Kaakibat po ay pagdiriwang ng buwan ng mga Senior Citizen, kami’y mga
kasapi ng elderly ng Abangan Norte ay magdaraos ng paligsahan sa pagsasayaw ng mga Senior Citizen upang bigyang ng mga kasiyahan ang mga lolo at lola sa aming barangay.
Ang nasabing paligsahan ay gaganapin sa aming General Assembly sa ika-
22 ng Disyembre 2019 sa Basketball Court ng JMJ Abangan Norte.
Kaugnay nito kami ay dumudulog sa inyong magandang kalooban upang
humingi ng konting tulong para sa pa-premyo sa nasabing Dance Contest.
Ang iyong tulong na ipagkaloob maging pinansiyal man o material na
bagay ay taos pusong naming pasasalamtan at tatanawin ng utang na loob.
Lubos kaming umaasa na hindi niyo kami bibiguin.
Maraming Salamat at Pagpalain kayo ng Poong Maykapal.