You are on page 1of 2

Rationale

"Talento ng Pilipino ang tumawa kahit maraming problema." Patunay dito ang
mga bagay na kumakalat ngayon sa social media, na siya ring nagpapakilala sa
pagiging malikhain ng mga Pinoy, ang internet meme. Ang meme o “mema ng
internet" ay ginagamit upang ilarawan ang konseptong lumalaganap sa internet. Ito ay
isang ideya na ipinapalaganap sa World Wide Web na maaaring maging isang
hyperlink, bideyo, larawan, website, hashtag, salita o parirala. Ang meme ay maaaring
kumalat sa pamamagitan ng social network, blog, e-liham, balita at iba pang sistema
ng impormasyon na nakabase sa web. Maaaring mapanatili ng Internet Memes ang
kanyang original na nilalaman ngunit may potensiyal rin itong mabago paglipas ng
oras dahil sa pagiging advance mag-isip ng mga tao pati sa panggagaya, pagkritiko o
nakakatawang imitasyon.

Ayon kay Shifman, ang pangyayaring ito ay hango o nabuo mula sa


pagkakahanay ng konteksto at opinyon. Kung kaya’t ito ay isa ring popular na uri
plataporma upang maghatid ng mga komentaryo at ipahayag ang reaksiyon. Sa
paliwanag ni Miller, ang meme ay ginagamit ng mga tao upang makapagpahayag ng
kanilang damdamin. Kaugnay nito, ang Pilipinas ay nangunguna sa most active
netizens worldwide sa South East Asia ayon sa Limelight Networks Inc. kung saan ito
ay nagpapahayag na 47% ng nasiyasat na pinoy sa Pilipinas ay nagsasabing higit
kumulang ay l6 na oras silang nagbababad sa internet, kung kaya’t di mapagkakaila
na halos lahat ng memes ay umaani ng mga komento at reaksiyon na naging sanhi
upang maging patok ito sa social media. Sa bawat komentong inilalahad nito ay may
kaakibat na mga saloobin at reaksyon na nangagaling sa mga viewers. Mayroong
iba’t-ibang uri ng mga komento at emosyon na matatamo mula rito tulad ng galak,
lungkot, galit, at kritikong reaksiyon . Sa paliwanag ni Shifman, Hindi lamang
ginagamit ang memes upang magpresenta ng negatibong emosyon o komentaryo,
ngunit sinasabing ang negatibong damdamin ay patuloy na binibigyang kahulugan
bilang isang tiyak at importanteng opinyon samantalang ang positibong damdaming
nakapaloob naman ay binibigyang pansin bilang isang biro. .

Dulot nito, napagtutuunan ng mga mananaliksik ang paggamit ng mga pinoy


online memes bilang isang instrumento sa pagpapahayag ng mga komentaryo, dahil sa
katotohanang ang memes ay lumalaganap sa online society na nagiging dahilan
upang magkaroon ng karaniwang ugnayan sa loob ng online media.

Layunin ng pananaliksik na ito na maipaliwanag kung papaano ginamit ang


memes bilang satirikal na komentaryo sa mga pangyayaring nagaganap sa
kasalukuyan at kung ano ang ipinapahiwatig o nais iparating ng mga memes sa mga
birong napapaloob nito.

BAGONG SANGGUNIAN

Nissenbaum, Asaf, and Limor Shifman. "Meme templates as expressive repertoires in a globalizing
world: a cross-linguistic study." Journal of Computer-Mediated Communication 23.5 (2018): 294-
310.

Juego, Anelle. “In SE Asia, Filipinos are the most active netizens.” Philippine Daily Inquirer, 19

Jun. 2017,https://business.inquirer.net/231598/se-asia-filipinos-

active-netizens.

You might also like