You are on page 1of 3

KASUNDUAN PARA SA PAGLAHOK NG PANGKAT

[Kabilang ang mga Pagtalikdan at Pagbibigay-laya sa mga Maaaring Maging Paghahabol at Pahayag ng Iba Pang mga Obligasyon]
Lahat ng seksiyon ng Kasunduang ito ay dapat kumpletuhin, na ang pinirmahang orihinal ay ihahatid sa Opisina ng Paaralan,
bago pahihintulutan ang isang Estudyante na lumahok sa anumang paraan sa mga Aktibidad ng Pangkat na ipinaliwanag sa ibaba.
Ang isang nakahiwalay na Kasunduan ay kinakailangan para sa bawat Pangkat kung saan ang Estudyante ay maaaring lumahok.

Pangalan ng Estudyante: Tirahan:


Grado: Petsa Ng Kapanganakan:
Paaralan: Telepono:
Pangkat:

Bilang pagsasaalang-alang sa kakayahan ng Estudyante na lumahok sa Pangkat [kabilang ang anumang Palakasan, Cheerleading,
Sayaw, o Nagmamartsang Banda], kabilang ang anumang mga pagsubok para sa Pangkat, paglahok sa mga pagsasanay ng Pangkat o
mga sesyon ng pagsasanay, pagtatanggap ng pagtuturo, pagsasanay, o direksiyon, ang paglahok sa mga ginaganap ng Pangkat, mga
pagtatanghal, pagganap, o paligsahan, o ang paglalakbay patungo at pabalik mula sa alinman sa mga naunang aktibidad ("Mga
Aktibidad ng Pangkat"), ang Estudyante at Magulang o Legal na Tagapangalaga ("May Sapat na Gulang") na pumirma sa Kasunduang
ito ay sumasang-ayon sa mga sumusunod:

1. Isang pribilehiyo, hindi isang karapatan, na lumahok sa mga ekstra-kurikular na aktibidad, kabilang ang mga Aktibidad ng
Pangkat. Ang pribilehiyo ay maaaring pawalang-saysay sa anumang oras, para sa anumang dahilan, na hindi lumalabag sa mga
Pederal, Pang-estado o Pandistritong batas, patakaran o pamamaraan. Walang garantiya na ang Estudyante ay mapapasama sa Pangkat,
mananatili sa Pangkat, o aktibong makakalahok sa mga ginaganap, pagtatanghal, pagganap, o paligsahan ng Pangkat. Ang mga
naturang bagay ay dapat eksklusibong manatili sa loob ng paghuhusga at mabuting pagpapasiya ng Distrito at mga empleyado nito.
2. Naiintindihan ng Estudyante at May Sapat na Gulang ang katangian ng Pangkat, kabilang ang mga kasama o maaaring
maging panganib ng mga Aktibidad ng Pangkat. Ang Estudyante ay nasa sapat na mabuting kalusugan at pisikal na kalagayan upang
lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat, at boluntaryong nais na lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat. Bago lumahok sa isang
Aktibidad ng Pangkat, ang isang medikal na pahintulot ay dapat isumite (balido para sa isang kalendaryong taon), pinirmahan ng isang
lisensiyadong doktor, o isang pinangangasiwaang doktor at pinahihintulutang nanggagamot na nars o katulong na doktor, na
nagsasaad na ang Estudyante ay pisikal na sinuri at itinuturing na may sapat na mabuting kalusugan at kalakasan upang ang
Estudyante ay maaaring lubos na lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat.
3. Ang Estudyante ay dapat sumunod sa mga tagubilin at direksiyon ng mga guro, tagasanay, tagapangasiwa, tsaperon at
tagapagturo ng Aktibidad ng Pangkat. Sa panahon ng paglahok ng Estudyante sa mga Aktibidad ng Pangkat, gayon din sa mga
akademiko at/o ibang mga aktibidad ng paaralan, ang Estudyante ay dapat sumunod sa lahat ng angkop na Alituntunin sa Pagkilos.
Ang Estudyante sa pangkalahatan ay dapat kumilos sa lahat ng pagkakataon na sumusunod sa pinakamataas na moral at etikal na mga
pamantayan upang maging positibo ang paglarawan ng sarili, ng Pangkat at ng Distrito. Ang hindi pagtupad sa mga obligasyong ito ay
maaaring, sa pagpapasiya ng Distrito, magresulta sa kaagad na pagkatanggal mula sa mga Aktibidad ng Pangkat at isang pagbabawal
sa anumang paglahok sa hinaharap sa mga Aktibidad ng Pangkat o ibang mga ekstra-kurikular na aktibidad. Kung ang paglabag sa
mga obligasyong ito ay nagresulta rin sa pinsala sa katawan o sira sa ari-arian sa panahon ng mga Aktibidad ng Pangkat, ang May
Sapat na Gulang ay (a) magbabayad upang ibalik o palitan ang anumang ari-arian na napinsala bilang resulta ng paglabag ng
Estudyante, (b) magbabayad sa anumang mga pinsalang sanhi ng pinsala sa katawan ng isang indibidwal, at (c) ipagtanggol,
protektahan at hindi papanagutin ang Distrito sa anumang pinsala sa ari-arian o mga paghahabol ukol sa pinsala sa katawan.
4. Ang mga Aktibidad ng Pangkat ay nagtataglay ng mga maaaring maging panganib sa kapinsalaan o pinsala, kabilang ang
kapinsalaan o pinsala ng katawan na maaaring humantong sa permanente at seryosong pinsala sa katawan ng Estudyante, kabilang ang
pagkalumpo, pinsala sa utak, o kamatayan ("Mga Pinsala"). Ang mga Pinsala ay maaaring bunga ng mga aksiyon o kawalan ng
aksiyon ng Estudyante, ang mga aksiyon o kawalan ng aksiyon ng ibang Estudyante o kalahok sa isang Aktibidad ng Pangkat, o ang
aktuwal o sinabing kabiguan ng mga empleyado, ahente o boluntaryo ng Distrito upang sapat na turuan, sanayin, tagubilinan, o
pangasiwaan ang mga Aktibidad ng Pangkat. Ang mga pinsala ay maaari ring bunga ng aktuwal o sinabing kabiguan upang wastong
panatilihin, gamitin, kumpunihin, o palitan ang mga pisikal na pasilidad o kagamitan na maaaring magamit para sa mga Aktibidad ng
Pangkat. Ang mga pinsala sa katawan ay maaari ring bunga ng hindi nasuri, hindi wastong nasuri, hindi nagamot, hindi wastong
AGREEMENT FOR TEAM PARTICPATION SIA 9/09 (Tagalog)
Original to be held on file in the Main Office for a period of one (1) year after the date the Team Participation Ends Page 1 of 3
Pahina 1 ng 3
ginamot, o wala sa oras na ginamot na aktuwal o maaaring maging Mga Pinsala, kahit dulot man o hindi ng paglahok ng Estudyante sa
mga Aktibidad ng Pangkat. Lahat ng mga naturang panganib ay itinuturing na kasama sa paglahok ng Estudyante sa mga Aktibidad ng
Pangkat. Sa pamamagitan ng Kasunduang ito, ang Estudyante at May Sapat na Gulang ay itinuturing na lubos na umaako sa lahat ng
mga naturang panganib at, bilang pagsasaalang-aalang sa karapatan ng Estudyante na lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat,
naiintindihan at sumasang-ayon na sa abot ng saklaw ng ipinahihintulot ng batas tinatalikdan nila at binibigyang-laya sa anumang
maaaring paghahabol sa hinaharap na maaari nilang ipilit laban sa Distrito, o sinumang Miyembro ng Lupon, empleyado, ahente o
boluntaryo ng Distrito ("Mga Binigyang-Layang Partido") ng o sa ngalan ng Estudyante o sinumang magulang, tagapangasiwa,
tagapagpaganap, katiwala, tagapangalaga, itinalaga o miyembro ng pamilya, at naiintindihan din na ang transportasyon sa o mga
aktibidad sa ibang lokasyon ay "mga field trip" o "mga excursion" kung saan may kumpletong imunidad alinsunod sa §35330 ng
Kodigo sa Edukasyon.
5. Kung ang Estudyante ay naniniwala na ang isang di-ligtas na kalagayan o pangyayari ay umiiral, o subali't nadarama o
naniniwala na ang patuloy na paglahok sa mga Aktibidad ng Pangkat ay maaaring magpakita ng panganib ng Pinsala sa Katawan, ang
Estudyante ay kaagad na hihinto sa paglahok sa mga Aktibidad ng Pangkat, pasasabihan ang mga tauhan ng Paaralan ng paniniwala
ng Estudyante, at pasasabihan ang isang magulang o tagapangalaga ng paniniwala ng Estudyante. Sinumang magulang o
tagapangalaga ng Estudyante ay dapat, pagkaraan, na hindi pahintulutan ang Estudyante na lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat
hanggang ang di-ligtas na kalagayan o pangyayari ay maremedyuhan, na ang anumang katanungan o inaalala tungkol sa pagkakaroon
ng sinabing di-ligtas ng kalagayan o pangyayari ay natugunan sa kanilang kasiyahan.
6. Ang emerhensiyang medikal na impormasyon tungkol sa Estudyante ay nasa talaan sa Distrito at pangkasalukuyan. Ang May
Sapat na Gulang ay sumasang-ayon na magkaloob ng napapanahong impormasyong medikal sa panahon ng paglahok ng Estudyante
sa mga Aktibidad ng Pangkat. Kung ang isang pinsala sa katawan o emerhensiyang medikal ay mangyayari sa panahon ng mga
Aktibidad ng Pangkat, may permiso ang mga empleyado, ahente o boluntaryo ng Distrito mula sa akin na magbigay o mag-awtorisa
ng pagbibigay ng apurahan o emerhensiyang pangangalaga, kabilang ang transportasyon ng Estudyante sa isang tagapagkaloob ng
apurahan o emerhensiyang pangangalaga. Sa mga naturang pangyayari, ang paunawa sa akin at/o sa Matatawagan sa Emerhensiya ng
pinsala sa katawan o emerhensiyang medikal ay maaaring maantala. Dahil dito, sinumang tagapagkaloob ng apurahan o
emerhensiyang pangangalaga ay may ipinahayag na aking pahintulot na magsagawa ng mga pamamaraan ukol sa pagsusuri o
pampangimay, at/o upang magkaloob ng pangangalagang medikal o paggamot (kabilang ang pag-opera), na ituturing nilang
makatwiran o kailangan sa ilalim ng lahat ng umiiral na pangyayari. Lahat ng gastos at gugulin na kaugnay ng naturang pangangalaga
ay solong aking responsibilidad.

7. Ang Seksiyon 32221.5 ng Kodigo sa Edukasyon ay nag-aatas sa amin na bigyan kayo ng paunawa na: "Sa ilalim ng batas
ng estado, ang mga distrito ng paaralan ay inaatasan na tiyakin na ang lahat ng miyembro ng mga pangkat ng palakasan ng
paaralan ay may seguro sa aksidenteng pinsala na sumasakop sa mga gastos na medikal at pang-ospital. Itong iniaatas na
seguro ay maaaring matugunan ng distrito ng paaralan na nag-aalay na seguro o ibang mga benepisyong pangkalusugan na
sumasakop sa mga gastos na medikal at pang-ospital. Ang ilang mag-aaral ay maaaring maging kuwalipikadong magpatala sa
walang-gastos o murang mga programang segurong pangkalusugan na itinataguyod ng lokal, pang-estado o pederal na
pamahalaan. Ang impormasyon tungkol sa mga programang ito ay makukuha sa pamamagitan ng pagtawag sa Click here to
enter text.." Ang Seksiyon 32221 ng Kodigo sa Edukasyon ay nag-aatas na ang naturang seguro ay sumasakop sa mga gastos na
medikal at pang-ospital na resulta ng mga pinsala sa katawan sa isa sa mga sumusunod na halaga: (a) ang isang grupo o indibidwal na
planong medikal na may mga benepisyo sa aksidente na hindi kukulangin sa $200 para sa bawat pangyayari at pangunahing pagsakop
na medikal na hindi kukulangin sa $10,000, na may hindi hihigit sa $100 deductible at hindi kukulangin sa 80% dapat bayaran para sa
bawat pangyayari; (b) ang isang grupo o indibidwal na mga planong medikal na sertipikado ng Komisyoner ng Seguro na katumbas ng
iniaatas na pagsakop na hindi kukulangin sa $1,500; o (c) hindi kukulangin sa $1,500 para sa lahat ng mga gastos na medikal at pang-
ospital. Maaari ninyong matugunan ang obligasyong ito sa isa sa dalawang paraan:
Opsiyon 1: Pribadong segurong medikal. Kung ang opsiyong ito ay pinili, mangyaring ilagay ang
___________________________ (Pangalan ng Kompanya ng Seguro) at ________________________ (Numero ng Polisa),
______________________________(ilista ang mga petsa ng pagsakop o "patuloy"). Sa pagpirma sa ibaba, ang May Sapat na
Gulang ay nagsesertipika na ang Estudyante ay kasalukuyang sakop, at mananatiling sakop sa tagal ng kapanahunan ng
Pangkat, sa ilalim ng Polisa, at ang Polisa ay sumusunod sa Seksiyon 32221.
Opisyon 2: Bumili ng seguro na nakatutugon sa mga iniaatas ng Seksiyon 32221, para sa panahon na ang Estudyante ay
lumalahok sa Pangkat, sa pamamagitan ng isang tagapagkaloob ng seguro na makukuha sa pamamagitan ng Distrito
[mangyaring makipag-ugnayan sa Distrito upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa programang ito]. Kung
wala kang pinansiyal na kakayahan na bayaran ang naturang seguro, ang isang pagtalikdan sa pagbabayad ay maaaring
isumite [ang mga pormas na naghahangad ng pagtalikdang ito ay makukuha rin mula sa Distrito]. Kung ang pagtalikdan ay
isinumite, nananatili pa ring obligasyon ng Estudyante at May Sapat na Gulang na gawin ang mga kailangang hakbang
upang makakuha ng pagsakop o pagpopondo sa pamamagitan ng mga makukuhang walang-bayad/murang-bayad na
programa; na ang Distrito ay umaako sa pananagutan o obligasyon na ibinunga ng anumang aktuwal o sinabing kabiguang
tumulong sa oras o kumuha ng naturang pagsakop para sa Estudyante.

AGREEMENT FOR TEAM PARTICPATION SIA 9/09 (Tagalog)


Original to be held on file in the Main Office for a period of one (1) year after the date the Team Participation Ends Page 2 of 3
Pahina 2 ng 3
8. Ang mga empleyado, ahente o boluntaryo ng Distrito, mga kasapi ng pamahayagan o pangunahing sangay ng
komunikasyong pangmadla, o ibang mga tao na maaaring dumalo o lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat, ay maaaring kumuha ng
litrato, videotape, o mga pahayag mula sa Estudyante. Ang mga naturang litrato, videotape, pagrekord, o nakasulat na pahayag ay
maaaring ilathala o gawan ng maraming kopya sa isang paraang nagpapakita ng pangalan ng Estudyante, mukha, pagkakahawig, tinig,
iniisip, paniniwala, o anyo sa mga ikatlong partido, kabilang ang, nang walang limitasyon, webcasts, telebisyon, mga gumagalaw na
larawan, pelikula, pahayagan, yearbook, at magasin. Ang mga naturang bagay na inilathala o ginawan ng maraming kopya, para
pagtubuan man o hindi, ay maaaring gamitin para sa seguridad, pagsasanay, anunsiyo, balita, publisidad, pagtataguyod, pagbibigay ng
impormasyon, o anumang ibang layuning ayon sa batas. Sa pamamagitan nito ay nag-aawtorisa ako at nagpapahintulot ng anumang
mga naturang paglalathala at paggawa ng maraming kopya, nang walang kabayaran, at walang reserbasyon o limitasyon.
9. Ang Kasunduang ito ay dapat pamahalaan ng mga batas ng Estado ng California. Ang Kasunduang ito ay malawak na
bibigyang kahulugan upang ipatupad ang mga layunin at kasunduan na nakalagay sa itaas, at hindi dapat ipakahulugan na laban sa
mga Binigyang-Layang mga Partido batay lamang na ang Kasunduang ito ay isinulat ng Distrito. Kung ang anumang bahagi ng
Kasunduang ito ay itinuturing na hindi balido o walang-bisa, ang lahat ng ibang mga tadhana ay dapat manatiling may-bisa. Walang
binigkas na pagbabago ng Kasunduang ito, o sinabing pagbabago o modipikasyon ng mga takda nito sa pamamagitan ng kasunod na
kilos o binigkas na pahayag, ay ipinahihintulot. Ang Kasunduang ito ay nagtataglay ng tangi at eksklusibong pagkaunawa ng mga
partido, na walang ibang pahayag na inasahan ng May Sapat na Gulang o Estudyante sa pagpapasiya kung gagawin ang Kasunduang
ito o sa pagsang-ayon na lumahok sa mga Aktibidad ng Pangkat.
BILANG MAY SAPAT NA GULANG NA PUMIPIRMA SA IBABA: (1) SINUSUKO KO ANG MAHALAGANG
AKTUWAL O POTENSIYAL NA KARAPATAN UPANG PAHINTULUTAN ANG ESTUDYANTE NA LUMAHOK SA
MGA AKTIBIDAD NG PANGKAT; (2) PINIRMAHAN KO ANG KASUNDUANG ITO NANG WALANG ANUMANG
URING KLASENG PAGHIMOK O PAGTIYAK, AT LUBOS NA NAUUNAWAAN ANG MGA PANGANIB NA KASAMA
SA MGA AKTIBIDAD NG PANGKAT; (3) WALA AKONG KATANUNGAN TUNGKOL SA SAKLAW O HANGARIN NG
KASUNDUANG ITO; (4) AKO, BILANG ISANG MAGULANG O LEGAL NA TAGAPANGALAGA, AY MAY
KARAPATAN AT AWTORIDAD NA PUMASOK SA KASUNDUANG ITO, AT UPANG ISAILALIM ANG AKING
SARILI, ANG ESTUDYANTE, AT SINUMANG IBANG MIYEMBRO NG PAMILYA, PANSARILING KINATAWAN,
ITINALAGA, TAGAPAGMANA, KATIWALA, O TAGAPANGALAGA SA MGA TAKDA NG KASUNDUANG ITO; (5)
IPINALIWANAG KO ANG KASUNDUANG ITO SA ESTUDYANTE, NA NAIINTINDIHAN ANG KANYANG MGA
OBLIGASYON.

Nakalimbag na Pangalan ng Pirma Petsa


Magulang/Tagapangalaga

Bilang Estudyante, naiintindihan ko at sumasang-ayon ako sa lahat ng obligasyon na iniatas sa akin sa Kasunduang ito.

Nakalimbag na Pangalan ng Pirma Petsa


Estudyante

AGREEMENT FOR TEAM PARTICPATION SIA 9/09 (Tagalog)


Original to be held on file in the Main Office for a period of one (1) year after the date the Team Participation Ends Page 3 of 3
Pahina 3 ng 3

You might also like