You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
School Division of Tarlac Province
Moncada National High School
Moncada, Tarlac

Arawang Plano ng Pagtuturo sa Filipino 7


Ikaapat na Markahan

Disyembre 20, 2019


TEMA: Ibong Adarna: Isang Obra Maestra
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa
panitikang Pilipino
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
.Naisasagawa ng mga mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-IVa-b-18)
 Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-IVa-b-20)


 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda.

I-LAYUNIN
1. Natatalakay ang mga tauhan ng ibong adarna
2. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda
3. Nabibigyang importansya ang mga akda

II-PAKASANG ARALIN
Panitikan: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Kagamitan: Pantulong na visuals


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. Al
III- PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasaayos ng silid aralan
2. Panalangin
3. Pagbati
4. Pagtala ng mga lumiban
B. Balik aral
Babalik aralin ng guro ang tinalakay kahapon
C. Pagganyak
Magkakaroon ng laro sa klase kung saan bubuuin ng bawat pangkat ang inihandang
puzzle ng guro na naglalaman ng isang larawan. Kung sino ang pangkat na unang
makabubuo ng larawan ang siyang tatanghaling panalo.
a. Ano ang nabuong larawan?
Magbahagi ng mga kaalamang may kaugnayan sa nabuong larawan

D.Pagtalakay

Babasahin nang buong pagkamalikhain ng ilang piling mag-aaral ang bahagi ng akdang
Ibong Adarna.

Mahahalagang Tauhan sa Ibong Adarna

ANALISIS

1. Ang napakinggang bahagi ay mga tauhan sa Ibong Adarna. Paano mo bibigyang


kahulugan ang korido bilang tulang romansa batay sa binasa?
2. Ipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nasalamin sa napakinggang bahagi ng akda.
Ano-ano ang mahahalagang detalyeng inyong nakuha? Isa-isahin ito.
3. Pansinin ang kabuuang katangian ng korido batay sa sukat, paksa at katangian ng
tauhan. Ilarawan ito.
4. Para sa iyo, may mabuti bang maidudulot ang pagbabasa ng mga korido lalong-lalo na
ang pagbabasa ng Ibong Adarna? Pangatwiranan.
5. Paano kaya naisulat ang tula? Ano ang kaligirang pangkasaysayang nakapaloob dito?

E. Paglalapat

Ilalahad ng mga mag-aaral ang sariling pananaw tungkol sa maaaring motibo ng may-akda
sa pagsulat ng koridong Ibong Adarna sa pamamagitan ng pagguhit ng isang simbolismo ukol
rito

IV- EBALWASYON
Ang guro ay magbibigay ng maikling pagsusulit.

V- TAKDANG ARALIN

1. Ano ang motibo ng pagsulat ng ibong adarna

Inihanda ni:
MARY GRACE D. NOVIDA
Guro
Iwinasto ni:
MARICEL P. TAYLAN
Filipino Coordinator
Sinuri ni:
ARLENE C. RAMIREZ
Punongguro I

You might also like