You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES}

Province of Masbate
City of Masbate } s.s.
x-----------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO si, Alora Antonio, nasa hustong gulang, may asawa,


may paupahang mga kwarto or unit, at kasalukuyang naninirahan
sa Purok 3, Barangay Ibingay, Masbate City, matapos
makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay nagpapatunay at
nagpapatibay na:

1. Nangungupahan sa isang kwarto o unit ko si Edgar Ablao o


“Waway” kasama ang anak, at live-in partner niya na si
Karla May Discaya o “Am-am”;

2. Pebrero 12, 2020 eksakto alas-5:10 ng umaga, ako ay


biglang nagising dahil narinig ko na may nagtatakbuhan sa
labas ng aming bahay.

3. Sa oras ding iyon ay narinig ko na may malakas na tunog


ng hampas ng pinto sa katabing kwarto na aking
pinauupahan;

4. Ako ay nagmamadaling lumabas at nakita ko na may mga


tao at nagpakilalang “intel” at hinahanap sa akin si Waway;

5. Napansin ko din sa oras na yun na nabuksan na ang pinto


ng inuupahang kwarto ni Waway at Am-am at may
nakatayo na sa harap ng kwarto;

6. Nang makita ako ng “intel” ako ay nagpakilala bilang may-


ari ng mga paupahang kwarto or unit at tinanong nila ako
kung alam ko kung nasaan si Waway;

7. Sinabi ko sa kanila na hindi ko alam ngunit narinig ko ng


gabing iyon na nag-aaway si Waway at si Am-am at
halatang umalis;

8. Napansin ko din na umalis ang mga pulis pasado alas-10


na ng umaga;
9. At kusang-loob ko na isinasagawa ko ang mga nasasaad sa
salaysay na ito pagkatapos na maipaliwanag sa akin ang
legal na epekto nito na lubos kong nauunawaan.

Sa KATUNAYAN ay nilagdaan ko ito ngayong ika-_______ ng


Marso, 2020, dito sa Masbate City.

ALORA
ANTONIO

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-


_______ ng Marso, dito sa Masbate City.

You might also like