You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office Of Quezon City
North Fairview High School – West Fairview Annex

February 22, 2020

Sa Kinauukulan,
Kami po ang mga magulang ng West Fairview High School Marching Band ay
nagpapatunay na ang mga batang miyembro/estudyante ay nag-eensayo sa loob ng paaralan ng
West Fairview High School tuwing sabado kapag may mga sasalihang kompetisyon lamang, sa
ganap na 1pm hanggang 5pm ng hapon at hindi naman ito regular na tuwing sabado. Ang unang
dalawang oras ay nilalaan sa pag-eensayo para sa visual, drills, props at pag-eehersisyo na walang
ingay dahil ito ay walang tugtug at ang natitirang dalawang oras ay para sa pagpapraktis ng mga
instrumento at musika na may katamtamang ingay lamang. Sa hindi maiiwasang pagkakataon kami
po ay nag-eensayo kapag linggo at ito ay tuwing kinakailangan lamang lalo na kapag malapit na
ang kompetisyon na sasalihan o mga pinaghahandaaan na mga imbitasyon at kami ay hindi
nagpapraktis sa eskwelahan kundi sa barangay covered court o kaya sa parke. Noong una po
kaming lumapit sa aming principal/admin upang mag paalam na makapag praktis ay hindi kami
pinayagan. Kami po ay nakiusap sa kanila na sana ay buksan ang programa at grupo na ito dahil
napakalaki ng tulong nito sa aming mga anak. Nang kami ay pinayagan nang paaralan, kami po ay
nag-usap kung ano ang mga dapat at bawal gawin. Katulad ng magpapraktis lamang kapag malapit
na ang kompetisyon at hindi regular tuwing sabado at kung anong oras lang ang nakalaan sa amin
ay hanggang doon lang kami magtatagal.

Ang pag-eensayo ng mga estudyante sa tuwing malapit na ang kompetisyon ay


nakakatulong upang malinang ang kanilang kaalaman sa musika at sa paggamit ng mga instrument
na may kinalaman sa drum at lyre. Nakakatulong din ang madalas na pag-eensayo at pagsali sa
mga kompetisyon upang malinang ang kanilang pakikipagsocialize sa mga kapwa nila mag – aaral
at sa mga aka-edad nila. Dahil din sa pagkakaroon ng ganitong aktibidades ay makakaiwas sila sa
mga bisyo at gawaimg masama. At ito po ay higit na nakakatulong sa aming mga anak para
magkaroon sila ng extrang pambaon na nakukuha nila mula sa mga napanalunang premyo at bigay
sa mga kompetisyon.
Gayun pa man kami po ay humihingi ng paumanhin sa dulot na ingay na nagawa
ng pag eensayo ng aming mga anak na hindi naman nila sinasadya kapag sila ay nag eensayo dahil
sa wala namang lugar na pwedeng mapagdausan ng pag-eensayo. Mula sa araw na ito ay titigil na
po ang pag-eensayo ng mga bata sa West Fairview High School at kami po ay maghahanap na
lamang ng tamang lugar na pwedeng mapagdausan ng pag-eensayo tulad sa barangay o sa mga
parke na may kalakip na permiso mula sa mga ito.

Sa pagpapatunay po na maayos at organisado ang aming WFHS Marching Band,


kalakip po ng liham na ito ay ang mga permits na mula sa aming Punong-guro at Barangay,
schedules and attendance sa tuwing kami ay nagpapraktis, parent consents, invitations, pictures,
awards at financial statement ng aming grupo.

Lubos ng gumagalang,

AYZZA M. FULGAR CYNTHIA WAGAYEN JOSIE MALLIYA

Austin St., Fairview Park, Quezon City 1118


(02) 7757-2268
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office Of Quezon City
North Fairview High School – West Fairview Annex

EMMA SALVACION JULIE LAGADO SARAH QUILO

MIRIAM SECAPURI LUDY RAMOS MARIDEL ROSAL

NORMIE BACANI ROSE EQUIPILAG GRACE PANCHO

SARAH TUPAZ JANE ANDRES LEA CATALUÑA

GRACE HERMINIGILDO JANE GARCIA SHIELA NOBLEZA

CATHERINE ESTEBAN

SALLY LENIE M. DAVID


WFHS Marching Band Parents – President

Noted by:

JULIE ARNE I. ENRIQUEZ


WFHS Marching Band Adviser
Teacher 1, MAPEH Department

JOEL C. CANCERAN
OIC, School Principal

Austin St., Fairview Park, Quezon City 1118


(02) 7757-2268

You might also like