You are on page 1of 3

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Ikalawang Markahan

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat: ________________________ Iskor: __________


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa bawat aytem at isulat sa iyong sagutang papel.
1. May tatlong uri ng nilikhang buhay sa mundo. Ito ay tao, hayop at ____________.
a. tubig b. hangin c. halaman d. apoy
2. Ang tao ay nilikha ayon sa “wangid ng Diyos” kaya nga ang tao ay tinatawag na ___________.
a. katulad ng Diyos c. karakter ng Diyos
b. makapangyarihan tulad ng Diyos d. obra maestro ng Diyos
3. Ayon sa paglalarawan ni Santo Tomas de Aquino, ang ___________ay isang makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay pakultad na
naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
a. kalayaan b. kilos-loob c. dignidad d. kilos ng tao
4. Analohiya: Isip : kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob : ____________
a. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasaya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
5. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang _____________________.
a. Isip b. Dignidad c. Kilos-loob d. Konsensya
6. Anu-ano ang tatlong mahahalagang sangkap ng tao ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.?
a. kaluluwa, isip at damdamin c. isip, puso at katawan
b. material, kamalayan at konsensya d. kilos-loob
7. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe
pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya c. Maling konsensya
b. Purong konsensya d. Mabuting konsensya
8. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
9. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nang ipatawag ng guro ay palaging
sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin dahil palagi itong nanunumbat ng utang na loob. Ano ang nakaligtaan ni
Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali
c. Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili
d. Lahat ng nabanggit
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga mall ay Malaki ang naitulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na
kopya, lumago ang negosyong ito at marami ang may trabaho. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaring maging tama kung ito ay nakakatulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
11. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa
pamimilit.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa
tamang landas.
d. Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit ditto sila natututo ng
mahalagang aral.

12. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti.” Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.
d. Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
13. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talent at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sap ag-unlad ng ating
pagkatao.
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang
material at ispiritwal.
14. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.;
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga.
15. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa diginidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong.
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.
16. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
a. Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
17. Ang salitang ___________ ay nagmula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay “with” o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay
“knowledge” o kaalaman.
a. Isip c. ispiritwal
b. Konsensya d. kilos-loob
18. Alin dito ang higit na naglalarawan ng pagkatao?
a. kilos at gawi c. kasuotan at pagdadala ng damit
b. pinag-aralan at posisyon d. pinili at anyo ng katauhan
19. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
20. Alin sa mga sitwasyon ang may pagpapahalagang moral?
a. Nagtitimpi sa galit sa salitang narinig.
b. Mababa ang loob sa pagtanggap ng kamalian.
c. Nakangiti kahit na masama ang loob.
d. Mahilig magregalo para mapuri.
21. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. Mag-isip c. Magpasaya
b. Umunawa d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay
22. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyakapan ng kapwa ang kanyang pagkatao.
d. Wala sa nabanggit.
23. Ano ang nagbibigay hugis o direksyon sa kalayaan?
a. isip c. batas moral
b. konsensya d. dignidad
24. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinigay na impormasyon ng isip.

25. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos-loob?


a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina.
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
c. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.
d. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
26. Saan nagkakapanaty-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya.
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig.
27. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
d. Pakikitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikiyungo sa iyo.
28. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalaganap ang kabutihan.
b. Makakamit ng tao ang tagumpay.
c. Maabot ng tao ang kanayang kaganapan.
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan.
29. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit.
30. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang
pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo c. Walang hanggan
b. Unibersal d. Di nagbabago
31. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang _____________.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
32. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
33. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan
na ang likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo c. Walang hanggan
b. Unibersal d. Di nagbabago
34. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang:
a. Magiging Malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
c. Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lang sa kanyang nais.
d. Lahat ng nabanggit.
35. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito.
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
d. Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob.
Pagnilayang mabuti ang mga sumusunod at isulat ang TAMA kung ito ang pinakawastong makataong kilos na gagawin at MALI kung hindi.
36. Pinili ni Janeth na mapagalitan na lamang dahil sa pagsasabi ng katotohanan.
37. Kahit mahal na mahal ni Josie ang kasintahan, tumanggi siyang sumama sa pagtatanan.
38. Sa sobrang galit ni Ana, pinagsabihan niya ng masasakit ang kanyang kapatid.
39. Sa panonood ng palatuntunan, maaari kang humakhak at sumigaw upang maipakitang maganda ang nagtatanghal.
40. Dahil sa uso, gayahin ang pagsusuot ng blusa na labas ang pusod.

You might also like