho, may sakit si kapitan tyago at kailangang kong tapusin ang pagbabasa ng libro..

Propessor: Mabuti‘t wala ka roon, pero kasapi kayo ng samahan ng mga estudyante?

Basilio: Nag-ambag ho ako..

Propesor: Naku! Umuwi kana agad at sirain ang lahat ng papeles na maaaring magsangkot sa inyo!

Basilio: Si Senyor Simoun ho?

Propesor: Wala syang kinalaman at nakaratay ngayon. Sinaktan sya ng masamang tao. Mga estudyante lamang ang
sangkot; may mga nakitang paskin na masama! Mag-ingat ka ngayon!

(Papasok sa loob ng klinika ang isang propesor sa patolohia na hinihinalang espiya ngunit mas mukha itong sacristan)

Propesor: (Kikindat kay Basilio) alam ko na kung bakit amoy bangkay ba si k. tyago: dinadalaw na sya ng mga uwak at
buwitre.
3rd scene
(Lights Off)

(Sa unibersidad, paparating si Basilio. Madadatnan nya na pinapauwi na ng mga gwardya sibila ng mga estudyante, lahat
ay malungkot maliban kay Tadeo)

(Lights On)

Basilio: Ano ang nangyari?

Tadeo: Ikukulong tayong mga kasapi ng samahan! wuhu.. bakasyon.. bakasyon..walang pasok yeah! (sumasayaw at
inaawit na wika nito at lumisan)

Basilio: At tuwang-tuwa kapa? (Dadating si Juanito,halatang takot) Juanito! Anong nanyari?

Juanito: Wala. wala! Wala akong alam! Wala akong kinalaman sa nangyari!

Basiliio: Oi! (Tatakbo si juanito) oi ano bang nanyari? (Sigaw nito ngunit wala na si Juanito)
(Maglalakad si Basilio sa opisina sa unibersidad ngunit sarado ito. Makikita rin ang daan ng daan na mga prayle, military
at ibang tao. Makikita nya si isagani na may kausap na mga mag-aaral at makikinig muna sya)

Isagani: Hindi dapat tayo panghinaan ng loob at nagkawatak-watak dahil lang sa walng kwentang pangyayari? Ngayon
pa ba tayo tatalikod?

Mag-aaral: Pero sino kaya ang walang hiyang sumulat sa mga paskin at nagdikit ng mga iyon sa unibersidad? (Galit na
wika nito)
Isagani: Wala tayong pakielam duon! Hayaan na natin ang dapat magsiyasat duon! Ang mahalaga kung naaayon iyon sa
atin at kung mabuti ang nakasulat duon, dapat nating pasalamatan ang gumawa nun pero kung paninira ang mga
nakasuklat duon, ang ating mga pagkilos at konsensya ang magtatanggol sa atin sa anumang bintang.

(Hindi na lalapit pa si Basilio at lilisan na)

4th scene
(Lights Off)

(Sa isang bahay. May dalawang guwardiya sibil na nagbabantay, pipigilan sya ng mga ito)

(Lights On)

Guwardya sibil: Anong kailangan mo? (Nakakunot ang nuong wika nito)

Basilio: (Tila magsisisi sa hindi pag-iingat) nais ko hong makausap si macaraig.

Guwardiya sibil#2: Maghintay ka rito.

(Tatayo lang si Basilio sa gilid at mapapakagat labing may iniisip. Palabas na si Macaraig)

Macaraig: Ano pati ikaw Basilio?

Basilio: Narito ako upang kausapin ka!

Macaraig: (Sarkastong tatawa) Kahanga-hanga, sa oras ng kapayapaan ay wala ka samantalang ngayong.

Kabo: Binata! anong pangalan mo?

Basilio: Basilio ho, bakit ho?

Kabo: (Titignan ang kanyang talaan) isang mag-aaral ng medisina? Nakatira sa kalye analogue? (Mapapakagat sa labi si
basilio at lalapitan sya ng kabo at hahawakan sa balikat) Kayo‘y aming dadakpin.

Basilio: Ano pati ako? (Bulalas nito)

Macaraig: Wag kang mag-alala kaibigan, ikukuwento ko ang lahat ng nangyari sa piging kagabi!

(Maingat silang binabantayan ng mga guwardya sibil habang naglalakad)

(Lights Off)

You might also like