You are on page 1of 13

1. TULDOK (.

) - Ang tuldok ay ginagamit na


pananda:
A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat
Halimbawa:
Gng. Bb. G. Brgy. Atbp.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng
isang balangkas, talaan.
Halimbawa: A. 1. B.
2. PANANONG (?) - Ginagamit ang
pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang


pagaalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na
pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng
isang kataga, parirala o pangungusap na
nagsasaad ng matindi o masidhing
damdamin.
Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.
4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa
paghihiwalay ng isang sinipi.
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang
magkakauri.
Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay , isda at sariwang bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang
lihampangkaibigan.
Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan,
ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na
tagapagtanggol, ay isang Manobo.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng
bayan
at
lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.
Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi
ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay
higit pa sa mabaho at malansang isda”.
6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa
loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-
ugat.
Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian


ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon
ng ibang kahulugan
Halimbawa:
mag-alis nag-isa pang-ako mang-uto
pag-alis
C. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o
pamilang.

Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga
ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na
buwan ika-12 kabanata
7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos
maipuna ang pagpapakilala sa mga
sumusunod na paliwanag.
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas,
Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-
pangangalakal.
Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa
isang dula, sa
kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na
panghalili ang kudlit sa isang titik na
kinakaltas:
Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin
mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
8. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at
dulo ng isang salita.
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang
nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal,
pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang
pamagat ng isang pahayagan, magasin,
aklat at iba’t ibang mga akda.
Halimbawa:
Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang
banyaga.
Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong
“Computer Programming”.

You might also like