Kabanata Ii

You might also like

You are on page 1of 4

KABANATA II

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang isinasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na

gamitin ang “Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangagalap ng datos mula sa

maraming mga kalahok.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng

disenyong ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sasagot sa mga talatanungan. Kung kaya

lubos nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kung saan maari ring

magsagawa ng pakikipanayan at obserbasyonupang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at

impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging

mabisa sa pag-aaral na ito upang ms makakalap ng impormasyon na mgiging epektibo sa

pananaliksik.

SETTING NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik ay kasalukuyang ginagawa sa Pulung Santol National High School. Ang

Skwelahang ito ay naitatag at naitayo noong 1983 sa bayan ng Porac. Ang kasalukuyang Punong

guro sa Skwelahang ito ay Si Ginang Rita DL. Cunanan, siya ang Ika-apat na Punong Guro. Ang
skwelahang ito ay kilala sa kanyang Slogan na “Home of Passionate Hearts of Students”, ito rin

ay minsan ng tinawag na “Home of The Champions” Dahil sa mga patimpalak na nakamit noong

taong 2018-2019. Ang paaralang ito ay nag-aalok ng ibat’ ibang strand, tulad ng STEM,

HUMSS, EIM, COOKERY, HE at ICT. Maraming magagaling at masisipag na mga guro ang

nagtuturo dito upang matulungan at magabayan ang bawat mag-aaral sa kanilang nais makamit

sa kanilang kinabukasan, marami ding mag aaral ang may ibat’ ibang kakayahan sa larangan ng

pagalingan gamit ang utak at isports.

MGA KALAHOK AT SAMPLE NG PAG-AARAL

Ang mga napiling mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga Ikalabing Dalawang Baitang na

kumukuha ng Strand na EIM sa taong panuruan 2019-2020 sa Pulung Santol National High School

sa Bayan ng Porac. Sa kasalukuyan ay may apat na pu’t limang mag-aaral ang aming kinuha bilang

maging kalahok sa aming talatanungan. ayon sa obserbasyon ng mga mananaliksik, sila ay may

mas mababang tiwala sa sarili at natukoy ng mga mananaliksik dahil sa kadahilanang hindi sila

masyadong nag reresayt. At ayon din sa mga guro hindi sila gaanong aktibo pagdating sa

pagtatanghal sa harap ng klase.

Talahanayan 1.

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan mula sa Ikalabing dalawang baitang na EIM sa Pulung

Santol National High School sa panuruan 2019 - 2020.

Kabuuang bilang ng Kasarian nga mga mag-aaral na tagasagot Pangkat na


mga estudyante sa
Kinabibilangan
ikalabing dalawang
baitang na EIM
LALAKE BABAE Edison Graham

45 Bell

45 0 20 25

INSTRUMENTO NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito, nangalap ng mga kaugnay na literatura ang mga mananaliksik na

magpapatibay sa kanilang pag-aaral na isinasagawa. Sa pag-aaral na ito gumamit nang

talatanungan o Survey Questionnaire ang mga mananaliksik na bibigyang kasagutan ng mga

kalahok na mapagkukunan ng mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Karamihan sa mga

mananaliksik ay ito ang ginagamit sapagkat naniniwala ang mga ito na madaling makakuha ng

mga importanteng datos kahit na marami pa ang mga kalahok na kasali. Ang mga ito ay ipinasuri

at ipinaberipika ng mga mananaliksik kay G. Soren M. Ramos at Gng. Jenilyn Lacra.

PAGPAPATIBAY NG TALATANUNGAN

Sa pagpapatibay ng instrumentong gagamitin, minabuti ng mga mananaliksik na hingin ang

tulong ni G. Ramos at Gng. Lacra upang maging malinaw at maayos ang nilalaman ng

talatanungan.

Ang mga talatanungan na isinumita kay G. Ramos ay ilang beses din pina-ayos bago ito ipa

valido kay Gng. Lacra. Pinalitan ang mga dapat palitan bago magawa ang pinal na talatanungan

ng mga mananaliksik. Sa tulong ng pagpapatibay na ito, mas nakasisigurado ang mga

mananaliksik na masasagot ang bawat tanong sa talatanungan ng mga magiging kalahok.


MGA HAKBANG SA PAG-AARAL

PAGSUSURI NG MGA DATOS

Bilang basehan ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay mangalap ng datos mula

sa mga naunang pag-aaral na isinagawa na. Gagamitin ng mga mananaliksik ang mga resulta sa

mga talatanungan na papasagutan sa mga mag-aaral ng Pulung Santol National High School na

nasa ika-labing dalawang baiting na kumukuha ng Strand na EIM. Maingat na aanalisahin at

bibigyang interpretasyon na makakatulong bilang suporta sa pananaliksik na ito. Gagamitin ang

mga datos na ito upang malaman kung sila ay may mababang tiwala sa kanilang sarili at kung ito

ba ay may epekto sa kanialng pag-aaral.

You might also like