You are on page 1of 5

Ang Lisyang Edukasyong Pilipino

Ni Renato Constantino
(Malayang Salin ni Luisa Maria Martinez)
Pangkat Tatlo

Makabayang Pagkilos sa Edukasyon


Ilang taon na ang lumipas nang ipinaglaban ang kahilingan na kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa
mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Dumating ang oras na pumanig ang mga
mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna. Karamihan sa mga iskolar at ekonomista ang
nagsaad na gumawa agad ng aksyon para sa paglaya ng ating ekonomiya. Mas binibigyang pansin ng mga
lider sa edukasyon ang pagpapaganda ng kalidad ng edukasyon at mga kasangkapan na
makakapagpagpahusay sa pagtuturo ngunit hindi nila ginagawan ng paraan upang maging makabayan ang
edukasyon. Nakakalungkot ang kalagayang ito dahil ito ang dahilan kung bakit walang kaalam-alam sa
mga suliranin ang mga mamamayan at dahil dito’y wala rin silang nagiging pakialam sa kapakanan ng
ating bansa.

Mga Bagong Pag-unawa


Nagbago ang pananaw ng ilang pampulitika at pang-ekonomiyang lider nang muli nilang suriin ang
ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos noong pagsapit ng ika-20 siglo. Ang kanilang pagkilos ay
isang pagtatangkang pagtuwid sa pagkakamali ng mga naunang lider at tapusin ang sinimulan na pagkilos
ng ating mga rebolusyonaryong lider noong 1896. Ngunit patuloy pa ring tinitignan ng karamihan sa ating
mga lider sa edukasyon ang pamamaraan ng mga sundalong Amerikanong naging unang guro at bahagi
ng hukbong sumakop sa ating bayan. Ang sistemang ito na pinairal ng mga Amerikano ay kinailangang
umakma at sadyang iniakma sa pangangailangang pampulitika at pang-ekonomiya ng kolonyalismong
Amerikano. Hangga’t may nagnanais na maghimagsik na mga mamamayan ay hindi tagumpay ang
paggapi sa isang bansa. Ito’y naging malinaw ng sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Napagtanto ng mga propagandistang Hapones na mahalaga na makuha ang
kaisipan ng tao. Kung sila ay nagtagal pa sa Pilipinas, ang mga batang kanilang pinag-aaral ay napunan
ng matibay na pundasyon sa kanilang planong ipailalim ang buong Silangang Asya sa kanilang
kapangyarihan. Sa ganung paraan ay maaaring mahubog ang mga bata na maging sunud-sunuran mga
patakaran ng imperyalistang Hapones.

Ang Pagbihag sa Kaisipan


Edukasyon ang nagsilbing sandata sa mga digmaan tuwing sinasakop ang mga bansa kaya ang
pagkahubog sa kaisipan ang pinakamabisang paraan ng pananakop. Ito ay batid ng mga Amerikano noong
panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano. Sang-ayon sa Sensus noong 1903: Umakyson si Heneral Otis
sa muling pagbubukas ng mga paaralan at sakanya ang desisyon ng mga aklat na gagamitin. Kinailangan
nilang humanap ng paraan upang mapayapa ang kalooban ng mga taong umaasa sa kalayaan sapagkat
sila’y nagkaroon ng bagong mananakop. Edukasyon ang naging daan upang maisagawa nila ang
pagpapayapa ng kalooban ng mga tao kaya ang Amerikanong sistema ng paaralang publiko sa Pilipinas
ay kanilang inilunsad. Sa suhestiyon na magkaroon ng malaking badyet para sa edukasyon, sinabi ni
Heneral Arthur MacArthur: ang pondo na iminumungkahi ay bahagi ng operasyong militar upang
makatulong sa pagpapakalma sa mga mamamayan upang matamo ang katahimikan sa buong kapuluan.

Ang mga Ugat ng Edukasyong Kolonyal


Una palang, sistema ng edukasyon na ang ginagamit upang lupigin ang mga mamamayang nag-aaklas
laban sa mga mananakop na nagkukunwaring kakampi. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng
kolonyalismong Amerikano ay isang kasangkapan ng patakarang kolonyal. Ang hubugin ang mga
pilipino na maging sunud-sunuran sa patakarang ito sa murang isipan ay kailangan ayon sa kaisipang
Amerikano. Unti-unti nitong nabago ang mithi ng mga Pilipino na mag-aklas. Edukasyon ang naging
paraan upang maakit ang mga mamamayan sa bagong panginoo, binabago ang kanilang pagiging
makabayan na kakatapos pa lamang magtagumpay laban sa dayuhang kapangyarihan. Ang sistemang
edukasyon ng Amerikano ay inilunsad bilang daan sa matagumpay na paglupig. Gaya ng sinabi ni
Ginoong Charles Burke Elliot sa kanyang librong The Philippines:

Para sa maraming Amerikano, waring kakatuwa ang imungkahi ang paggamit ng


alinmang wika maliban sa Ingles sa mga paaralang wumawagayway ang kanilang
bandila. Ngunit sa paaralan ng India at sa iba pang bansang nasa ilalim ng
pagkakandili ng Kalakhang Britanya at sa lahat halos ng kolonyang bansa ay pinanatili
ang paggamit ng wikang katutubo sa paaralang elementarya. Dahil dito’y napulaan
ang Estados Unidos na sapilitan nitong ipinagagamit ang kanyang wika sa
mamamayang walang kakayahang tumutol.

Siyempre, ang gayong sistema ng edukasyon na mga Amerikano ang nagplano ay


magtatagumpay lamang sa ilalim ng pangangasiwa ng mga gurong Amerikano
yayamang ang mga gurong Pilipinong sinanay sa mga pamamaraan ng Kastila ay
hindi maalam ng wikang Ingles.

Madaling isinaayos sa Estados Unidos ang pagpapatala ng mga gurong sundalo. Sa


simula ay kompa-kompanya ang pagpapatala ng mga guro, ngunit nang lumaon ay
bata-batalyon na. Ang barkong Thomas ay iniakma para pagkargahan sa kanila at
noong Hulyo, 1901 ay naglayag ito mula San Francisco na may lulang anim na raang
guro—ang ikalawang hukbong panalakay—na talagang ang pinakapambihirang
kargamentong dinala sa isang kolonyang bansa sa Silangan.
Pagtatanim ng mga Amerikanong Institusyong Pampulitika
Ang Institusyong pampulitikong pilipinas ay gayang-gaya sa Estados Unidos. Hindi na-ibigay ng pag-asa
ang bansang Pilipinas na gumawa ng sariling Depinisyon o Pilisopiya ng “politikong pang-pilipino”.

Pangangailangan ng Muling Pagsusuri


Ginaya ng Pilipinas ang ideya ng kanluraning edukasyon na ang edukasyon ay magiging huwaran para sa
ikakaunlad ng isang bansa. Ang edukasyon ay hindi para magpalaganap ng impormasyon, ihiwalay sa
lipunan at sa kalagayan ng bansa kundi sa pag-uunlad ng lipunan, ekonomiya, pulitika at kultura.

Pagtataglay ng Kanlurang Pananaw


Dahil makapangyrihan ang Estados unidos, hindi ito nangailangan mag-bigay diin sa edukasyon para
umunlad. Hindi ito gagana sa pilipinas sa kadahillan na ang ganitong pag-iisip ay gagana lang lamang sa
may pagka-nasyonalismo. Ginagamit ang bansang Pilipinas para lang linangin at pagsamantalahan ang
mga dayuhan na mas makapangyarihan.

Mga Pilipinong Maka-Dayuhan


Naging matagumpay ang mga kolonista na kumbinsihin ang mga Pilipino na sila’y pala ang nag-dala ng
napakaraming tulong habang ito’y tinago ang kanilang mga kalupitan. Ang interes ng dayuhan ay nagging
interes rin ng mga pilipino sa paniniwala na hindi uunlad ang bansa kung hindi pinakaelaman ng mga
dayuhan.

Ang Suliranin ng Wika


Ang pinakamalaking problemang rumirindi sa sistema ng edukasyon ng Pilipinas ay ang usapin ng wika.
Masyadong malalim ang pagkagumon nating mga Pilipino sa kolonyal na edukasyon sa puntong mas
marami pa ang tutol sa paggamit ng sarili nating wika sa edukasyon kumpara sa pabor dito.

Hadlang sa Demokrasya
Ang wikang Ingles ay lumikha ng agwat sa pagitan ng mga nasa poder at masa. Naging simbolo ito ng
mataas na katayuang panlipunan at bumaba ang tingin sa katutubong wika. Ngayon, karamihan sa masa
ay hirap gumamit ng Ingles at hirap rin gamitin ang katutubong wika sapagkat nahadlangan ang pag-
unlad nito. Dahil sa kakulangan ng masa sa pag-unawa sa wikang Ingles, nadadala na lamang sila sa mga
magagandang salita bagama't hindi alam ang kahulugan nito. Ito ay isang hadlang sa demokrasya.

Mga Balakid sa Pag-iisip


Ang paggamit ng dayuhang wika ay sagabal sa pagtuturo. Sa halip na tuwirang matuto ang bata sa
pamamagitan ng katutubong wika ay kailangan muna niyang matutunan ang wikang banyaga, maisaulo
ang talasalitaan, mabihasa sa tunog, indayog at banghay ng mga salita na pagkatapos ay isinasantabi
lamang paglabas ng paaralan. Naging mekanikal ang paraan ng pag-aaral. Pangkalahatang ideya lamang
ang natututunan ng mga mag-aaral at hindi nagkakaroon ng malalim na pag-unawa. Hirap din sa
pagpapahayag ng saloobin at nababaog ang pag-iisip. Napabayaan ang ating Surian ng Wikang Pambansa
na dapat sana maging isang pangunahing haligi ng isang malayang bansa. Samakatuwid, ang wika ay
pangunahing suliranin. Bukod sa pagiging wikang panturo ng pambansang wika ay marami pang ibang
usapin na kailangan nating pagtuunan ng pansin.

Ang Pribadong Sektor


Bago pa man ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay mababa na ang tingin ng mga nakapagtapos sa
pampublikong pampaaralan sa mga nakapagtapos sa pangpribadong paaralan. May mga exclusive private
institutions man ay para naman sa may-kaya ngunit hindi ito sumasalamin sa mataas na kalidad ng
pagtuturo kundi mataas na katayuang panlipunan. Nangyari na ang pampublikong paaralan ay paaralan ng
mahihirap na estudyante at ang may mga kaya o iyong nagkukunwaring may-kaya ay sa pribadong
paaralan. Kaya di kataka-taka na nagbunga ito ng paglakas ng pribadong edukasyon dahil sa pagiging
malakas na negosyo. Sa paglakas ng pribadong edukasyon agad ito nagbunga ng komersiyalisasyon o
pagiging negosyo ng edukasyon at ang paglaki ng ilang pribado na pinatatakbo ng dayuhan. Nitong
nakalipas na taon, ipinagkaloob ng gobyerno ang kalayaan na magsagawa ng sariling kurikulum. Ang
resulta nito, bukod sa pinatunayan na pakikialam ng estado sa de-kahon na edukasyon, ay maaring
wasakin ang makabayang adhikain lalo't pag nasa pagmamay-ari ng dayuhan. Palalabuin lamang nito ang
makabayang adhikain pagkat nakapokus lamang ito sa komesiyalisasyon.

Iba pang mga Dayuhan ng Edukasyon.


Ang anomang matamo ng edukasyon ay winawasak ng mass media at ng mga instrumentong pangkultura,
tulad ng mga pelikula, komiks, balita na halos lahat galing sa Estados Unidos. Ang resulta nito ay
nagiging utak kolonyalismo na halos kultura na ng mga Amerikano na nagiging balakid sa pansarili
nating kaunlaran.

Kailangan: Mga Pilipino


Ang edukasyong Pilipino ay dapat maging Pilipinong edukasyon. Dapat nakabatay sa layunin at adhikain
ng bansa. Ang pangunahing layunin nito ay makahubog ang isang mamayan na may malasakit sa bansa
na papaunlarin ang buong lipunan at di lamang mga sarili.

You might also like