You are on page 1of 9

The United Methodist Church

Ecumenical Christian College


Junior High School Department

PROYEKTO
SA
FILIPINO
(1st Sem)

Sinumite ni: Sinumite kay


Hans Miguel Q. De Leon Bb. Carol S. Macapagal

Petsa: Sityembre 11, 2017


PAMAGAT: 1st SEM

I. PANIMULA- nagbukas ang pelikula sa tahanan ng mga Marasigan kung saan ang pamilya

ay paalis upang ihatid ang panganay na anak ni Precy na si Maru sa kanyang

unibersidad sa Maynila.

A. Tauhan- Maru Marasigan- ang protagonist ng kwento

Precy Marasigan- ina ni Maru.

Jairus Marasigan- nakababatang kapatid ni Maru.

Tay Casio- kapatid ni Precy at tito ni Maru.

Mich- kaibigan ni Maru.

Jay Marasigan- bunsong kapatid ni Maru.

B. Tagpuan- Tahanan ng pamilya Marasigan

Dormitoryo sa isang unibersidad sa Maynila

Computer shop

Paaralan ni Jairus

Isang sari-sari store


II. BUOD

Nagsimula ang pelikula sa paghatid ng pamilya ni Maru sa kanya sa isang unibersidad na

kanyang pag-aaralan. Matapos nilang sabihin ang kanilang mga paalam sa isa’t isa ay iniwan na

siya ng kanyang pamilya sa kanyang dormitory.

Kinagabiha’y di makatulog si Maru dahil sa lungkot at pag-aalala sa kanyang pamilya. Si Precy

nama’y nagising isang gabi upang makarinig ng isang ingay na nanggagaling sa kanilang kusina.

Tinignan niya ito at nagulat nang Makita si Maru na dapat ay nasa Maynila. Nagalit ito sa nakita

at pinagalitan ng husto ang anak. Nakiusap at nagmakaawa naman si Maru sa kanyang ina na

wag na siyang palayuin pa upang mag-aral dahil hindi niya kayang malayo sa kanyang pamilya.

Hindi tinanggap ni Precy and pakiusap ng anak at inutusan itong bumalik ng Maynila. Hindi rin

naman sinunod ng kanyang anak ang kanyang utos at tumakbo sa kanyang tay Casio upng

magtago sa bangis at galit ng ina.

Matapos makipag-usap ni Precy sa kanyang kapatid na si Casio, hinayaan na lamang niya ang

anak na gawin kung ano ang gusto nito, ngunit tinadtad niya ito ng utos at giawang parang alipin

sa kanilang bahay. Tinanggap naman ito ni Maru ginawa ang lahat ng kanilang mga gawaing-

bahay. Tuloy-tuloy parin ang pagkasira ng relasyon ng mag-ina.

Isang araw ay nagpaalam si Maru sa ina na magtrabaho sa computer shop dahil nais daw nitong

kumite ng sariling pera. Tutol si Precy sa nais ng anak ngunit sinabing wala naman siyang

magagawa at hinayaan na lamang ito. Nagsimula nang kumalat ang samang-loob ng pamilya

nang Makita ni Maru ang nakababagtang kapatid na si Jairus na naninigarilyo sa kwarto nito.

Pinagalitan niya ito at tsinabihang isusumbong niya ito sa kanilang ina. Dahil dito’y nag-away at

nagpisikalan ang magkapatid. Nakita ito ng kanilang ina at binuhusan sila ng isang timba ng
tubig upang tumigil sa pag-aaway. Tumigil ang dalawa humingi ng paumanhin si Maru sa ina

bago pumunta sa computer shop upang magtrabaho. Noong gabing iyon sa computer shop ay bad

trip parin si Maru at dahil dito’y pinaalis ang ilang naglalaro kahit hindi pa tapos ang oras ng ga

to. May isa pang babae sa dulo at pinapaalis niya rin ito ngunit nakitang si Mich ito. Kinausap

siya nito tungkol sa kanyang mga problema.

Habang nag-uusap ay biglang hinawakan ni Maru ang dibdib ng kaibigan. Nagulat si Mich sa

ginawa ni Maru at umalis na pang magwawalk-out, ngunit tumayo lamang pala ito upang patayin

ang ilaw sa loob ng shop. Nilapitan at hinalikan niya si Maru. Nilapitan din naman siya ni Maru

at nagtalik ang dalawa. Umuwi si Maru sa kanilang tahanan na sobrang saya. Niyakap at

nilambing nito ang ina. Kinabukasan naman ay masaya itong nagpaalam sa dalawang

nakababatang kapaatid. Naguulat nagtaka sina Precy at Jairus sa biglang pagkagalak ni Maru.

Pinag-usapan naman ni Precy atng isa niyang kaibigan ang maaaring nangyayari kay Maru.

Sinabing kanyang kaibigan na posibleng nasa impluwensya ng droga si Maru pero kinontra

naman ito ni Precy at sinabing may takot sa Diyos ang anak.

Isang hapon naman ay may nakitang sigarilyo si Precy sa kanilang bakiuran na direktang nasa

baba ng kwarto ni Jairus. Kinwestiyon nito si Jairus kung siya ba ang gumamit nito ngunit

itinanggi naman ni Jairus ang bintang ng ina. Dahil dito’y galit at nag-aalab ang dadamin ni

Precy na umalis sa kanilang tahanan upang puntahan si Maru dahil sa tingin niya’y ito ang may-

ari ng gait naa sigarilyo at inisip na ito ang dahilan sa pabago-bagong emosyon ng anak.

Pagkarating sa computer shop ay sinermonan ang anak. Inutusan niya itong umuwi na.Tumanggi

naman si Maru dahil hindi niya pwedeng iwanan na lamang ang shop. Dahil dito’y pinag-initan

din ni Precy ang mga naglalaro sa shop at pinagalitan ang mga ito. Kinausap na ni Precy si Maru
tungkol sa nakitang sigarilyo, ngunit hindi niya sinabi kay Maru na ito ang dahilan kung bakit

siya pinapagalitan ng ina. Dahil dito’y inisip ni nalaman ng kanyang ina ang nangyari sa kanila

ni Mich at siya’y pi apagalitan dahil dito. Narinig namn ni Mich ang buong usapan ng mag-ina at

inisip din na ang nangyari sa kanila ni Maru ang simuno ng pag-sermon. Isang araw nama’y

nabalitaan ni Precy na nahuling naninigarilyo sa paaralan ang anak na si Jairus. Kinausap at

pinagalitan niya ito. Sinabi naman nito na ang pagkawala ng kanyang ama ang dahilan ng mga

problema hindi lamang niya pero ng buong pamilya. Nagbati naman ang dalawa at sinabi ni

Jairus na hindi na mauulit ang nangyari.

Isang araw naman habang naglilipat ng mga sinampay si Maru ay pinuntahan siya ng kanyang

kaibigan at binalitaang nabuntis si Mich at alam na ng pamilya nito ang tungkol sa nangyari sa

kanila.

Nagbihis si Maru at umalis upang puntahan si Mich ngunit Nakita nito ang mga kapatid ni Mich

na gusto siyang bubugin sa kanyang ginawa sa kanilang kapatid. Sinubukang tumak bo ni Maru

sa kabilang daan ngunit nakasalubong naman niya ang kanyang ina. Dahil ditto ay sa ibang daan

tumakbo sa Maru ngunit nasaktohan niya ang dumadaan na truck.

Nagising si Maru sa kanyang kwarto. Habang siya’y nakahiga sa kwarto, nag-uusap usap naman

sina Precy, Casio at iba pa nilang kamag-anak at kaibigan sa posibleng mangyari kay Maru at sa

kanyang kinabukasan lalo na’t magiging ama na siya. Kinausap naman ni Jairus ang kuya niya at

humgingi ng tawad sa lath ng kanyang mga nagawa. Pinatawad naman ni Maru ang kapatid.

Kasama ang isa pang kapatid na si Jay ay inalala ng magkapatid ang mga dati nilang Gawain

noong nabubuhay pa ang kanilang ama.


Isang sumunod na araw naman ay umalis ng bahay sina Maru at Precy upang bisitahin si Mich

ngunit ang kanilang naabutan ay ang ama ni Mich na gumagawa ng sasakyan. Nakiusap sila sa

ama ni Mich na Makita angbabae ngunit sinabi nito na hindi pwede. Dinagdag din nito na hindi

niya papayagang magsama sina Maru at Mich at pupunta na si Mich sa Canda kasama ang

kanyang ina.

Umuwi na sina Maru at ang kanyang ina. Habang naglalakad pauwi ay bumili ng ballot si Precy

para kay Maru. Matapos magmerienda ay tumuloy na pauwi ang dalawa. Sila’y nag-usap tungkol

sa lahat ng mga nangyari at napagdaanan nilang problema. Humingi ng paumanhin ang dalawa

sa isa’t isa.

Natapos na ang 1st sem ng kolehiyo. Si Maruay nakabihis at nakaimpake na lumabas ng kanilang

bahay. Nagpaalam ito sa kanyang ina at sa dalawang kapatid na naglalaro. Kasama nito ang

kanyang tito Casio na babiyahae patungong Maynila upang ipagpatuloy na ang kanyang pag-

aaral.

III. SAGLIT NA KASIGLAHAN

Kinagabihan ng araw na hinatid si Maru sa Maynila ay nagising si Precy sa kanyang pagtulog.

May narinig itong ingay na nanggagaling sa kusina. Bumaba ito upang tignan ang

pinanggagalingan ng tunog. Kumuha ito ng halamang nakapaso upang gamiting sandata kung

sakaling may magnanakaw ngunit nagulat ito nang Makita ang anak na si Maru na naghahanda

ng iluluto ang maabutan. Tinanong nito ang anak kung bakit wala ito sa Maynila. Sinagot naman

ni Maru na ito aya para hindi na malungkot si Precy at dahil hindi niya kayang malayo sa

pamilya. Dahil ditto ay nagalit si Precy at pinagalitan ng husto si Maru.Dahil ditto ay umalis ng

bahay si Maru at nagtago sa kanyang tay Casio. Nagkita naman sina Casio at Precy upang pag-
usapan si Maru. Dahil sap ag-uusap ay napilit ni Casio si Precy na hayaan na si Maru na wag

bumalik ng Maynila, ngunit kapalit nito ay ginawang parang alalay ni Precy ang anak sa bahay.

IV. KASUKDULAN

Dahil sa mga desisyon ng mga indibidwal na miyembro ng pamilya ay unti-unting pumapangit at

nasisira ang kanilang relasyon. Nagpaalam si Maru sa kanyang ina kung pwede siyang

magtrabaho sa isang computer shop. Tutol ang kanang ina ngunit sinabi nito na wala naman

siyang magagawa kaya hinayaan na lamang nito ang anak. Nahuli naman ni Maru ang kapatid

niyang si Jairus na naninigarilyo at nag-away ang dalawa dahil ditto ngunit sila ay inawat ni

Precy. Hindi sinumbong ni Maru ang kapatid. Dahil sa stress at sa mga problema ay nag-iba ang

mga aksiyon ni Maru. Kinagabihan ng araw na iyon ay nalabas niya ang kanyang galit sa ilang

customers ng computer shop. May isang babaeng ayaw umalis sa shop, ngunit Nakita ni Maru na

ang kaibigan niya pala itong si Mich. Nag-usap ang dalawa tungkol sa mga problema at sama ng

loob ni Maru. Habang nag-uusap ay biglang hinawakan ni Maru and dibdib ni Mich. Nagulat si

Mich sa nangyari at tumayo na parang aalis. Humingi ng paumanhin si Maru kay MIch. Si Mich

na mukhang aalis na ay pknatay ang ilaw ng computer shop at hinalikan si Maru. Gumanti rin

naman ng hilik sa Maru at nagtalik ang dalawa. Umuwi si Maru na sobrang saya, niyakap at

nilambing ang kanyang ina. Kinabukasa’y ganun din siya sa kanyang mga kapatid pati kay Jairus

na kinahapunan lang ay kaaway niya. Habang kausap si Precy ay sinabi ng kanyang kaibigan nab

aka gumagamit ng bawal na gamut si Maru ngunit sinabi ni Precy na si Maru ay may takot sa

Diyos at hindi kyang gawin ang ganung bagay. Pinatawag naman si Precy sa paaralan ni Jairus

dahil nahuli ymano ang kanyang anak na naninigarilyo. Sinermonan at pinagalitan ni Precy si

Jairus ngunit pagkatapos maglabas ng sama ng loob ni Jairus at sabihin ang tunay na dahilan ng

kanyang pagrerebelde ay nagkaayos ang dalawa. Isang araw naman habang inaakas ni Maru mga
sinampay ay dumating ang isa niyang kaibigan. Binalitaan siya nito na buntis si Mich at alam na

ng mga magulang niya ang nangyari sa kanila ni Maru. Pumunta si Maru kay Mich pero habang

papunta ay nakita niya ang mga kapatid nito na galit na galit sa kanya. Nang subukang tumakbo

sa kabilang daan ay nakasalubong naman niya ang kanyang inang bumaba ng tricycle. Bilang

resulta, tumakbo si Maru sa pangatlong daan kung saan siya’y nasaktuhan ng paparaan na truck.

IV. KAKALASAN

Satahanan ngmga Marasigan ay nag-uusap usap sina Precy at ang iba nilang kamag-anak tungkol

sa posibleng mangyari sa kinabukasan ni Maru. Sa kwarto nama’y nagising si Maru. Humingi ng

tawad sa kanya ang kapatid niyang si Jairus at nagbati ang dalawa. Silang dalawa, kasama ang

bunsong kapatid na si Jay, ay inalala ang mga dati nilang Gawain noong nabubuhay pa ang

kanilang ama. Isangsumu od na araw ay umalis sina Maru at Precy upang puntahan si Mich. Sa

labas ng bahay ni Mich ay Nakita nila ang tatay nito na gumagawa ng sasakyan. Kinausap nila

ito tungkol sa mangyayari kina Maru at Mich ngunitsinabi nito na hindi siya papaya na magsama

sina Maru at Mich lalo na’t wala pang trabaho ang mga bata. Sinabi rin nito na pupunta na si

Mich sa Canada kasama ang kanyang ina upang magsimula ulit.

VI. WAKAS

Sabay na naglakad pauwi si Maru at ang nanay niya. Sila ay nagmerienda ng ballot sa daan bago

muling tumuloy pauwi. Sila’y nag-usap tungkol sa mga nangyari at naglokohan ngunit nagbati

rin. Sila’y humingi ng tawad sa isa’t isa. Isang araw matapos ang 1st semester g kolehiyo ay

lumabas ng bahay nila si Maru na nakabihis at nakaimpak. Ito ay babalik na ng Maynila upang

ipagpatuloy ang pag-aaral. Nagpaalam ito sa kanyang nanay at sa dalawang kapatid. Tinanong ni
Jay si Precy kung hindi sila sasama sa paghatid kay Maru ngunit sabi ni Precy ay si Casio na

lamang ang kasabay na luluwas ni Maru upang matuto itong bumiyaheng mag-isa.

VII. ARAL

Matutong sumunod sa mga utos lalo na kung galing sa iyong magulang. Kahit mahirap man ito o

nakakapanibago, alam nila kung ano ang tama para sa’yo. Kapag may problema ka ay wag mo

itong subukang solusyonan sa pamamagitan ng galit o sama ng loob. Ito ay magreresulta lamang

sa karagdagang problema at suliranin.

Kapag mayroong taong nagkasala sa’yo o bumigo sa’yo, matuto ka ring umintindi at wag agad

patungan ng parusa o galit ag mga ito. Matuto tayong ilagay ang sarili natin sa sitwasyon ng iba

bago natin sila pag-isipan ng masama o paglabasan ng sama ng loob.

Huli naman ay pag-isipan nating mabuti ang ating mga desisyon bago natin gawin ang mga ito o

umaksiyon. Ang isang maling desisyon ay posibleng magresulta sa napakalaking problema at

gulo. Isip muna bago gawa.

You might also like