You are on page 1of 1

IVAN JAY O.

CARUMBA

Ang LGBTQIA ++ at ang Kanilang Adbokasiya na Magkaroon ng Sariling


Pampublikong Banyo

Ang LGBTQIA++ ay nangangahulugang - Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender,


Queer, Intersex, Asexual at iba pang terminolohiya tulad nang "U" para sa "unsure";
"C" para sa "curious"; "T" para sa "transvestite"; "TS" o "2" para sa "two-spirit"
persons; at "SA" para sa "straight allies".

Isang napapanahong tanong na tatalakayin ko ngayon ay kung papayag ba


ako na ang mga LGBTQIA++ ay may karapatan upang magkaroon ng kanilang
pansariling pampublikong banyo.

Ang sagot ko ay oo pero ito ay dapat lamang sa mga transgender. Para sa


akin kasi ang mgapag-iisip ng mga transgender ay ganap na silang babae kung hindi
man sa pangangatawan, ay sa diwa at kanilang isip. Bakit ba kailangan nating
hadlangan ang kanilang gusto na gumamit ng pampublikong banyo ng mga babae?
Mas nakaka asiwa siguro kung sa tingin nila ay isa na silang ganap na babae pero
gagamit sila ng banyo naming mga lalaki.

Para sa akin, ang lalaking banyo ay para lamang sa mga lalaki at ang mga
pambabaeng banyo ay para lamang sa mga babae. Kung sa tingin ng isang tao ang
kanyang pagkatao ay isang lalaki nararapat syang gumamit sa panglalaking banyo
at kung sa tingin naman ng isang tao ay siya ay isang babae nararapat din lamang
na bigyan natin siya ng karapatan upang gumamit sa pambabaeng banyo. Mas
nakaka asiwa naman siguro kung isang binabae tulad ng mga transgender ay
gumamit ng banyo naming mga lalaki. Alam naman kasi naming babae na din
lamang ang tingin nila sa kanilang sarili, at alam ko rin sa sarili ko na babae rin ang
tingin ko sa kanila.

Sa panghuling puntos, nais ko lamang iparating na lahat ng tao ay may mga


karapatang dapat nating respetohin. Isa na dito ay ang pangunahing karapatan nila
na respetuhin ang kanilang sariling pagkakilanlan.

You might also like