You are on page 1of 5

Ang tamang nutrisyon ay mahalagang bantayan sa isang babaeng nagdadalang-tao.

Ayon
sa mga pag-aaral, ang timbang ng ina ay nakakaapekto sa resultang timbang ng isinilang na
sanggol. Ang mga kulang sa timbang na ina o underweight ay nagsisilang ng mga mas maliliit na
bata. Samantala, ang sobra naman sa timbang o overweight ay nagkakaroon ng mas malaki sa
normal na sanggol na hindi rin mabuti sapagkat maaari itong magbunga ng mas mahirap na
proseso ng pagluluwal sa bata

Ang wastong nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis ay nangangahulugan ng mahigpit na


kontrol sa paggamit ng mga sausages, mga de-latang pagkain at iba pang pangmatagalang mga
produkto ng imbakan. Ang balanse sa pagitan ng mga protina, taba at carbohydrates, kapaki-
pakinabang na bitamina at mineral - ang pinakamahalagang bahagi ng isang kumpletong pagkain
- ay may malaking papel sa nutrisyon ng buntis. Dapat tandaan na ang balanseng diyeta sa iba't
ibang yugto ng pagbubuntis ay ipinapalagay ng ibang balanse ng lahat ng mga sangkap na ito.

WASTONG NUTRISYON PARA SA MGA BUNTIS

MINERAL

 Iron. Humigit kumulang 300 mg ng iron ang napupunta sa fetus at sa placenta o inunan
samantalang 500 mg naman ang napupunta sa satumataas na hemoglobin ng ina kung kaya’t
halos lahat ng iron ay gamit na pagdating g kalagitnaan ng pagbbuntisNirerekomenda na at
least 27 mg ng ferrous iron supplement ang ibigay araw-araw sa mga nagdadalangtao.
Ang mga sumusunod ay nirerekomenda na mabigyan ng 60 – 100 mg ng iron kada araw:
(a) kung siya ay malaking tao, (b) kambal ang dinadala, (c) sa huling bahagi na ng
pagbubuntis nagsimulang uminom ng iron, (d) hindi regular uminom ng iron, (e) o kaya
naman ay mababa ang lebel ng hemoglobin. Hind kinakailangang magbigay ng iron sa unang
apat na buwan ng pagbubuntis. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkahilo at pagsusuka.
Inumin ang iron bago matulog o pag walag laman ang tiyan upang mas madali ito magamit ng
katawan at maiwasan ang hindi kanaisnais na reaksyon sa sikmura.
Nag-aambag ito sa paggawa ng dugo, na nagbibigay ng ugnayan sa pagitan ng isang babae at
ng kanyang anak.
 Calcium. sa pagpapalakas ng buto ng mga buntis at pagdevelop ng supling. Ay hindi dapat
isabay sa pag inom ng iron ( can block the absorption of iron). Mayroong 30 g ng calcium
ang nagdadalan tao na kung saan ang karamihan nito ay napupunta sa kanyang supling sa
huling bahagi ng agbuunis. Mayroon pang ibang pinagmumulan ang calcium ng ina tulad ng
mga buto; maaari itong gamitin para sa paglaki ng fetus.

 Zinc. Kailangang uminom ng zinc ang nagdadalang tao ng 12 mg kada araw. Ang kakulangan
sa zinc ay nagdudulot ng kawalan ng gana sa pagkain, hindi mahusay na paglaki, at hindi
mainam na paggaling ng sugat. Pag matindi ang kakulangan, maaaring magkaroon ng
dwarfism, hypogonadism, o acrodermatitis enteropathica.

 Iodine. Ang paggamit ng iodized salt upang matugunan ang pangangailangan ng fetus at
pagkawala mula sa ihi ng ina. Mahalaga rin ito upang maiwasan ang cretinism, isang
abnormal na kondisyon mula pagkapanganak na kung saan ay may kakulangan sakanyang
paglaki at pag-iisip na maaaring idulot ng matindng problema sa thyroid.
 Copper. Ang copper ay mahalaga lalo na sa paggawa ng enerhiya na kailangan sa
metabolismo ng katawan ngunit wala pang naulat na kakulangan nito sa mga tao habang
nagbubuntis.
 Selenium. Ito ay ay mahalaga upang malabanan ang sanhi ng pagkakaroon ng cancer. Ang
akulangan nito ay nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa puso ng mga bata at mga
nagdadalang tao. Hindi rin nakabubuti kung ito ay sobra-sobra.
 Potassium. Ang konsentasyon nito ay bumababa sa dugo ng nagddalangtao sa gitna ng
kanyang pagbubuntis. Matagal na pagkahilo at pagsusuka ay maaaring magdulot ng pagbaba
ng potassium o hypokalemia at metanolic alkalosis.
 Sodium. Kung normal ang diet ng babae, sapat naman ang dami ng sodium na makukuha
mula dito. Kailangan ikontrol ang pagkamit ng sodium sa mga may mataas na presyon ng
dugo o pamamaga ng katawan sa panahon ng pagdadalanta
BITAMINA

 Tumataas ang pangangailangan sa mga bitamina sa pagbubuntis. Ito ay makukuha mula sa


diet na nagbibigay ng sapat na calories at protina maliban sa folic acid na kailangan pang
lalong dagdagan tulad pag tuloy-tuloy ang pagsusuka, mahigit sa isa ang pinagbubuntis, o
kapag may hemolytic anemia.
 Folic Acid. Ang mga babaeng maaaring mabuntis ay nirerekomenda na uminom ng 400 g ng
folic acid sa buong panahon na pwede silang magdalangtao. Ito ay nakabubuti upang
maiwasan ang mga neural tube defects o mga problema sa pagdebelop ng utak at spinal cord.
 Vitamin A. Mainam na kumain ng maraming prutas at gulay sapagkat mayaman ang mga ito
sa beta carotene a pinagmumulan ng bitamina A. Ang kakulangan nito ay nagdudulot ng
panghihina ng paningin sa gabi at anemia sa mga ina pati na rin ang panganganak ng kulang
sa buwan.
 Vitamin B12. Ito ay makukuha mula sa mga pagkain na galing sa mga hayop kung kaya’t ang
mga ina na kumakain lamang ng gulay at hindi kumakain ng karne ay maaaring magkaroon
ng kakulangan sa bitaminang ito. Ang sobra-sobrang pag-inom ng bitamina C ay maaari ring
magdulot ng kakulangan nito.
 Vitamin B6. Ang mga babae na hindi sapat ang kinakain ay kailangang uminom ng 2 mg
nito.
 Vitamin C. Nirerekomenda na uminom ng 80-85 mg/day ang mga buntis. Ito ay maaari nang
makuha mula sa sapat at masustansyang diet.

Ilan lamang sa mga marami pang pagkain na dapat ihain para sa mga nagbubuntis.

 Gulay at prutas
Hindi lamang sa pagpapapayat nakakatulong ang gulay at prutas, kilala rin sila bilang
vital foods for the first trimester of pregnancy at sa mga kasunod pa Ang gulay at
prutas ay mayaman sa fiber, vitamins, and minerals at nagtataglay ng mababang calories.
 Masustansya ang karamihan ng mga gulay sa bansa, ngunit para makakuha ng sapat na
Vitamin D at iba pang sustansya, isama sa diet ang mga gulay tulad ng spinach, brocolli,
asparagus, kamatis, carrots, at kalabasa. Citrus fruits naman ang mainam kung pipili ng
mga prutas. Mas maganda kumain ng totoong prutas kaysa sa canned fruits at uminom ng
fruit juice na unsweetened. Kumain ng gulay at prutas mula tatlo hanggang limang
servings sa isang araw.

 Mga lean meat


 Ayon sa pag-aaral ng mga experts, nakakatulong ang protina sa paglaki ni baby.
Sinusuportahan ng nasabing sustansya ang paglaki ng bata kaya dapat itong kainin sa first
trimester of pregnancy. Kumain ng mga lean meat, isda, itlog, nuts, beans, at poultry
foods. Ang itlog ay mayaman sa Vitamin D at calcium samantalang ang beans naman ay
nakakatulong sa pagbibigay ng energy at muscle growth. Kung pipili ng isda, magandang
option ang salmon dahil sa taglay nitong Vitamin D at calcium.
Mainam din na kumain ng protein-rich foods mula dalawa hanggang tatlong servings sa
isang araw.

 Dairy foods
Kasama sa prenatal foods ang dairy dahil sa taglay nilang calcium. Tumutulong ang
calcium sa pagpapalakas ng buto ng mga buntis at pagdevelop ng supling. Pumili ang
low-fat o non-fat dairy products tulad ng yogurt, gatas at cheese at ilagay ang mga
paborito sa talaan ng pregnancy week by week na diet. Maaaring kumain ng dairy foods
tatlong beses sa isang araw.
 Whole grains
 Payo ng mga doktor na mabuti ang pagkain ng grains nang hanggang anim na beses sa
isang araw, kung saan 50% dito ay dapat whole grains. Ang mga pagkain tulad ng whole
grain breads, crackers, at cereals ay mayaman sa fiber, na lumalaban sa constipation at
almoranas. Imbes na kumain ng white bread ay piliin na lamang kumain ng wheat bread.
Maganda ring ihain ang cereals kasama ng prutas para dagdag na sustansya at sarap.

Mga importanteng puntos sa eating habit habang nagbubuntis

(1) Kumain ng maayos sa almusal


"lumalaktaw ako sa almusal, maraming kinakain sa tanghalian at pagkatapos ay kumakain sa
gabi kasama ang aking asawa; pero dahil sa gutom na ako habang naghihitay sa oras ng hapunan,
kumakain ako ng maraming matatamis at chitchirya." – Pamilyar ka ba sa ganitong patern?
Sa pagkain ng almusal, ang temperatura ng iyong katawan ay ang lebel ng blood sugar ay tataas.
Ang almusal ay mahalaga dahil pasisiglahin nito ang iyong katawan. Huwag hindi kakain ng
almusal.

(2) Kumain ng pangunahing pagkain, gulay at karne


Kanin, Tinapay, Udon(uri ng noodles),at iba pa, ay mga pagkaing nagbibigay lakas at
galaw sa katawan GO

Gulay, kabute, halamang dagat at iba pa , ay mga pagkaing nagpapatatag ng


kundisyon ng katawan GLOW

Isda, Karne, Itlog, Beans (patani)at iba pa, ay


mga pagkaing humuhubog sa katawan ng tao

Sabaw, gatas at dairy products, prutas at iba pa


Kumain ng mga bagay na madalas nakakalimutan

(3) Nguyain mabuti ang iyong pagkain at kumain ng mabagal


Ang mabilis na pagkain o habang nanonood ng telebisyon ay mararamdaman, na maaring
mapakain ng sobra. Ang pagnguya ng tama ay pinasisigla ang utak at maiiwasan ang maparami
ang kain at pag-inom.

(4) Itrato ang mga merienda bilang bahagi ng dieta o pagkain


Mangangailangan ng mas madaming enerhiya kapag nagbubuntis. Habang lumalaki ang bata at
nasisiksik ang tyan, maaaring kumonti ang pagkain na kayang ikonsumo ng nanay sa isang
kainan. Bawiin sa merienda ang sustansyang di sapat na nakain sa tatlong kainan lamang sa isang
araw. Subalit sa gabi, iwasan nang kumain pagtapos ng hapunan.

(5) Subukan gumawa ng sarili mong pagkain


Ang mga kinakain na pagkain at binibili sa mga restaurant ay maraming mantika, asin, at
enerhiya. Tandaan palagi ito tuwing kakain sa labas.
Kapag naman ginawa mo ito sa bahay, matatantsa mo ang pag-gamit ng mantika at sodium.
Maaari ka ding gumamit ng ibat ibang sahog. Hindi kailangan makagawa ng mahihirap na ulam,
kaya’t gawin itong praktis sa pagluto ng baby food at isipin ang mga makakabuti sa bata.

Iwasan natin

1. Umiwas sa sobrang pagkonsumo ng sitsirya at softdrinks


Nag bibigay nga ng enerhiya at calories ang sitsirya at softdrinks, ngunit wala itong sustansya na
bumubuo sa magandang kalusugan. Maaari din itong naglalaman ng madaming asukal at taba, na
nagdudulot sa sobrang katabaan at cavities. Ang sobrang pagkonsumo ng asukal ay nagpapataas
din ng blood sugar level at maaari itong maging sanhi ng diabetes kapag hindi nabantayang
mabuti. Mga sitsirya at softdrinks ay hindi matuturing na parte ng tamang pagkain. Ang pagkain
ay importante para makapag- bigay ng tamang sustansya sa katawan.

2. Huwag kumuha ng sobrang sodium

Pagkonsumo ng sobrang sodium ay maaaring maging dahilan ng ibat ibang sakit. Mag-ingat na
huwag kumain ng masyadong maalat na pagkain.

3. Limitahan ang caffeine

Ang caffeine ay dumadaan sa inunan at sumasama sa daluyan ng dugo ng sanggol. Hindi kayang
alisin ng mahinang sistema ng di pa naisisilang na sanggol ang caffeine. Upang manatiling ligtas
ang sanggol,uminom ng mas mababa sa 300 mg ng caffeine sa isang araw. Ito ang dami ng
caffeine sa mga dalawang tasa ng 250 mL (8 oz) na kape. Mayroon ding caffeine sa tsa, soda,
inuming pampalakas at tsokolate. Basahin ang pabalat at pumili ng produktong may
pinakamababang caffeine

4. Huwag uminom ng alak

Ang pag-inom ng inuming de-alkohol habang nagdadalang-tao ay nagdudulot ng depekto sa


sanggol at pinsala sa utak nito. Ang pinakaligtas na pagpipilian habang nagdadalangtao ay ang di
pag-inom ng inuming de-alkohol.

Sa panahon ng huling dalawang yugto ng tatlong semestre ng pagdadalantao at sa panahon ng


pagpapasuso, mahalagang dagdagan pa ang pagkain mula sa normal na kain, tulad ng pinapakita sa
table. Mas makabubuting pag-isipan ito bilang pagdami ng mga uri, kaysa sa dami lang.

Huwag kumain ng mga pagkaing ito kapag nagdadalang-tao Mataas ang antas ng panganib sa
pagkalason mula rito:
-Hilaw na isda at sushi mula sa hilaw na isda
-Hilaw na kabibi gaya ng talaba at tulya
-Hindi gaanong lutong karne, manok, pagkaing-dagat at hotdog
 -Karneng palaman, mga produktong naproseso gaya ng (deli) karne at pinasuukang isda
- Mga pagkaing gawa sa hilaw o di gaanong lutong itlog
- Mga gatas na hindi pastyurisado (gaya ng sariwang gatas) at mga pagkain mula
rito
- Mga kesong malambot mula sa gatas na hindi pastyurisado gaya ng brie,
camembert, feta, kesong kambing at puting keso
- Mga katas na hindi pastyurisado, gaya ng apple cider
- Hilaw na usbong
MAHAHALAGANG PAALAALA UKOL SA NUTRISYON

 Palaging kumain ng tatlong beses sa isang araw


 Maging maingat sa oras ng pagkain
 Huwag gawing kapalit ng pagkain ang mga sitsirya at snack bread
 Huwag bawasan ang pagkain ng higit sa tama
 Ngumuya ng mabuti at i-enjoy ang pagkain
 Dapat kumain ang mga buntis kung ano ang nais nyang kainin, sa dami base sa kanilang
ninanais, at ayon sa kanilang panlasa.

 Kumain ng sapat ang dami upang matugunan ang pangangailangan ng katawan.

 Bantayan ang pagbigat ng timbang. Ang nais na dagdag na timbang ay 25-35 lbs kung
normal ang body mass index o tama lamang ang katawan.

 Uminom ng sapat na iron – pinakamababa na ang 27 mg araw-araw. Uminom din ng


folate bago at sa mga unang lingo ng pagbubuntis.

 Bantayan ang konsentrasyon ng hemoglobin o hematocrit sa ika-28 hanggang ika-32


linggo ng pagbubuntis.

Reference

http://kalusugan.ph/wastong-nutrisyon-para-sa-mga-buntis/

https://www.city.hamamatsu.shizuoka.jp/hamatgl/10childcare/10_4.html

https://www.ritemed.com.ph/articles/top-foods-para-sa-healthy-na-pagbubuntis

https://fil.iliveok.com/family/wastong-nutrisyon-sa-panahon-ng-
pagbubuntis_111738i16441.html

https://www.meilleurdepart.org/resources/nutrition/healthyeating/092112_HealthyEating_Filipin
o_final.pdf

You might also like