You are on page 1of 6

Noli Me Tangere (Touch Me Not) by Dr.

Jose Rizal
Unang Yugto: Ang Paghalay ni Padre Damaso kay Donya Piya
Narrator: Sa tuwing sasapit ang ika alaskwatro ng hapon si Donya Piya ay palaging pumupunta
sa simbahan upang magdasal.
Isang gabi, sa kanyang pag-uwi, di alinta na nabung-go niya si Padre Damaso kung saan ito
ang kanilang unang pagkikita.

SCENE 1:
PIYA: Paumahin po, hindi ko po sinasadya (nagpunas ng luha, nahiya at biglang umalis)
DAMASO: (pinigilang umalis si Piya) kay gandang dilag bakit ka umiiyak?
PIYA: (walang imik)
DAMASO: Alam mo bang ang ating panginoon ay handang makinig sa atin?
PIYA: Opo Padre ngunit, bakit tila hindi dinidinig ang aking panalangin? (ready na mulakaw)
DAMASO: teka lang, baka gusto mong magpakumpisal?
PIYA: paumanhin po at ako’y aalis na. (nod at ready na mulakaw)
NARRATOR: Kinabukasan, di mapakali si Dona Piya kung kaya’t nagpasya itong pumunta sa
simbahan kahit malapit nang mag-gabi. Sa pagpasok niya tila’y mga matang mayroong
hinahanap.

SCENE 2:
(piya naa sa bangko, naghahanap)
IKKYU: (nakapansin then gi-approach si Piya) paumanhin binibini, puwede bang malaman kung
ano ang iyong hinahanap?
PIYA: gusto ko sanang magpakumpisal ngayon kung maaari?
IKKYU: pwede po, ditto po ang daan.

SCENE 3:
IKKYU: Padre, may isang magandang dilag na gustong magkumpisal ngayong gabi. (adto kay
Damaso kay nagreport about Piya)
(knowing si Damaso, may samang binabalak then adto sa waiting room)

SCENE 4:
(waiting room)
PIYA: Magandang gabi padre, ako’y mayroong gustong ipagtapat, sa araw-araw akong
nagdarasal palagi kong hinililing sa panginoon na akoy gustong magka-anak ngunit tila bang di
dinidinig ng ating panginoon. (naghilak)
DAMASO: Sa buhay na ito maraming pangyayari na di natin maipaliwanag…
PIYA: Padre sa aking buhay, ito lamang ang aking munting dalangin, ngunit tila ako’y
pinagkaitan ng lubos. (hilak)
DAMASO: Iha, may dahilan ang Diyos kung kayat di pa ito ang tamang panahon, wag ka sanang
mawalan ng pag-asa at patuloy paring mabuhay ng maligaya.
PIYA: Maraming Salamat po Padre, akoy aalis na.
DAMASO: pagpalain ka ng panginoon.
NARRATOR: Naging magaan ang pakiramdan ni Donya Piya kung kayat ito’y nagmadaling
umali. Ngunit sa kadahilanang umuulan, ito’y naghinay sa labas ng Simbahan. Sa gabing
malamig tila ba’y malayo ang tingin.

SCENE 5:
DAMASO: (mu-appoach then dala ug shawl). Binibini, tila ikay nag-iisa. Pumasok ka muna sa
simbahan at doon mag-antay na humupa ang ulan.
PIYA: (shocked and hesistant) okay lang po ako dito padre salamat sa pag-aalaa.
DAMASO: binibini, kay lamig na ng hangin, pumasok kana baka ikay magkasakit!!!
PIYA: okay lang po bang sa loob na ako maghintay sa pagtila ng ulan?
DAMASO: Oo naman, tara at pumasok na tayo at doon kana maghintay. Binibini nandon nga
pala ang kape sa aking quarter doon na tayo pumunta para kumuha ng kapeng iyong maiinom
upang maibsan ang iyong ginaw na nadarama. Halika at dito ang daan. (lakaw sa room sila)
PIYA: (nagmuni-muni sa kilid sa window)
DAMASO:(nagtimpla ug kape then pinagmasdan si Piya after niduol sya, gihatag ang kape)
Umupo ka muna sa silyang ito, at dito na maghintay na tumila ang ulan at pagkidlat. At nariyan
rin ang kaset kung gusto mong makinig ng musika dahil ako’y may kukunin pa sa ibaba. (lakaw
magawas sa room)
PIYA: Maraming salamat po Padre. (nagplay ug music then naglingkod tapos naghilak tapos
nakatulog)
NARRATOR: Bumalik si Padre Damaso sa silid at ang kanyang masamang balak ay natupad
na.

2 YUGTO: ANG PAGBABALIK NI CRISOSTOMO IBARRA

NARRATOR: Dumating si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan.

KAPITAN TIAGO: Ipinakilala si Ibarra sa mga tao na ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay
at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa.

NARRATOR: Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha


mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal
na kaanyuan nito ang pagiging dugong Espanyol. At sa araw naring iyon ang binata ay
nakatakdang magtungo sa San Diego upang makita ang kanyang sinisinta.

3 YUGTO : PAGDALAW NI CRISOSTOMO IBARRA KAY MA. CLARA


NARRATOR:
SCENE 1 : Maaga pa lamang ng araw na iyon ay nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.
Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya Isabel
ay naglinis ng bahay Nagbuklat naman ng mga kasulatan tungkol sa kabuhayan si Kapitan
Tyago. Si Maria Clara ay nanahi habang kausap din ang ama upang malibang ang sarili
sapagkat ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni Ibarra, at siya ay hindi mapakali sa
pananabik na masilayan ang kanyang sinisinta.
SCENE 2: Pamaya-maya ay dumating na si Ibarra at hindi maikakailang nataranta ang dalaga.
Pumasok pa ito sa silid para ayusin ang sarili.
SCENE 3: Lumabas rin ito at nagkita ang dalawa sa bulwagan. Nagtama ang kanilang paningin
at kapwa nagkaroon ng kaligayahan sa kanilang mga mata. Nagtungo sila sa Asotea upang
makapag-sarili at makaiwas na rin sa alikabok na likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.
SCENE 4: Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol sa kanilang nararamdaman, sa kanilang
mga sinumpaan sa isa't-isa, sa kanilang kamusmusan, sa kanilang naging tampuhan at mabilis
na pagbabati. Kapwa itinago ng dalawa ang mga ala-ala at bagay na ibinigay nila sa isa't-isa:
ang dahon ng sambong na inilagay ni Maria Clara sa sumbrero ni Ibarra upang hindi ito mainitan,
at ang sulat ni Ibarra kay Maria bago ito tumulak papuntang Europa.
SCENE 5. Binasa ito ni Maria Clara.
Scene 6:
Ibarra: mahal, alam mo naming layunin ni Itay nap ag-aralin ako sa malayong lugar upang
makapaglingkod sa ating baying sinilanagan. ( explain si Ibarra about sa sulat)
MA. CLARA: naintindihan namn kita Mahal, ngunit ako’y nangulila nang lubos sa iyong
magpapaalam sana maunawaan mo.
Ibarra: Mahal, wag kanang mangamba, alam mo bang sa bawat paglingon ko ikaw ang aking
naaalala?, ikaw ang lamang ang tibok ang aking puso’t, damdamin.
MA. CLARA: ayan ka nanaman, hindi ka parin nagbabago.!
Ibarra: minahal mo ako sa pagiging ako, bakit ako magbabago? , mahal palagi mong tatandaan,
kahit ilang taon man ang lumipas, di ako magsasawang iparamdam sayo kung gaano kit aka
mahal.
MA.CLARA: , bolero ka talaga.
SCENE 7. (MAKE LOVE)

4 YUGTO : SA SEMENTERYO
NARRATOR: Dumating sa isang karwahe si Crisostomo Ibarra, kasama ng isang matandang
katulong. Tumungo sila sa sementeryo, kung saan hahanapin ni Crisostomo ang libingan ng
kanyang ama, si Don Rafael. Mayroong itinirik na krus at mga bulaklak ang katulong sa libingan
ni Don Rafael.
SCENE 1:
IBARRA: saan naba ang libingan ng akig itay? (tinanong nila ang sepulturero kung saan ito)
SEPULTERERO 1: (Sinabi ng sepulturero na) sinunog niya ang krus sa libingan ayon sa utos
ng isang kura.
IBARRA: ngunit, nasaan ang libingan ngayon?
SEPULTORERO 2: (sagot ng sepulturero ay) wala na ang patay sa libingan; mga ilang buwan
sa nakaraan, hinukay niya ang bangkay ni Don Rafael. Dapat ililipat ito sa libingan ng mga Tsino,
ngunit dahil malayo ito, at umuulan din noong araw na iyon, inihagis ng sepulturero ang bangkay
sa ilog. (acting ilabay ang bangkay)
NARRATOR: Sobrang nagalit si Crisostomo sa mga nalaman niya. Tinawag niyang kulang-
palad na alipin ang sepulturero, at umalis ng sementeryo. (gibogbog)

5 YUGTO: ANG PAGKABALIW NI SISA


NARRATOR: Sa tuwing dadaan si Sisa, di magkamayaw ang mga kalalakihan, ngunit isang
binatilo ang nakatawag pansin sa dalaga, si Pedro. At di nagtagal, naging magkakilala ang
dalawa at niligawan ng binata hanggang napasagot ang dalaga. Ngunit sa sayang nadarama,
kapalit palay pagdurusa.
SCENE 1: Sa isang maliit na dampa sa labas ng bayan ay abalang abala si Sisa, ang butihing
ina nila Crispin at Basilio. Makikitang salat na salat siya sa kabuhayan, at ang likas na ganda
nito ay pinatanda ng panahon at pagdurusa. Nakapag-asawa siya ng isang lalaking walang
idinulot sa kanya kundi dalamhati.
Scene 2: Gabi-gabi itong nagsusugal, iresponsable, tamad, at nagpapalaboy laboy sa
lansangan. Wala itong pakialam sa buhay nilang mag-iina.
SCENE 4:
PEDRO: HOY BABAE, TUMABI KANGA, WALA NA NAMANG ULAM? ANO ANG IPAPAKAIN
MO SA AKIN?(tulak si sisa tapos dirtso sa table) saan na ang mga bata? Paghabilinan mo ako
ng pera, HAY LINTIK NA BUHAY TO! TALO NAMN ANG MANOK KO.
SISA: alam mo namang mahirap makakuha ng malaking benta.
PEDRO: ABA, SINUSUMBATAN MO BA AKO?
SISA: hindi naman sa ganon Pedro…
PEDRO: HALIKA DITO, TINGNAN MO TO, ULAM BA ITO? PUTANG-INA KA TALAGA, WALA
KANANG MAGAWANG TAMA, ANG SABI KO SAYO, HUMINGI KA NG PERA SA MGA BATA
PARA MERON TAYONG MAKAIN, IKAW KASI ANG TIGAS-TIGAS NG ULO MO. ******
SCENE 5: (kulata alert) then DRAMA SI SISA
NARRATOR: Walang nagawa ang martir na si Sisa kundi maghinagpis sa tabing kilid at tinitiis
ang ugali ng kanyang asawa na patuloy pa rin niya itong minamahal na animoy diyos.

6 YUGTO: ANG PAG-AAWAY NG DALAWANG PEKENG DONYA

Scene 1:
NARRATOR: Ayaw paawat ang dalawang donya at bigla na lamang nagsitahimik ang lahat
nang nakarinig ng putok ng baril (gubot pas lukot then shockED ang everyone)

SCENE 2:

SISA: CRISPIN, BASILIO!!!

NARRATOR: Bago pa ang pagputok ng baril Si Basilio at Crispin ang mga sacristang naatasang
patunugin ang kampana ng simbahan. SABIK NA SABIK silang makauwi sa kanilang tahanan,
ngunit Napagbintangan si Crispin na nagnakaw. Siya ay pinaparusahan sa pamamagitan ng
pagpalo.

Scene 3:

Crispin: nais ko ng umuwi at makakain ng pagkain kya. Hindi pa ako pinakain mula ng
napagbintangan

Basilio: kung bakit ba naman kasi ikaw pa ang napagbintangan ng walang awing kura.

Crispin: marahil dahil an gating Ama ay lasenggero at sabungero.

Basilio: porke’t silay kastilang bangus! At tayo’y hamak na Indio.

SCENE4:

Sacristan mayor: basilio (GALIT) hindi tama ang pagpapatugtog mo sa kampana! Dahil diyan
magmulta ka!

Basilio: ngunit …. Sacristan –mayor.

Sacristan-mayor: at ikaw crispin! di ka makauuwi hanggang hindi mo inilalabas ang ninakaw


mo!

Crispin: subalit, wla po akong ninakaw

Sacristan-mayor: sinungaling! (SINAMPAL) tulad ka ng iyong amang walang kwenta! (pinalo)

Basilio: tama na po! (PINIGILAN ANG Sacristan-mayor)

Sacristan-mayor: (tinulak si basilio) at hindi ka makauuwi hanggang di sumapit ang alas dyes.

Basilio: ngunit … wala pong pwdeng lumabas at maglakad sa lagpas ng alas nuebe.

Sacristan-mayor: (hindi pinakinggan si basilio at kinaladkad si crispin) ito ang bagay sayo’ng
magnanakaw ka! (pinalo) lapastanganan ka! Kampon ka ng demonyo!

Crispin: tama na po, parang awa niyo na (umiiiyak)maawa napo kayo sa akin, hindi po talaga
akong ang nagnakaw. (hilak at nagmamakaawa)

Gwardia sibil 1: ikaw na bata, kay bata mo pa, magnanakaw, dapat sayo putulan ng kamay

Gwardia sibil 2: hindi ka makakauwi hanggang alas diyes ng gabi kung hindi mo aamin o
ibabalik ang ninakaw mong pera

Gwardia sibil 3 &4: halika nga dito mangnanakaw!! (Pakaladkad nilang itong ipananaog sa
hagdan habang si crispin ay nagsusumamo)

Crispin: mga pagdaing nito sa sakit sa pananakit ng sacristan mayor.


Narrator: Nagpigil sa sarili si Basilio at nanggangalit sa hirap na dinanas ng kaniyang kapatid.
Umakyat si Basilio sa ikalawang palapag ng kampanaryo at doon sa pamamagitan ng lubid na
kinalag niya sa pagkakatali ay nagpadausdos siya pababa at nagtangkang umuwi. (PUTOK)

Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang Sibil. Pilit
syang magmamakaawa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya
pinaniwalaan ng mga Sibil. Nang makarating sa bahay si Sisa. Daling umakyat siya sa
kabahayan. Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi
niya ito makita, kahit anong hanap niya Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik
sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak
ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na
nababahiran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag
nangyari sa kanyang mga anak. Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw
ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao.

You might also like