You are on page 1of 2

Sa paaralan ng Caucasus, may isang gurong nagngangalang Aphrodite, mapapansin mo sa kanya

na talagang kabigha-bighani siya sapagkat ang pisikal niyang kaanyuan ay totoong kahanga-hanga.
Mapapansin agad sa kanya ang balingkinitan niyang pangagatawan at pagkakaroon ng maputi, makinis
at magandang hitsura. Nguni’t mapapansin mo din na siya ay palagi lamang mag-isa, wala siyang kasama
at kaibigang kapwa niyang guro pati na din sa kanyang klase ay walang nais na maging malapit sa kanya

Unang araw ng pasukan, may bagong mag-aaral ang napadagdag sa kanyang klase at ito ay si
Athena. “Magandang umaga! Magsi-upo na kayo at magsi-tahimik” sambit ni Aphrodite na mayroong
malakas at katakot-takot na tono ng pagbati. Agad namang nagsi-tahimik ang buong klase. “Ipakilala
ninyo ang inyong mga sarili” dagdag pa nito. Nagsunod-sunod na nga ang pagpapakilala ng mga mag-
aaral at ang huling nagpakilala ay si Athena.

“MagaNdang umaga sa inyong lahat, Ako po si Athena at ako po ay mayroong patas na


katangian, hindi ko po hinahayaang mayroong naapakan na tao at hindi makatwirang pakikitungo ng
isang tao sa kanyang kapwa, Salamat po! “ pagpapa-kilala niya sa kanyang sarili. Si Athena ay anak nina
Zeus, ang hari ng mga Diyos, at ni Pandora, ang unang babaeng tao. Ang kanyang mga magulang ay may
kaakibat na mga kapangyarihan at ipinagtataka niya na ni kaunti ay wala siyang natanggap at namana
mula sa kanyang mga magulang. Siya ay may malinis na puso at matalas na kaisipan.

Isang araw ay maagang nagsimula ang gurong si Aphrodite ng kanyang klase. Habang nagtuturo
siya ay biglang pumasok si Epimetheus ng luhaan, agad namang dumagundong ang sigaw ni Aphrodite
na nagsasabing “Wala kang karapatang pumasok sa aking klase! Hindi ko nakikilala ang mga huling
pumasok sa aking klase!”. Namanting ang tenga ni Athena sa pagkakataong iyon. “Nahuli po ako
sapagkat ang kapatid kop o na si Prometheus ay nasa Ospi...” luhaang pagpapaliwanag ni Epimetheus
ngunit pinahinto na agad ito ni Aphrodite “Lumabas ka sa silid na ito! Hindi ko kailangan ang paliwanag
mo!”. Laking awa ang nadama ni Athena at naramdaman niyang may kailangan siyang gawin sa
pagkakataong iyon.

Habang naglalakad pauwi si Athena ay nabatid niya ang batis at dito siya ay bumulong at
humiling, “Bigyan nyo po ako ng pagkakataong maging daan ng pagbabago ng isang taong may matigas
na puso”. Ginawa niya ito kahit na alam niyang walang kasiguraduhan na may makikinig dito.

Panibagong araw, nagkaroon ng isang recitation si Aphrodite at alam niyang masasagot ito ng
kanyang mag-aaral sapagkat ito ay kanyang sinabi. Tinawag si Hermes, wala siyang naisagot sa
katanungan ni Aphrodite sapagkat siya ay mayroong sakit noong gabi bago ang araw na iyon. Ikinagalit
ito ni Aphrodite, “Lumabas ka! Wala akong paki-alam sa karamdaman mo! Maging isa kang mag-aaral na
responsible!” sigaw nito. Nagpanting ang tainga ni Athena at sumigaw, “ Sa pagkakaroon mo ng matigas
na puso! Sana manigas ang buong katauhan mo!” Agad namang nanlamig at nanigas si Aphrodite siya ay
nag mistulang isang yelo na isang malamig at matigas. Lumabas ang tunay na kakayahan ni Athena dahil
sa sobrang pag-kaawa at pagkakaroon ng malambot na puso.

Ang huling sinambit ni Aphrodite ay “ Kalooban ay mas mahalaga sa panlabas na Kaanyuan,


matigas na puso ay walang magandang kahihinatnan” natunaw

You might also like