You are on page 1of 4

1.

Budget
Ayon sa 1987 Philippine Constitution Article XIV Section 5, Ang bansa
ay dapat ibudget ang Edukasyon bilang pinakamataas na prioridad, ngunit
kung titignan sa DBM o department of budget management, ang budget
allocation sa taong 2020, ang DPWH o Department of Public Works and
Highways ang mayroong pinakamataas na halaga na 580.89 billion pesos sa
buong taon ang budget kumpara sa DepEd o Department of Education na
nakatatanggap lamang ng 521.35 billion pesos. Ang budget sa Edukasyon ay
isa sa pinakadahilan kung bakit ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay
nanatiling buwag sapagkat di nabibigyan ng pinakapansin ang edukasyon.
Para sa akin, nararapat lamang na bigyan ng mas mataas na pansin ang
edukasyon sa pagbubudget upang manumbalik ang magandang Sistema ng
edukasyon sa Pilipinas. Nararapat din lamang na itaas ang suweldo ng bawat
guro sapagkat ito ay kapantay lamang ng ibang mga professional na trabaho.
Nararapat din na itaas ang tingin sa kanila sapagkat sila ang humuhubog sa
atin upang maging mabuti at matalinong mamamayan.

2. Affordability
Ang pagkakaroon ng abot-kayang edukasyon ay nananatili pa ring
isang malaking tanong sa mga Pilipinong pinanganak sa mahihirap na
pamilya. Ang pagkakaroon ng socioeconomical disadvantage ay nagbubunga
ng dropout rates sa elementarya. Samantalang sa tersaryong pag-aaral, ang
mga karamihan ng mga freshmen o mga bagong pasok sa isang unibersidad
ay nabibilang sa mga mayayaman. Ang magandang edukasyon sa Pilipinas ay
katumbas ng malaking halaga ng pera. Kaya’t ang mga mahihirap ay
nagkakaroon ng malaking disadvantage kaya’t patuloy na hindi makaahon sa
kahirapan ang angkan. Para sa akin, ang pagtanggap ng mga employer sa mga
nag-aapply ng trabaho ay dapat nakabase lamang sa kung ano ang grado nito
hindi kung saan ito nag-aral. Nararapat din na magkaroon ng pantay-pantay
ng pagtingin sa isang state university o community college sa mga pribadong
unibersidad. Ang pare-parehong kurrikulum ay isa ring sagot upang ang mga
papumblikong unibersidad ay makasabay sa mga pribadong unibersidad.
3. Drop-out rate
Ayon sa datos na aking nakalap, ayon sa DepEd, ang drop-out rate sa
Pilipinas ay patuloy na bumaba kasabay ng pagkakaroon ng Senior highschool
o K-12 Program. Marami na ring bumabalik sa eskwelahan simula noong
maipasa ang sistemang ito. Ngunit kung titignan mabuti, Malaki pa rin ang
bilang ng dropout rate sa Pilipinas. Ayon sa inquirer, ang kakulangan ng silid
aralan at dahil din daw sa teenage pregnancy kaya tumataas ang dropout rate,
para sa akin kung ang gobyerno ay magsasagawa ng mas marami pang silid
aralan at kung papayagan din ang sex education sa buong Pilipinas upang
ituro, ang bilang ng dropout rate ay maaring bumaba ng malaking bahgdan.

4. Mismatch
Ang pagkakaroon ng mismatch sa educational training at sa trabaho ay
isa sa suliraning kinakaharap sa Sistema ng edukasyon ng ating bansa. Ito ay
ang pagkakaroon ng malaking agwat sa pag-aaral at pagtatrabaho kaya’t ito
ay nagbubunga ng napakaraming Pilipinong walang trabaho. Para sa akin, ang
solusyon dito ay ang pagkakaroon ng pagbabago sa kurrikulum ng ating
bansa. Ngayong K-12, mas maganda na ito kumpara sa mga naging ibang
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat sa K-12, napag-aaralan o mas
natutuunang pansin ang mga asignatura na mahahalaga sa bawat strand kaya’t
pagdating ng kolehiyo bihasa ng ang mga mag-aaral sa mga pangunahing
kaalaman o basic knowledge ukol sa mga asignaturang kanilang tatahakin.
Kaya’t mas nabibiyan oras ang aral na mahalaga sa trabaho na noon ay hindi
nabibigyan importansya sapagkat ang mga pangunahing kaalaman ay tinuturo
sa kolehiyo na dapat ay ituro sa sekondaryang pag-aaral.

5. Brain-Drain
Ang pagkakaroon ng Brain-Drain sa Pilipinas o kung saan ang mga
mangagawang Pilipino ay pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho, ay
nagdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya. Dahil sa Brain-Drain, ang pag-
unlad ng Pilipinas kasama ang Sistema ng edukasyon ay bumabagal ang usad
sapagkat ang ibang mga propesyonal ay mas pinipili na mag trabaho sa ibang
bansa kaya’t imbis na ang sariling bayan ang umunlad, ang ibang bayan ang
tumataas pa ang ekonomiya. Para sa akin, kung tataasan lamang ng ating
pamahalaan ang suweldo ng bawat mangagawa rito sa ating bansa, mas
pipipliin nila na mag trabaho na lamang dito. Kung bibigyang halaga rin ng
Pilipinas ang bawat trabaho ng pantay-pantay na pagtrato ang mga trabaho na
ngayon ay tinuturing na mababa (tulad ng guro at iba pa), ang mga
propesyonal ay mas lalong maeenganyo na makapag trabaho rito sa ating
sariling bayan.
6. Social Divide
Ang pagkakaron ng malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap ay isa ring suliranin sa Sistema ng edukasyon sapagkat ang
pagkakaroon ng ganitong pagkahati ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng
malaking agwat sa mahihirap at mayayaman. Sa ibang mga paaralan, ang mga
prebiliheyo ay natatanggap lamang ng mga mayayaman habang ang mga
mahihirap naman ay nagkakaroon ng malaking disadvantage. Ito ay isang
malaking kahihiyan sapagkat ang edukasyon ay dapat pantay-pantay lamang
sa lahat, kahit ano man ang katayuaan sa buhay. Para sa akin, ang solusyon
ditto ay ang paggawa ng isang batas upang pigilan nag mga ganitong gawain.
Ang pagpigil sa ganitong mga gawain ay makatutulong upang mawaksi ang
social divide at mabawasan ang bilang ng suliranin ng Sistema ng edukasyon
sa Pilipinas.
7. Issue regarding K-12
Kung titignan mabuti ang suliraning ito ng mabuti, noong isinagawa
ang NAT o national achievement test noong 2019, ito ay sa simula ng klase o
June na imbis na ito ay isagawa sa katapusan ng klase kaya’t ganoon na
lamang ang naging kinalabasan ng NAT. Nararapat lamang na isagawa ito sa
katapusan na klase sapagkat doon pa lamang naituro ang lahat ng mga aralin.
Ngunit sa kabilang dako, ang pagkukumpara sa MetroManila at sa ibang mga
lugar ay malayo ang agwat. Para sa akin, kung bibigyan pansin ng gobyerno
ang edukasyon sa lahat ng mga probinsya o lugar di lamang sa NCR, ang
buong Sistema ay uunlad. Ang buong bansa ay parte ng Sistema ng edukasyon
kaya’t nararapat lamang na magkaroon na pantay pantay na pagtrato at
pagtingin sa bawat edukasyon sa lalawiganin or Rehiyon.
References:
https://news.mb.com.ph/2019/05/25/number-of-dropouts-coming-back-to-
school-increasing-deped/
https://radyo.inquirer.net/70029/dropout-rate-tumaas-dahil-sa-kakulangan-
sa-classrooms
https://www.manilatimes.net/2019/09/26/campus-press/grade-6-nat-scores-
at-low-mastery-level/621772/

You might also like