TALATANUNGAN

You might also like

You are on page 1of 2

Magandang Araw!

Kami po ay mga mag-aaral na nasa Ika-12 baitang ng Senior High


School na kumukuha ng strand na STEM sa Pulung Santol National High School.
Hinihingi po namin ang inyong kaunting oras upang sumagot nang may katapatan sa
aming inihandang tanong na makatutulong sa aming pananaliksik na may pamagat na
“MGA DAHILAN UKOL SA KAWALAN NG TIWALA SA SARILI NG MGA
MAG-AARAL NG IKA-12 BAITANG EIM NG PULUNG SANTOL NATIONAL
HIGH SCHOOL.” Maraming salamat po.

PANUTO: Sagutan ng may katapatan ang mga sumusunod


1. Hindi ka ba nahihiya kapag mayroong mga pagtatanghal sa harapan ng klase?
Bakit?

2. Gaano ka kadalas nagreresayt o nagsasalita sa harapan ng klase?

3. Ano ang mga paraan na iyong ginawa upang magkaroon ng sapat na tiwala sa
sarili?

4. Naipapahayag mo ba ng husto o maayos ang iyong mga saloobin sa iyong mga


kamag-aral?

5. Sa iyong palagay, sa paanong paraan nakaaapekto ang kawalan ng suporta ng


pamilya sa tiwala sa sarili ng isang mag-aaral?
Departamento ng Edukasyon
Region III
Pulung Santol National High School
Pulung Santol, Porac, Pampanga

JENILYN LACRA, LPT


SHS Teacher, Pulung Santol National High School
Pulung Santol, Porac, Pampanga

Mahal na Ginang,
Isang mapagpalang araw!

Kami po ay mga mag-aaral ng ika-12 baitang na kumuha ng strand na STEM sa ating


mahal na paaralan, Pulung Santol National High School. Sa kasalukuyan, kami ay
nagsasagawa ng isang pag-aaral na may pamagat na “MGA DAHILAN UKOL SA
KAWALAN NG TIWALA SA SARILI NG MGA MAG-AARAL NG GRADE 12
EIM NG PULUNG SANTOL NATIONAL HIGH SCHOOL.”
Ninanais po naming humingi ng inyong kaunting oras upang mapagtibay ang aming
inihandang talatanungan na siyang gagamitin upang makakuha ng datos na kailangan sa
aming pag-aaral. Inaasahan po namin ang inyong pang-unawa at suporta. Maraming
salamat po.

Lubos na gumagalang,

CHANNEN MICAH B. MERCADO


Pinuno ng Pangkat

Kinilala ni:
SOREN M. RAMOS, LPT
Tagapayo

Inaprubahan ni:
JENILYN LACRA, LPT
SHS Teacher II

You might also like