tuwina ay ipinagdarasal nila ang pagmamahalang ito upang lalo pang yumabong. Mahal na mahal ni Manuel ang asawa lalo pa dahil dinadala nito ang binhi ng kanilang pag-iibigan.
Naglalakad sila pauwi galing sa simbahan nang
mapansin ni Edna sa gilid ng daan ang lansones puno ng na hitik na hitik sa bunga. Niyaya niya ang asawa at buong takam na tinanaw-tanaw ang mga bunga. Nang hindi na makatiis ay nagmakaawa ito na ikuha siya ng ilang butil ng bunga. Tumanggi si Manuel sapagkat alam niyang lason ang bungang iyon at tiyak niyang agad mamamatay ang asawa kapag kumain nito. Nangako na lamang si Manuel na ipipitas niya si Edna ng manggang manibalang sa kanilang duluhan. Naglilihi si Edna at iyon ang kanilang unang anak, kung kaya’t lalo pang maselan ang kalagayan nito. Walang imikang umuwi ng bahay ang mag-asawa pinansin ang manggang manibalang na pinitas para sa kanya. At lahat ng pagkaing ialok ay tinatanggihan.
Hindi na kumakain si Edna. Hindi na din
kumikilos sa bahay. Lagi na lamang itong nakahiga at ni ayaw magsalita. Nabahala na ng labis si Manuel. Lahat na nang pang-aalo at paglalambing ay kanyang ginawa ngunit ayaw siyang pansinin ni Edna. Habag na habag si Manuel sa asawa. Ang payat na payat na nito dahil sa di pagkain. Wala na ang mamulamula nitong pisngi at mga labi, ang mga bilugang braso, binti at balakang. Tila isa itong papel na nakalatag sa kanyang higaan. Mistulang