You are on page 1of 1

Walang pulitika kay Rep.

Garin sa Dengvaxia
case
Februrary 24, 2020

MANILA, Philippines — Walang pulitika sa pagsasampa ng kaso kay Rep. Janette


Garin sa isyu ng Dengvaxia.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo lalo pa’t nakitaan ng proba-
ble cause ng Department of Justice (DOJ) prosecutors para idiin si Garin at siyam na
iba pa sa kasong reckless imprudence resulting in homicide dahil sa pagkamatay ng
mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Panelo, kailanman ay hindi nagkaroon o nahaluan ng pulitika ang mga kasong
nakabinbin sa hudikatura.

Sinabi pa ni Panelo na maaring nakakita ng probable cause ang korte kung kaya itinuloy
ang demanda kay Garin.

Ayon kay Panelo, hahayaan ng Palasyo ang korte na magdesisyon sa kaso ni Garin.
Hindi aniya makikialam ang Palasyo sa trabaho ng korte.

Una rito, sinabi ni Garin na haharapin niya ang asunto subalit nakiusap sa korte na dapat
na ibase sa siyensya at hindi sa pulitika ang kaso.

You might also like