You are on page 1of 1

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES}

Province of Masbate
City of Masbate } s.s.
x-----------------------------------------x

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO si, Edmund Dela Pisa, nasa hustong gulang, may asawa, may
trabaho, at kasalukuyang nangungupahan sa Purok 3, Barangay Ibingay,
Masbate City, matapos makapanumpa ng sang-ayon sa batas ay
nagpapatunay at nagpapatibay na:

1. Kabitbahay ko si Edgar Ablao o “Waway” at Karla May Discaya o “Am-


am”;

2. Katulad nila, ako at ang aking pamilya ay nangungupahan din sa


isang kwarto o unit na pag-aari ni Ginang Alora Antonio;

3. Pebrero 12, 2020 bandang alas-5 ng umaga ako ay biglang nagising


at may narinig ako na malakas na kalabog ng pinto sa katabing
kwarto ng aking inuupahan;

4. May kumatok din sa aming kwarto at nagtanong kun alam ko kung


nasaan si Waway ngunit sinabi ko sa nagtanong na hindi ko alam;

5. Napansin ko sa labas na may mga tao at may parang hinahanap;

6. Napansin ko din ng mga oras na iyon na nakabukas na ang pinto ng


inuupahang kwarto ni Waway at Am-am at may nakatayo na sa harap
ng kwarto nila; at

7. At kusang-loob na isinasagawa ko ang mga nasasaad sa salaysay na


ito pagkatapos na maipaliwanag sa akin ang legal na epekto nito na
lubos kong nauunawaan.

Sa KATUNAYAN ay nilagdaan ko ito ngayong ika-_______ ng Marso,


2020, dito sa Masbate City.

EDMUND DELA PISA

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-_______ ng


Marso, dito sa Masbate City.

You might also like