You are on page 1of 3

APPENDIX II

Informed Consent Form to Students

PAHAYAG SA PAKIKILAHOK SA ISANG PAG-AARAL


EXPERIENCES OF STUDENTS IN GUIDANCE OFFICE IN MUNOZ NATIONAL
HIGH SCHOOL MAIN (SENIOR HIGH SCHOOL)

Panimula:
Ikaw ay inaanyayahang makilahok sa isang pag-aaral na tumatalakay sa iyong karanasan
sa Guidance Office. Ang desisyong makilahok ay nasasa-iyo. Basahing mabuti ang kasulatang
ito at huwag mahiyang magtanong bago sumang- ayon na maging bahagi ng gagawing pag-aaral.
Kung mamarapatin mong makilahok, ang iyong lagda ay hinihiling na ilagay sa huling bahagi ng
dokumentong ito.

Impormasyon Tungkol sa Pag-aaral


Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang mga karanasan mo simula sa pagpasok sa loob
ng guidance office at pakikipag-usap sa guidance coordinator, mga taong umalalay at tumulong
sa iyo at kung paano nabago nito ang mga pangarap mo sa buhay. Bahagi rin nito ang pagbuo ng
isang intervention program na tutugon at makatutulong sa mga pangangailangan ng mga
nakaranas nang manggaling sa guidance office sa senior high school.

Pamamaraan ng Pag-aaral
Kung ikaw ay sumasang-ayon na maging bahagi ng pag-aaral, ang mga sumusunod ang
ating gagawin:
1. Pagsagot ng mga tanong sa semi-structured na pamamaraan at mga ilang
follow-up na tanong.
2. Pagsasagawa ng panayam na tatagal ng isa’t kalahati hanggang dalawang oras
(1 ½ - 2 oras). Maaari rin magtagal ang panayan ng dalawa o higit pang sesyon,
depende sa magiging pangangailangan nito.
3. Ang panayam ay gagawin sa isang silid aralan kung saan walang mga mag-
aaral, o silid aklatan ng paaralan, maaari ring sa tahanan.

Kabutihang Maidudulot ng Pagiging bahagi sa pag-aaral


Ang iyong pakikibahagi sa pag-aaral na ito ay isang malaking tulong sa mga kagaya
mong teenage single mothers na hinaharap ang kanilang buhay sa kabila ng pagiging nag-iisang
magulang sa kanilang anak. Ang iyong maibabahagi ay makakatulong ng malaki sa pagkakaroon
ng malalim na pang-unawa tungkol sa mga kinakaharap ng mga dalagang ina. Ang magiging
resulta ng pag-aaral na ito maging ang mga rekomendasyon ng researcher ay magagamit ng mga
guidance counselors, guidance
coordinators, school administration, mga guro at magulang sa kanilang patuloy na pagtulong at
paggabay sa mga dalagang ina.

Panganib na Maaaring Idulot ng Pag-aaral


Maari kang maging hindi komportable o makadama ka ng kalungkutan sa iyong
paglalahad ng mga karanasan. Subalit sa ganitong paraan ay matutuklasan mo na mainam ang
paglalahad ng mga saloobin dahil ito ay makakaluwag ng iyong damdamin. Ang pakikilahok sa
gawaing ito ay hindi tinuturing na “counseling” o anu mang uri ng “therapeutic” na serbisyo.

Pagiging Lihim ng mga Datos


Mananatiling lihim o confidential ang mga nakuhang impormasyon sa ginagawang pag-
aaral. Ang mga nakuhang impormasyon ay sisinupin at tanging ang mananaliksik lamang ang
may hawak nito. Walang pangalan o anu mang datos ukol sa iyong personal na buhay ang
ilalathala sa ulat ng pag-aaral na ito. Kung ang pag-aaral na isinagawa ay malathala sa mga
educational journals o babasahin, pananatilihing lihim ang mga detalye at walang anumang
pagkakakilanlan ang maaaring tumukoy sa mga naging bahagi ng pag-aaral.

Ang mga gagamiting audiotapes ay susuriin at pag-aaralang mabuti at ang mga pangalan
ng mga taong naging bahagi ng panayam ay babaguhin. Gagawan ng trankripsyon ang bawat
audiotapes na ginamit sa panayam at lalagyan din ito ng code upang di- matukoy ang taong
nagsasalita sa panayam. Ang mga audiotapes na ginamit ay ilalagay sa isang nakakandadong
cabinet at ito ay sisirain matapos maisagawa ang kabuuan ng pananaliksik.

Ang Iyong Karapatan sa Pakikilahok


Ang pagiging bahagi sa pag-aaral na ito ay kusang-loob. May kalayaan kang hindi
sumagot sa mga tanong lalo na kung sa palagay mo ay maglalagay ito sa iyo sa isang alanganing
sitwasyon. Kung magdedesisyon ka na umalis sa pag-aaral na ito, maaari mo itong sabihin sa
gumagawa ng panayam.

Para sa Pakikipag-ugnayan at mga Tanong


Si Jasmin M. Gacutan ang nagsasagawa ng pananaliksik na ito at maaari kang magtanong
sa kanya sa anumang pagkakataon. Kung ikaw ay may mga tanong, maaari mong kontakin ang
mananaliksik sa kanyang cellphone number na 0906-4629323.
Ang nagsisilbing tagapayo ng mananaliksik ay si Dr. Ma. Ruby Hiyasmin M. Malicdem,
RGC, RPm, College of Education, Central Luzon State University.
Pagpapatunay ng Pahintulot:
Ito ay nagpapatunay na aking nabasa at naunawaan ng lahat ng mga impormasyon. Ang
lahat ng tanong ay nabigyan ng paglilinaw ayon sa aking kaalaman. Kung kaya’t ako’y
nagbibigay pahintulot na maging bahagi ng pag-aaral na ito.

_____________________________ __________________________
Pangalan at lagda ng Magulang Pangalan at lagda ng Kalahok

You might also like