You are on page 1of 2

Ryuya B.

Okafuji

SSC – 8

Wikang Filipino: Tulay sa Pagkamit ng Karunungan at Kaunlaran

Wikang Filipino. Dalawang salitang nagbubuklod at nagbibigkis sa atin bilang mga


Pilipino. Ito ang simbolo ng ating karinlan at pagkakakilanlan. Sa pamamagitan nito,
nagkakaroon ng pagkakaintindihan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Dagdag pa rito, hindi
lamang dito nagtatapos ang biyayang hatid ng ating wikang Filipino, ito rin ay nagsisilbing
instrumento upang tayong mga Pilipino ay makaahon sa kakulangan sa kaalaman at makamtam
ang karunungan at kaunlaran. Subalit, paano nga ba tayo natuto? Paano nga ba naitatag ang mga
impormasyong nalalaman natin sa araw-araw? Sa anong paraan kaya nasasagot ang mga
katanungang bumabagabag sa ating isipan?

Ang wikang Filipino ay isang intrumento upang matuklasan natin ang katotohanan,
katotohanang magdadala sa atin sa karunungan at kaunlaran. Kung titingnan natin sa mataas na
perspektibo, ang wikang filipino, bilang isang elementong maraming gamit, ito ay maaaring
maging midyum natin sa pagpapalaganap ng kaalaman sa ibat’ ibang parte ng bansa. Sa paarang
ganito, kung ito ang gagamitin sa pananalisiksik, mas mapapagtibay ang paggamit nito bilang
wikang pambansa dahil ito ay magagamit sa larangan ng pag-aaral ng agham o siyensya, mga
teknikal na pag-aaral, pangakademiko at iba pa na kung mapapansin natin ay nakalimbag sa
wikang banyaga. Mas mabibigyan ito ng halaga at importansya kung mas naiintindihan ng
karamihan at lalo ng mga normal na Pilipino dahil magagamit nila ito sa pang araw-araw na
pamumuhay, magsisilbing gabay at kasagutan sa mga katanungang matagal na nilang gustong
malaman.

Sa kabilang dako, ang wikang Filipino ay tagapag-isa sa atin ano man ang
propesyunal na antas natin sa buhay. Kung ito ang gagamitim natin sa papanaliksik, mas
maiintindihan ito ng karamihan at magbibigay buhay sa mismong pananaliksik dahil ano nga
naman ang silbi ng isang saliksik kung wala naman o kaunti lamang ang nakakaintindi. Alam
naman natin na mismong layunin ng isang pananaliksik ay mabago ang stado ng mga
nangangailangan, kaya kung hindi naman ito malinaw sa mga mambabasa, walang magiging
epekto ito sa kanila. Ngunit kung ang wika natin ay ang midyum sa pananaliksik maaaring mas
marami pang ideya ang mabubuo at maipapahayag sa madla, mas klaro at mas naiintindihan.
Samakatuwid, ang karunungan at kaunlaran na hinahanap ng bansa ay matatamasa.

Kung ilalagay natin ang konteksto ng wikang Filipino bilang wika ng saliksik sa
totoong kaganapan sa Pilipinas, malaking tulong ito upang makamit ang kaunlaran ng bansa.
Halimbawa na lamang sa pangakademikong larangan, kung magiging wikang Filipino ang
gagamitin ng mga estudyante sa paggawa ng pananalisiksik at gayundin ang mga guro sa
pagtuturo ng kurso, mas mapapalaganap ang impormasyong nais nilang ibatid sa mga
nangangailangan. May mga pananalisik ang mga estudyante na patungkol sa matalinong
pagsasaka, pangingisda at iba pang pamumuhay sa kanila. Subalit hindi naman ito maiintindihan
ng mga normal na tao kung hindi ito nakalimbag sa lenggwaheng hindi naman sila pamilyar.
Samakatuwid, magiging epektibo ang mga ito kung naiintindihan ang mga ideyang nilalaman
ng saliksik. Isa pang halimbawa ay ang pag-aaral ng mga siyentipiko sa agham, maraming
pananaliksik ang kanilang isasagawa ngunit ang karamihan ay nasa wikang Ingles, kung isasalin
ito sa ating wika, mas magiging kapakipakinabang ito sa nais nilang tulungan na mabigyan ng
magandang buhay sa hinaharap. Maraming produkto at serbisyo ang nagagawa ng agham, ang
kailangan na lang ay ang malawak na pagkakaintindi ng mga Pilipinong nangangailangan ng
impormasyong magbibigay ng karunungan at kaunlaran sa kanilang buhay, ito ay maaaring
maganap kung ang gagamiting wika ay ang Wikang Filipino. Ang paggamit nito ay hindi lang
para sa layunin na maintindihan ng mga nakakarami kundi ito rin ay nagsisimbolo na tayong
mga Pilipino ay nagkakaisa at pinagmamalaki ang sariling wika natin.

Ang wikang Filipino ang tulay sa pagkamit ng karunungan at kaunlaran ng


mamamayan. Sa konteksto ng pananaliksik, kung ang sariling wika ang ating gagamitin, mas
makikita ang unti-unting pag-unlad ng bansa dahil ibibigkis nito ang bawat Pilipino sa ano man
na larangang pinapasukan. Mas magkakaroon ng pagkakaintindihan, pagkakaunawaan at
pagkakaisa. Kung gayon, masasabi natin na ang wikang Filipino ang pinakamagamdang wika
ng saliksi dahil dito masasalamin ang tunay na pagyakap sa karunungan a kaunlaran.

You might also like