You are on page 1of 1

Keyza C.

Vicente BSED Filipino II A

Tertulya ng Wika: Wikang Katutubo, Wikang Madayaw


Ang ating bansa ang binubuo ng iba’t ibang tribu na kung saan ito ay ang naging
tulay upang makabuo tayo ng mayaman na kultura. Ang wika ay kaakibat ng kultura na
siyang sumasalamin sa ating identitad bilang Pilipino. Wika at kultura na angkop sa isa’t-isa
ang naging daan upang tayo ay magka isa.
Sa naganap na Tertulya ngayong taon ay mas nabigyang linaw para sa akin ang mga
kasaysayan ng ibang tribu na meron dito sa ating lokasyon, mas nabigyang pansin ang mga
wika nila na kung pakinggan ay simple lamang ngunit ito pala ay may malalim na kahulugan
sa kanila. Minsan sa ating buhay hindi natin binibigyang lugar ang mga wika dahil mas
nangingibabaw sa atin ang materyal na bagay kaysa ating kultura. Sa pamamagitan ng
diskusyon na iyon ay na bigyang linaw sa akin ang mga bagay-bagay. Kagaya na lamang ng
mga tradisyon ng mga tribung Mandaya, Kagan, Tausog at Iranun.
Ako bilang isang Mandaya ay mas natutuhan ko na bigyang atensyon ang aking Wika
dahil ito ang imortanteng kasangkapan upang tayo ay magkaintindihan gamit ang Wikang
Katutubo. Ako ay nasiyahan sa mga nasaksihang Tertulya dahil nakita ko kung paano ka
Mahal ng mga tagapagsalita ang kani kanilang mga Wika, hindi nila kaylan man ikahihiya
ito. Naramdanam ko ang mga salitang PAGYABUNGIN AT PAUNLARIN habang ako ay
nakikinig sa kanilang mga kaalaman. Napukaw ang aking natutulog na isipan tungkol sa
yaman ng wika. Sana ay manatili ang ating respeto sa mga wika dahil ito ang ating buhay.
Wag natin itong ikahiya dahil nararapat lamang na atin itong ipreserba at pangalagaan ng
husto para hindi ito mawala. Kung ako ay bibigyan ng pagkakataon na marinig ulit sila ay
hindi ako mag dadalawang isip na dumalo dahil karapat dapat silang pakinggan dahil sa
masining nila na pagpresenta ng kanilang paksa. Hindi ako nagsisi dahil alam ko sa sarili ko
na may natutuhan ako sa Tertulya. Ako bilang isang studyante ninanais ko na mas maging
malawak pa ang aking saklaw sa pagkatuto ng Wikang Katutubo partikukar dito sa ating Isla
Mindanao. Atin itong ituring bilang ating kayamanan na kahit kaylan ay hindi makukuha sa
atin.
Sa huli ay nalaman ko ang kanilang mga tungkulin bilang tagapagsalita dahil sila ang
mga instrumento ng kaalaman lalo na sa kultura. Ako ay nagpapasalamat na may ganoong
diskusyon dahil mas nakikilala namin ang aming sariling wikang katutubo. Ang simpleng
paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng pagpapahalaga. Ating
gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-galang o ginagalang
ng lahat at tayo'y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may tiwala
sa isa't-isa.

You might also like