You are on page 1of 4

Joeccn Lei Pious C.

Cucharo Grade X - Rizal

Naalala ko pa noon ang unang pagpasok mo sa aming silid-aralan sir na kaming

lahat ay nanginginig dahil marami ang nagsabi sa amin na ikaw ay mag-oral sa aming at

sa iyong anunsyo na "I will be your AP teacher whether you like it or not. We will have an

oral recitation tomorrow". Doon na nagumpisa ang aking panginginig tuwing ikaw ay

mag-oral recitation sa amin.

Akala namin na ikaw ay isang striktong guru pero hindi pala. Kabaliktaran pala

ikaw ay mabait at matulungin na tao. Medyo ako'y nahihirapan sa iyong mga chapter

test dahil ang ibibigay mo lang ay isang walang sulat na papel. Kami ay sumali sa isang

jingle contest kung saan kami ang nagwagi. Susunod naman diyan ang pakikipag debate

sa iba kung ang brain drain ay isang biyaya o pinsala na kung saan ako ay natalo. Naalala

ko rin nong kami ay nagkaroon ng role play at kinhuaan mo ako ng litrato dahil ako ay

gumapang sa sahig. Sinabihan niyo din kami na "soldier" pagkatapos ng aming jamboree

sa NSC. Talagang hindi ko malilimutan ang pagiging palabiro mo sir sa amin at

binibigyan niyo po kami ng oras kung kami ay abalng-abala sa aming mga ginagawa.

Hindi ko talaga malilimutan noong kami ay nakikipagpanayam sa ibang tao ukol sa

kaniyang karanasan ng kanyang sarili. Talagang kami ay nahihirapan dahil wala kaming

ibang makita sa bakla at tomboy.At ang panghuli ang kabisaduhin ang UDHR at ang

Preamble.

Sa mahigit sampung buwan na pagsasama at pagiging isang napakagaling na

guru ay marami rin akong natutunan at natuklasan. Hindi mo kami pinarusahan kundi

pinsaya niyo kami sa pamamagitan ng iyong mga biro na sinasabi sa amin.


Gayunpaman, iniingatan na namin ang isa't isa at binibigyan na namin ng halaga

ang pakikipag salamuha sa ibang tao dahil malapit ng matapos ang school year na ito.

Talagang hindi namin malilimutan ang mga alaala kasama ka sir. At ako ay taos pusong

nagpapasalamat sa iyo Sir Greg sa pagturo sa amin at pagiging isang mabuting guru na

palabiro.
Eurayle Kyrie B. Abad Grade X - Rizal

Unang araw pa lamang sa pasukan,kami ay agad nang nagulat dahil sa anunsyo ni

sir Greg na "I will be your AP teacher whether you like it or not. We will have an oral

recitation tomorrow". Simula noon,naparami na ang mga oral recitations gayundin ang

aming pagka nerbyosa/nerbyoso.Isa sa mga mahirap na pasulit ang chapter test. At dahil

doon,mas naging masikap ako sa mga gawain sa kadahilanang wala kang masasagot

kung hindi sapat ang iyong kaalaman.

Napasubok kaagad kami sa kompetisyon na jingle. Masasabi kong pinaghandaan

talaga namin nang maayos ang araw na iyon. Napakaespesyal 'yon para sa amin dahil

'yon ang unang kompetisyon at unang panalo ng Rizal.

Marami akong natutunan sa AP 10 kagaya ng Globalisasyon,Human

Rights,Constitutions,Bill of Rights at iba pa. Hindi nagiging "boring" ang talakayan dahil

sa paraan ng pagtuturo ng guro namin.

Isa sa mga nagustuhan kong gawain ay ang debate at pagsasaulo. Napagtanto ko

na kaya ko pala ito kapag pinagsisikapan. Aminin man natin o sa hindi,mahirap talaga

ang magsaulo ng napakahabang talata. Mahirap din makipag argumento sa taong iba

ang paniniwala. Mahirap din ang magsadula sa harap ng 48 na kaklase. Pero dahil sa

AP10, nagawa namin iyan lahat.

Sa mahigit sampung buwan na pagsasama ay marami-rami rin akong natutunan

at natuklasan. Hindi rin mabilang ang mga pagkakataon na kami ay masaya at ang mga

sitwasyong nakakapagbigay ng nerbyos sa aming lahat.


Lahat ng bagay ay may hangganan lalong -lalo na ngayong magtatapos na ang

batch 2019 - 2020.

Gayunpaman, alam kong ma-iiwan sa amin ang mga alaala at ang mga aral na

nabahagi namin sa isa't - isa at magagamit sa susunod na kabanata ng aming buhay.

You might also like