You are on page 1of 1

LEGAL RESEARCH

CASE ANALYSIS NO. _____

Dear Atorni,

Ako po si Catriona Gray-Bondad, nasa hustong gulang, Pilipino, kasal at nakatira sa


Purok 1, Block 2, Lot 3, Southville 4, Lungsod ng Muntinlupa. Ako ang legal na asawa ni Marlon
Stockinger, na kasalukuyang nakatira sa Phase 5, Block 6, Lot 7, Tensuan Site, Poblacion,
Lungsod ng Muntinlupa.

Kami ay may limang (5) menor de edad na anak, na sina Ma. Venus labing limang (15)
taong gulang, Shamcey labing tatlong (13) taong gulang, Janine Mari labing dalawang (12)
taong gulang, Ariella siyam (9) na taong gulang at Maxine ptong (7) taong gulang. Ang
nasabing mga anak ay kasalukuyang nasa aking pangangalaga.

Noong Mayo 2018, ang aking asawa na si Clint Bondad ay umalis ng bansa upang
magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Matapos niyang umalis ng bansa at makarating sa
Riyadh, Saudi Arabia ay maayos po ang aming komunikasyon, ngunit pagkalipas ng aim (6)
na buwan ay naging madalang na ang aming komunikasyon. Umabo sa punto na hindi na
kami nakakapag-usap. Hindi na po siya tumatawag o natetext sa amin. Gumawa po ako ng
paraan upang siya ay tawagan, subalit noong minsan ko siyang tawagan ay nagalit po siya.
At sa mga sumunod na pagkakataon na siya ay tinawagan ko ay pinapatay niya ang
kanyang cellphone. At noong May 16, 2019, ay nagtext po siya at nagsabi na siya ay pauwi
ng Pilipinas ng June 2018. Wala po siyang sinabing tiyak na petsa sa nasabing buwan kung
kailan siya uuwi. Sinubukan ko po siyang tawagan upang malaman ang eksaktong petsa ng
kanyang pagdating, subalit hindi ko na po siya makontak, kaya po ako ay nagsadya sa
kanyang agency na IMG sa Makati City upang magtanong. Doon ko nalaman at
nakompirma na dumating na po pala siya dito sa Pilipinas noong May 22, 2019.

Noong siya ay dumating noong May 22, 2019, hindi na po siya nagpakita sa akin at
aming mga anak. Pagkatapos ay nalaman ko po na doon siya tumutuloy sa bahay ng nanay
niya, at siya ay may kinakasama nang ibang babae, na nakilala ko sa pangalang Rachel
Peters. Ang kanyangpagpunta at pagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ay inasahan namin
na makakatulong sa amin. Ngunit hindinaman siya nagbigay ng sustento nang siya ay
nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia. Dahil sa hindi niya pagbibigay ng sustento, naranasan
naming mag-iina na magutom. Dumating kami sa punto na nanghihingi na po kami ng kanin
sa mga kapitbahay para huwag lang po magutom. Pinaghahatian na lang po ng aming
mga anak ang isang platong kanin para lang po makakain. May mga pagkakataon na
umaasa na lamang kami sa mga pagkaing itinatapon ng fast food. Gayun din natigil na po
sa pag-aaral ang aming mga anak dahil na rin po sa kakulangan ng pera. Sa aking banda,
wala naman po akong trabaho at kakayahang kumita sapagkat, matagal na po akong hindi
nakakapagtrabaho dahil ako ay pinagbawalan ng aking asawa na magtrabaho noon.

Maliban po doon ay noong kami ang nagsasama ng aking asawa ay malimit niya
akong sinasaktan lalo na kung mainit ang kaniyang ulo. Ako ay kanyang sinusuntok sa mukha
at iba’t ibang parte ng katawan. Noong Pebrero 2010 noong minsan siyang umuwi at mainit
ang ulo, ako ay kaniyang sinuntok at tinamaan ako sa aking bibig na naging dahilan ng
pagkalagas ng lima (5) kong ngipin, at nabasag din ang aking ilong, noon ay inunawa ko na
lamang siya at sinarili ko na lang ang nangyari. Mula noon ay napadalas na ang pananakit
niya sa akin, malimit niya akong sinusuntok sa iba’t ibang parte ng aking katawan. May isang
..

LEGALRESEARCH/LPU-CAVITE/ATTY.ECOYMARCO

You might also like