You are on page 1of 1

Iba’t-ibang Uri ng Teksto

1. Impormatibo
-ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari,
bagong paniniwala at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay
nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan.
Hal. Mga kasaysayan, mga balita
2. Argumentatibo
- Ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng mga
proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa
tanong na bakit.
Hal. Mga editorial
3. Persuweysib
- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
- Hal. Mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisement
4. Naratibo
- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng
nagsasalaysay. Tumutugon sa tanong na paano at kailan.
- Hal. Mga akdang pampanitikan
5. Deskriptibo
- Ito ay nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, at bagay. Madali itong makikilala
sapagkat ito ay tumutugon sa tanoong na Ano.
- Hal. Mga lathalain, mga akdang pampanitikan
6. Prosidyural
- Ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkaksunod-sunod ng
hakbang ng alinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang
Gawain. Naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.h

You might also like