You are on page 1of 1

MAGDALENA

Malalim na gabi, maliwanag na buwan

mapulang labi, maikling kasuotan

Magdalena ho ang aking ngalan

ngunit ang tawag sa akin ay bayaran

Hatid koy' ligaya sa kalalakihan

Kapalit ang aking buong katauhan

upang si bunso ay may pang laman tiyan

at baon pa para sa kinabukasan

Rinig ko ang kanilang bulungbulungan

pasok sa kaliwa at labas sa kanan

hindi nila alam ang katotohanan

ako'y biktima lamang ng kahirapan

Nangarap din ako tulad ng kabataan

guro, inhinyero, gusto kong makamtan

ngunit iba ang aking naging kapalaran

maling direksyon ang aking natunguhan

Tanging hiling ko lamang ay ako'y tignan

sa mga mata ng hindi hinuhusgahan

dahil tulad ng ibang mga kababaihan

ang nais ko rin ay mapahalagahan

Ni: Jane Rodriguez


BSA 2-2

You might also like