You are on page 1of 2

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.

Ito ay proseso ng pag-unawa sa


mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang
pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa
kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.

Nakakapagpalawak ito ng atingimahinasyon. Naipapaisip saatin ng ating nababasa ang mga bagay na imposible nating
makita omaranasan. Nakukuha nating maglakbay sa pagbabasa. Higit sa lahat, marami tayong napupulot nakaalaman at aral. Nadadagdagan ang
ationg mga nalalaman

1. ISKANING a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang


Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng nakasulat ng italik.
paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang mahalagang salita c. Pagbasa sa una at huling talata.
ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart,
nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang ito ay binibigyan suri o basa.
Board Examination, pagtingin ng winning number ng lotto. f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin
ang isang partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang 4. KASWAL
babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa pamamagitan ng Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad
palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang halimbawa habang may inaantay o pampalipas ng oras.
pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular
na impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang 5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga nilalaman (table of Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad
contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng isang halimbawa ng pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin
taong nais makausap. malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa
layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may
2. ISKIMING hangarin na mapalawak ang kaalaman.
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na 6. MATIIM NA PAGBASA
babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng maunawaang ganap ang binabasa para matugunan ang
term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa. pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na
pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito 7. RE-READING O MULING PAGBASA
ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng
pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw mahirap na talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang
ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang
kanya sa sandaling iyon. kabuuang diwa ng materyal na binasa.

3. PREVIEWING 8. PAGTATALA
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang
Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng kaisipan o ideya bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang
sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang bahaging
at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
gaya ng mga sumusunod:

Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)


Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas – Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating
kaalaman at karanasan.
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang
pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman (schema) na nabubuo na sa kanyang isipan
batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad
ng may-akda sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang
mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang
mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol
sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Mga Proponent ng Teoryang Itaas – Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o
iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito
ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa
teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba – Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo

Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon
(McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa
kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa
bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson, 1984).

Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.

Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may
ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga
hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang
sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang
nilalaman ng kanyang isipan.

You might also like