You are on page 1of 10

Ni Dr. Jose P.

Rizal
Kapagka ang baya'y sadyáng
umiibig
Sa kanyáng salitáng kaloob ng
langit,
Sanglang kalayaan nasa ring
masapit
Katulad ng ibong nasa
himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang
kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga
kaharián,
At ang isáng tao'y katulad,
kabagay
Ng alin mang likha noong
kalayaán.
Ang hindi magmahal sa
kanyang salitâ
Mahigit sa hayop at malansáng
isdâ,
Kayâ ang marapat
pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na
nagpalà.
Ang wikang Tagalog tulad din
sa Latin
Sa Inglés, Kastilà at salitang
anghel,
Sapagka't ang Poong maalam
tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay
sa atin.
Ang salita nati'y tulad din sa
iba
Na may alfabeto at sariling
letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng
sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng
dakong una
KARAGDAGANG IMPORMASYON:
Ang Sa Aking Mga Kabata ay isang
tula na nakasulat sa wikang Tagalog
tungkol sa pag-ibig ng isang tao sa
kanyang katutubong wika. Madalas na
pinapalagay na ginawa ito ni Jose Rizal

ang Pambansang Bayani ng Pilipinas at


sinasabing naisulat niya noong 1869 sa
gulang na walong taon at unang tulang
ginawa ni Rizal.
Bagaman, may ilang mga
dalubhasa sa kasaysayan na
nagsasabing walang patotoo na si Rizal
ang may-akda ng tula at panlilinlang
ito. Pinaghihinalaan ang mga makatang
sina Gabriel Beato Francisco o
Herminigildo Cruz ang tunay na may-
akda.
A. PAGLINANG SA TALASALITAAN:

Ibigay ang kahulugan ng mga ss.


Gawing gabay ang mga letra sa kanan:

1.Kabagay – K __ P __ R __ S
2.Maalam – M __ __ U N __ __ G
3.Naggawad – N __ G H __ N __ O G
4.Sigwa – U __ N __ S
5.Lunday – B A __ G __ A
B. SA IYONG PANG-UNAWA
Suriin ang tula. Tukuyin mo ang
kasabihang ginamit ni Jose Rizal.
Ilahad mo ang tiyak na kaisipan na nais
nitong ipabatid.

Sa Aking Mga Kabata

KASABIHAN

_____________ KAISIPAN
_____________

You might also like