You are on page 1of 2

Baynos, Diane Rose G. Gr.

11- Blessed Josephine Enero 17, 2020

Madugong Kampanya Kontra Droga: Reaksyong Papel

Naging kontrobersyal ang pagtanggap ni bise presidente Leni Robredo sa hamon ni


pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang kampanya kontra droga ng administrasyon. Ang
pagtanggap niyang ito ay naging usap-usapan sa taong-bayan dahil hindi lang ito basta-bastang
hamon ng dalawang simpleng mamamayan ng Pilipinas, itong hamong ito ay maaaring
makaapekto sa iba’t ibang aspekto sa buhay nating mga Pilipino lalo na’t marami nang mga tao
ang nasangkot sa kampanyang ito. At marami rin itong kalamangan at kawalan sa iba’t ibang
aspekto ng buhay natin.

Bilang isang HUMSS student na naghahangad na maging isang abogada sa hinaharap, ang
pagtanggap ni bise presidente Leni Robredo sa hamong ito ay isang malaking bagay at sa aking
sariling opinion, ay kapuri-puri. Dahil unang-una, ang bise presidente ay isang dating abogada ng
mga karapatang pantao at isa lang ang tanging layunin niya at iyon ay ang makasalba ng kahit
isang inosenteng buhay mula sa panganib na dulot ng pag-aksyon kontra sa bawal na gamot. Kahit
na maraming maaaring panganib ang kakaharapin niya sa pagtanggap ng hamong ito at maaaring
isa lang din itong patibong upang mapabagsak siya bilang bise presidente, hinarap pa rin niya nang
walang katakot-takot at talagang makikita na pinanindigan niya ang kaniyang layunin sa
pagtatanggol sa karapatang pantao lalo na sa mga inosente na mabuhay nang mapayapa sa
mundong ito na hindi patas. At gusto ko na kapag ako’y maging isang abogada rin sa hinaharap,
magkaroon din akong lakas ng loob na tulad ng ating bise presidente na sa kabila ng iba’t ibang
batikos na natanggap niya, nanatili siyang matatag at pinili niyang maging matapang sa paglaban
ng kaniyang paninindigan ukol sa kampanya laban sa iligal na droga na binigyang-pansin niya ang
karapatang pantao.

Marami nang inosenteng tao ang nabawian ng buhay dahil sa kampanya ng


administrasyong Duterte laban sa pinagbabawal na gamot dahil sa ekstrahudisyal na pagpatay na
nakaangkla sa kampanyang binanggit. At ang higit na naaapektuhan sa labang ito ay ang pamilya
ng mga inosenteng pinatay nang walang kaawa-awa. Katulad na lamang ng kaso ni Kian delos
Santos, isang 17 gulang, na walang awang binaril sa isang Oplan Galugad operation sa Caloocan
City noong gabi ng Agosto 16, 2017. Isa lang siya sa maraming kaso na pinatay na inosente sa
kalagitnaan ng Oplan Tokhang na pinangunahan ng administrasyong Duterte. At ang
pinakanaapektuhan nito ay ang pamilya delos Santos na lubhang nagulantang sa pagpatay ng
inosenteng binatilyong ito. Dito makikita na malaki ang kabuluhan nitong artikulong binasa sa
aspektong pampamilya. Sa pagtanggap ni bise presidente Leni Robredo sa hamon ni pangulong
Duterte, maaaring may pagbabago sa paraan ng kanilang pamamahala ng kampanya laban sa droga
at posible na maraming inosenteng buhay ang pwedeng masalba mula sa marahas na kampanya ng
administrasyong Duterte ngayong ang bise presidente na ang mamamahala nito.

Marami ang nagsasabi na hindi epektibo ang kampanya ni Duterte ukol sa laban sa droga.
Isang malaking pahirap sa masang Pilipino ang laban kontra droga. Sinabi ng Human Rights Watch
sa isang pag-aaral na halos lahat ng biktima ng war on drugs ay walang trabaho, maliliit ang kita,
Baynos, Diane Rose G. Gr. 11- Blessed Josephine Enero 17, 2020

o nakatira sa mahihirap na komunidad. Inamin mismo ng Pangulo na marami sa namatay ay


mahihirap, pero “wala talaga tayong magagawa,” aniya. Dahil isang dating abogada ng mga
karapatang pantao ang ating bise presidente, mas mabibigyan ng importansya ang buhay ng mga
taong ito at hindi lang sila ang dapat na matokhang dahil alam natin na marami ring adik na
mayaman ngunit ligtas sila mula sa peligro ng kampanya ni Duterte dahil sa presensya ng pera.

Bago pa man nahalal si Duterte bilang presidente, isa sa kaniyang mga plataporma at
pangako ay ang puksain ang mga adik sa droga sa loob lamang ng anim na buwan. At ngayong
siya na ang naging presidente, mapupuna natin na hindi niya natupad ang kaniyang pangako. Dahil
ito ang kaniyang biningyan ng higit na importansya, napapabayaan na ang ibang salik sa bansa.
Isa na dito ang pagkamit ng makamasang kaunlaran sa ekonomiya ng bansa. Nahirapan na ang
nakaraang administrasyon na gawing makamasa ang kaunlaran dahil napakahirap sugpuin ang
kahirapan at di pagkakapanta-pantay ng mga tao sa ating bansa. Ngunit dahil sa laban kontra droga
ni Pangulong Duterte, halos imposible na itong makamit ngayon. Habang ipinagpapatuloy ng
gobyerno ang marahas at madugong paglaban sa droga – na nakatutok sa maliliit at mahihirap –
hindi natin makakamit ang makamasang kaunlaran sa mga susunod na buwan o taon.
Samakatuwid, dahil tinanggap ni Leni Robredo ang hamon sa pag-aksyon kontra sa droga,
posibleng mas lalong hindi na mabibigyang-pansin ang iba’t ibang salik sa pagpapaunlad ng bansa.
At ito ang nakikita kong masamang epekto sa pagbasa ko sa artikulo ukol sa pagtanggap ng bise
presidente sa hamon ng Pangulo.

Samantala, sinabi ng mga puno ng Department of Tourism at Paggor na dahil sa mga isyu
ng pagpatay at pagsikil sa karaptang pantao, hirap na ang Pilipinas na akitin ang mga turista at
mamumuhunan sa bansa. Sinabi rin ng kalihim ng DILG na nanganganib ang ating trade deals sa
Europa dahil dito. At nabanggit din sa artikulo na hindi bababa sa dalawang reklamo para sa mass
murder ang isinampa sa International Criminal Court tungkol sa malalaking pagkamatay, ngunit
ipinangako ni Duterte na magpatuloy sa madugong kampanya hanggang sa huling araw ng
kanyang pagkapangulo sa Hunyo 2022. Mahihinuha natin mula sa kontekstong ito ang kabuluhan
ng tekstong binasa sa pandaigdig na aspekto. Marami nang tao ang naaalarma hinggil sa laban sa
droga at kabilang na dito ang mga tao sa ibang bansa. Dahil dito, mawawalan tayo ng dayuhan at
patuloy lang na mahihirapan tayong mga Pilipino at talagang iisa lamang ang patutunguhan ng
lahat ng ito – at iyon ay karalitaan.

Sa lahat ng ibinanggit ko sa itaas, mahihinuha natin na talagang maraming kakulangan at


kawalan itong war on drugs ng administrasyong Duterte. Maaaring may maganda rin itong dulot,
ngunit mas lamang pa rin ang masamang epekto nito sa buhay nating mga Pilipino, lalo na’t isa
tayong bansa na kadalasan sa relihiyon ay Roman Catholic na binibigyan ng importansya ang mga
salita ng Diyos. At kitang-kita na labag sa utos ng Diyos ang kampanyang war on drugs dahil
kumikitil ito ng buhay. Kaya naman ako’y labag sa war on drugs at mas mabuti kung bigyan-
pansin ang ibang salik na makabuluhan at makapagpapaunlad ng ating bansa.

You might also like