You are on page 1of 1

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

SY 2018-2019
Chapter Test

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Ibigay ang hinihinging kasagutan o
ipaliwanag ang tanong. Gawing maikli ngunit malinaw ang pangungusap upang mabigyan ng puntos.

Test 1: Tama o Mali


1. Tama bang maging makasarili minsan upang makamit ang minimithing pangarap? Ipaliwanag ang
sagot.

2. Sa pagpili ng kurso o track, puso ang dapat pairalin upang makapili ng nababagay para sa eu. Tama o
Mali? Ipaliwanag ang sagot.

3. Sinasabing ang desisyon mo ang babago sa buhay at pangarap mo. Tama bang sundin ang desisyon ng
magulang dahil mahal mo sila at ito ang huling kahilingan nila bago lumisan sa mundo, kapalit ng
iyong tunay na gustong kaligayahan? Tama o Mali. Ipaliwanag

4. “Anak mag-aral kang mabuti para sa iyong kinabukasan at para sa ating pamilya” Bakit palaging
sinasabi ito ng ating mga magulang?

5. Ang isang kabataan na nais ng kalayaan ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang
kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kaniyang pagpili. Ipaliwanag

Test 2: Enumeration
1. Ano-ano ang mga pansariling salik sa pagpili ng kurso o track

2. Ano ano ang mga interes na maaring pagpilian sa paghahanap ng trabaho

3. Sa paggawa ng PPMB, ano ang dapat na isaalang-alang, Ipaliwanag ang bawat isa.

TEST 3: PAGPAPALIWANAG

Saan mo gustong manirahan at magtrabaho? Sa Ibang bansa o sa sarili mong bansa? Bakit? Ipaliwanag ng
malinaw ang sagot

You might also like