You are on page 1of 5

Ma,

Una po sa lahat maraming salamat po


sa kabutihan mo saaming
magkakapatid.Hindi ko po alam kung
paano ko kayo mapapasalamatan sa mga
sakripisyong ginagawa ninyo para saamin
para lang mapakain kami sa araw-araw.
Ito napo yung hinihintay nating lahat ,
yung makagraduate ako ng JUNIOR
HIGH SCHOOL. Unti unti ko na pong
nakakamit ang mga pangarap ko, konti
nalang kembot ma , makakapagtrabaho
at makakatulong nako sa inyo ni
papa.Mama thank you din po dahil ikaw
lang yung nagiging kakampi ko sa lahat
ng bagay at ikaw lang din po yung
handang makinig sakin kapag may
problema ako.Ikaw po yung THE BEST
MAMA/MOMMY para saakin at hinding
isang ina dahil IPAGSISIGAWAN KO
PA PO SA hindi po kita kayang itanggi o
itakwil bilang BUONG MUNDO NA
IPINAGMAMALAKI KITA AT
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL PO
KITA. Sorry ma,kung ilang beses nakong
nakakapagsinungaling sa inyo at sorry
din po kung dahil sakin ay nakakapag
away kayo ni papa . Hindi man po ako
yung perpektong anak o kapatid ay
ipinapangako ko po na gagawin ko ang
lahat ng aking makakaya para
makapagtapos ako ng SENIOR
HIGHSCHOOL at makamit ko ang
aking/ating pangarap.Ipinapangako ko
po sa inyo lalo na sayo na kapag
nakapagtapos ako ng pag aaral ay
tutulungan ko kayo at ako na ang
magpapaaral kay bebe kapag nagkaroon
na ako ng magandang trabaho . Hindi
man po kami gaanong kaclose ni papa
ngayong Malaki na ako pero sya po yung
papa na kaya kong ipagmalaki sa lahat
ng tao.Maraming maraming salamat po
sa pag aaruga,pagaalaga,pagmamahal at
sa walang sawang pag unawa . Kayo po
ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay .
Ahm salamat din po dahil di mo kami
tinuruang lumaban o gumanti sa kapwa
dahil nga po ito ay masama . Pinalaki
nyo po kaming may takot sa dyos .
Nagpapasalamat din po ako dahil hindi
ko naranasan sa inyo ni papa ang
pagbuhatan ng kamay o pagsalitaan ng
masasakit na salita lalo nap o yung di
naming maranasan na magutom o
mangalakal para lang may makain .
Thankfull din po ako dahil kahit alam ko
pong napapagod kana sa arawaraw na
pagtatrabaho o pagraraket raket para
lang may maipakain saaming
magkakapatid sa loob ng tatlong beses sa
isang araw at hindi kappa rin po tumitigil
kahit na sumakit na ang braso at mga
kamay at binti ninyo kakalakad at
kakahanap ng bagong raket. Hindi ka po
pwedeng tumigil ng isang araw sa bahay
dahil nga po iniisip mo kung saan tayo
kukuha ng pang tustos sa mga kailangan
natin sa araw araw . SALAMAT PO
TALAGA SA INYO NI PAPA,wala
nakong masabi ma kundi salamat dahil
nasa inyo na po lahat ng kabutihan ng
isang magulang.Basta lagi po ninyong
tatandaan na LOVE NA LOVE NA
LOVE 1000,000,000,000,000,000,000x
NA LOVE KA NAMING LAHAT at
andito lang po kami palagi para sayo .
Handang patawanin at pasayahin ka sa
lahat ng oras . BE CAREFUL AS
ALWAYS.ILOVEYOU<3

-Arabella Tolentino
s

You might also like