You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA PEYit emesis AMBUHAY — Taon 33 Big. 50 SUNDAY * TVMARIA * 8:30AM + 7.00PM LIVE DAILY WORKERS’ MASS ONLINE 2 Moihte ees Miyerkules ng Abo (A) — Lila Issel cians 6:15AM Pebrero 26, 2020 Magbalik-loob sa Diyos [22s gamit ng abo, na para sa akin ay tunay na na- kamamangha, ay ang gamit nito bilang panlinis ng mga pinaglutuang kawali, kaldero, kaserola at iba pa. ‘Ang akala ko noon, kapag naabo na ang uling o pang- gatong na ginamit panluto, wala na itong silbi. lyon pala, sa pamamagitan ng abo na ginamit bilang panlinis sa mga ito, naibabalik nito ang mga kasangkapan sa kanilang mali- nis na anyo na tila bagoat hindi pa nagamit. Sinisimulan natin ngayon ang panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng paglalagay ng abo sa ating mganoo.Sa kultura ng mga Hudyo, naglalagay sila ng abo sa kanilang mga noo upang ipakita at ipaalam kani- numan na sila ay nasa panahon ng pag-aayuno. Sa ating Unang Pagbasa narinig natin ang panawagan sa buong bayan ng Israel na sila ay mag-ayuno. ‘Ang pag-aayunong kanilang gagawin ay upang maipakita sa Diyos at kapwa na nagsisisi silasa kanilang mga kasalanang nagawa. Ipinapakita nila ito sa pamamagitan ng pagsuot ng damit na sako at paglalagay ng abo sa kanilang mga noo. Sa pamamagitan nito, inaa- sahan ng bayang nag-aayuno na sila ay kaawaan ni Yahweh sa kanilang mga pagkakamali Kung ating titingnan sa pag- basang ito, ipinahahayag na ni Yahweh na ang pangingilin, kalakip ng paglagay ng abo sa noo at ng pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan, ay dapat mag-udyok sa lahat ng tunay na pagbabalik-loob ng kanilang mga puso’t isipan at hindi lamang natatapos sa panlabas na kaanyuan—bagay na siya namang binabala ng Panginoong Hesus sa kanyang alagad. Sa ating Ebanghelyo, ating narinig ang panawagan ni He- sus na ating pakaingatan ang pagtupad sa mga “panuntunan” ng ating pag-aayuno. Ang panawagang ito ay maituturing nating saligan 0 pundasyon ng buhay ng isang tunay na Kris- tiyano. Subalit hindi sapat na magawa lamang ang pag-aayu- no, pagbibigay ng limos, at pagdarasal, dahil inaasahan na sa atin ang mga iyon. Bagkus, hinahamon tayo ng ating Pang- inoon na ang ating pagtupad ng mganakasanayang gawaing pang-espirituwal ay magdulot sa atin ng pagbubukas ang ating sarili sa mas malalim na ugnayan at pagsisilbi sa Kanya. Sa Panuntunan ni San Benito kapansin-pansin na ang na- tatanging kabanata na nagta- taglay ng salitang kaligayahan ay matatagpuan sa ika-49 ng panuntunang ito, ang panun- tunang dapat tuparin sa mga araw ng Kuwaresma, Pinapayu- han ni San Benito ang kanyang mga tagasunod na sa kanilang pagtupad sa pag-aayuno, pag- bibigay-limos at pagdarasal nang mataimtim, mas mau- nawaan at mas makita nila na ang mga bagay-bagay sa mundo ay pawang pananda- lian lamang at ang tunay na kaligayahan ay ang kaligaya- hang matatamo kasama ang Panginoon. Katulad ng paglilinis ng abo sa mga kasangkapang panluto, sana’y ang paglalagay ng abo sa ating mga noo sa araw na ito ay hindi lamang magpaalala sa atin na tayo ay mamamatay. Maging paalala rin nawa ito na maaari pa tayong maging ma- linis at kaaya-aya sa paningin ng Panginoon sa pamamagitan ng ating taos-pusong pagsusu- mikap na pagsisihan ang ating mga kasalanan at layuan ang anumang tukso upang higit tayong mapalapit sa kanya. —Jerome P. Ypulong, SSP Basahin ang pagninilay bago o pagkatapos lamang ng Misa upang Gre eae una heute ca ees Claes LS Antipona sa Pagpasok [Kar 11:24-25, 27] ‘Basahin hong aang pamburgad na aut) Minamahal mo ang tanan, wa- lang kinapopootansasinumang umiiral. Pinatatawad mong tunay ang salanami't pagsuway. Pagbati (Gawin dito ang tanda ng krus.) P - Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat. B-At sumaiyo rin. Paunang Salita (Maaaring basahin ito o isang katulad na pakayag.) P - Sa pamamagitan ng Mi- yerkules ng Abo, sinisimulan natin ang panahon ng Kuwa- resma bilang paghahanda sa Misteryo ng Paskuwa—ang pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Hesus. Tanda ng pagdadalamhati at pagsisisi, ipinapahid sa ating mga noo ‘ang abo. Subalit tong tanda ng pagsisisi ay dapat na antabayanan nang tapat na pagbabalik-locb,ng "metanoia” ‘ong pagbabagong isip at puso. Umaasa tayo sa kabutihan at awa ng Diyos sapagkat batid natin na hindi sapat ang sari nating kakayahan. (Hindi gaganapin dito ang pagsisisi sa hasalanan sapaghat ito ay hinahalin- han ng paghabasbas at paglalagay ng abo sa lo.) Pambungad na Panalangin P-Manalangin tayo. (Zumahimit) ‘Ama naming makapangya- rihan, ipagkaloob mong masi- mulan namin ngayon sa banal na pagkukusang magtiis ng kagutuman ang pakiki- pagtunggalian bilang mga apanig ni Kristo. Sa aming pagsugpo sa mga salungat sa pamumuhay sa Espiritu maging amin nawang sandata ang pag- titimpi sa sarili sa pamamagitan ri Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. B-Amen. HUY LST NS Unang Pagbasa [Jl 2:1 2-18] Cinupn) Ang mga salita ni propeta Joel ay isang mahalagang pa- nawagan at pagpapahayag. Marapat tayong magbalik sa Diyos sapagkat puno siya ng kabutihan at habag para sa atin. Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel SINASABI ngayon ng Pangi- noon: "Mataimitim kayong magsisi at manumbalik sa akin, kayo'y mag-ayuno, manangis at magdalamhati. Magsisi kayo nang taos sa puso, hindipekitang tao lamang.” Magbalik-loob kayo sa Pangi- neon na inyong Diyos. Siya’y may magandang-loob at puspos ng awa, mapagpahinuhod at tapat sa kanyang pangako; laging handang magpatawad athindi magpeparusa. Maaaring lingapin kayo ng Panginoon at bigyan ng masaganangani. Kung magkagayon, maha-handugan natin siya ng haing but at alak Ang trumpeta ay hipan ninyo, sa ibabaw ng Bundok ng Sion; iniutos ninyo na mag-ayuno ang lahat. Tawagin ninyo ang mga tao para sa isang banal na gtitipon. Tipunin ninyo ang lahat, matatanda't bata, patimga sanggol at maging ang mga bagong kasal. Nga saserdote, kayo'y tumayo sa pagitan ng pasukan at ng dambana, manangis kayo't manalangin nang ganito: "“Mahabag ka sa iyong bayan, O Panginoon Huwag mong tulutang kami’y hamakit pag-tawanan ng ibang mga bansa at tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?” Fagkaraan, ipinamalas ng Panginoon na siya'y nagmamalasakit sa kanyang bayan. — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Salmong Tugunan (sim 50) T-Poon, iyong kaawaan kaming sa ‘yo'y nagsisuway. st. m.c.a. parco, tsp Am Dm Am 7 beeps Late Am 7 Am gtr sa-'yoly nag-si-su-way. 1. Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos,/ sang-ayon sa iyong kagandahang-loob;/ mga kasalanan ko'y iyong pawiin,/ ayon din sa iyong pag-ibig sa akin!” Linisin mo sana ang aking karumhan/ at ipatawad mo yaring kasalanan! (1) 2. Ang pagsalansang ko ay kinikilala,/ laging nasa isip ko at alaala./ Sa iyo lang ako nagkasalang tunay,/ at ang nagawa ko'y di mo nagustuhan. (T) 3. Isang pusong tapat sa aki’y likhain/ bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin./ Sa iyong harapa'y h'wag akong alisin;/ ang Espiritu mo ang papaghariin. (T) 4, Ang galak na dulot ng 'yong pagliligtas,/ ibalik at ako ay gawin mong tapat./ Turuan mo akong makapagsalita,/ at pupurihin ka sa gitna ng madia. 1 Ikalawang Pagbasa (2 Cor 5:20-6:2) Si Hesus ang larawan ng bi- yaya ng Diyos na nagligtas sa atin mula sa kasalanan. Ang Kuwaresma ang panahon kung saan dapat tayong higit na mapalapit kay Hesus, sa kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Tinatawagan tayo ni Pablo na malugod natin itong tanggapin. Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto MGA KAPATID, ako'y sugo ni Kristo; parang ang Diyos na rin ang namamanhik sa inyo sa pam- amagitan ko: makipagkasundo kayo sa Diyos. Hindi nagkasala si Kristo, ngunit dahil sa atin, siya’y ibinilang na makasalanan upa- ng _makipag-isa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng Diyos sa pamamagitan niya. Yamang kamiy mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinama- manhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang pagka- kataong ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya: "Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliigtas, sinaklolohan kita.” Tingnan ninyo! Ngayon na ang panzhong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas! —Ang Salita ng Diyos. B-Salamat sa Diyos. Awit-Pambungad (sim 948ab) (Tumayo) B- Kapag ngayo'y napakinggan ang tinig ng Poong mahal, huwag na ninyong hadlangan ang pagsasakatuparan ng mithi niyatt kalooban. Mabuting Balita (Mté1 6, 1618) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayan kay San Mateo B- Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panehong iyon, sinabi ni Hesus sakanyang mga alagad: “Pag-ingatan ninyo na huwag maging pakitang-tao lamang ‘ang paqgawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong ‘Amang nasa langit. “Kayanga, kapagnagillmoska, huwag mo nang ipagmakaingay ito, katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabavydoon sa sinagoga at sa mga lansangan. Ginagawa nila ito upang purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kung naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito kahit sa iyong pinakamatalik na kaibigan upang malihim ang iyong paglilimos. At gagantihan ka ng iyong ‘Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim. “Atkapag nananalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manelangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan, upang makita rng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantihan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim. “Kapag nag-aayuno kayo, huwag kayong magmukhang malungkot, tulad ng mga ma- pagpaimbabaw. Hindi sila nag- aayos upang malaman ng mga taonasila'ynag-aayuno. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala, Kapag ikaw ay nag-eayuno, mag-ayos ka ng buhok at maghilamos upang huwag mapansin ng mga tao na nag-aayuno ka. Ang iyong Amang hindi mo nakikita ang siya lamang makaaalam nito Siya na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim, ang gaganti sa iyo.” — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B- Pinupuri ka namin, Pangi- noongHesukristo. Homiliya Wnupo) Pagbabasbas ng Abo (Twmayo) P- Minamahal na mga kapatid, manalangin tayo sa Amang Maykapal upang ang abong sa lo natin ilalagay para ipahiwatig ang pagbabagong buhay ay marapatin niyang gawaran ng kanyang pagpapala at malaking pagmamahal. (Twnahimik) ‘Ama naming mapagpatawad, kinukupkop mo at itinatampok ang umaamin sa kasalanan at ikinalulugod mo ang nag- babagong-buhay. Dinggin mo kami at kupkupin sa pag- kakaloob mo ng pagpapala (t) bilang pagtatampok sa iyong mga lingkod na naglalagay ng abo sa ulo. Sa pagganap ng apatnapung araw na pag- hahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay marapatin mong kami'y maging dalisay para sa pagdiriwang ng tagumpay ng iyong Anak na siyang namamagitan kasama ng Es- iritu Santo magpasawalang ianggan, B-Amen. (Tahinnikna wivisikan ng banal na tubig ang abo.) Paglalagay ng Abo (Lalagyan ng abo ng pari ang bawa't dumudulog habang kanyang sinasabi: ‘Maghagong buhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya. 0 haya: Alalahanin mong abo ang iyong pi- nanggalingan at abo rin sawalaas ang iyong babalikan. Samantalang gina- ganap ang paglalagay ng abo, aawitin dang mga nababagay na aut) Panalangin ng Bayan P - Sa pagpasok natin sa panahon ng Kuwaresma inaan- yayahan tayong tumugon sa Diyos na tumatawag sa atin upang magbalik sa kanya ng buong puso: T- Panginoon, dinggin mo ang iyong bayan. L - Bilang isang Simbahan makaisa nawa tayo ni Kristo sa kanyang pagpapakasakit sa pagpasok natin sa panahong ito ng Kuwaresma. Manalangin tayo: (T) L - Madisiplina nawa natin ang ating mga sarili sa pama- magitan ng pag-aayuno at pag- sasakripisyo. Manalangintayo: L- Imulat nawa natin ang ating mgamatasamgakapatidnating lubos na nangangailangan sa pamamagitan ng pagka- kawanggawa at paglilingkod. Manalangin tayo: (T) L- Maging masaya at mapayapa nawa sa piling ng Diyos ang mga kapatid nating yumao. Manalangin tayo: (T) L - Sa ilang sandali ng kata- himikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangallangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansarling kahilingan (Tumahimik). Manalangin tayo: (1) P - © Diyos na mahabagin, tunghayan mo ang mga kahilingan namin. Nawa ang mga abong aming tinanggap ay tunay na maging sagisag ng aming pangakong tuparin ang iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen. PAGDIRIWANG UT SA Paghahain ng Alay (Tuma) P- Manalangin kayo B - Tanggapin nawa ng Pangi- noonitong paghahain saiyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P - Ama naming Lumikha, ginaganap namin ang pagha- haing ito bilang maringal na pasimula sa apatnapung araw na paghehanda. Ang aming kusang pagtitis at pagmamalasakit ay makapagdalisay nawa sa aming masasamang hilig upang kami'y pagindapating makinabang sa iyong Anak na para sa ami’y nagpakasakit bang aming Taga~ pamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalanghanggan B-Amen. Prepasyo (Kuwaresma IV) P - Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B-ItinaasnanaminsaPanginoon. P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatna siya ay pasalamatan. P - Ama naming makapang- yarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Sa aming kusang pagtitiis ng hirap tinutulungan mong aming maitumpak ang kina- mihasnang pagsalungat sa pa- nanagutang iyong iniatas. Sa aming pagtulad sa Anak mong mahal na nagpakasakit para sa tanan, ang pagsisikap nami'y iyong kinalulugdan at ang pagpapakabuti nami'y iyong iki- nararangal Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa ka- langitan, kami’y nagbubunyi sa yong kadakilaan: B-Santo, Santo, SantoPanginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan ‘mo! Osana sakaitaasan!Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa Kaitaasan! (Liamubod) Pagbubunyi (Timeyo) ~Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay, Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan nga- yon at magpakailanman. be Ama Namin. B-Ama nami P - Hinihiling naming B-Sapagkatiyoang kaharianat ang kapangyarihan at ang kapu- rihan magpakailanman! Amen. Vocation promotions Local and international pilgrimages Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lumuhod) P -Ito ang Kerdero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mge kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging B - Panginoon, hindi ako kara- pat-dapat na magpatuldy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. Antipona sa Komunyon (Sim 1:2-3) Aani ng kasiyahang bungang pakikinabangan ang nagsasa- alang-alang sa utos ng Poong mahal, samaghapon araw-araw. Panalangin Pagkapakinabang Tumayo) P-Manalangin tayo. (Teamahinni) ‘Ama naming mapagmabal, ang pinagsaluhan namin ay amin nawang pakinabangan sa pagkakamit ng dulot na kaga- lingan ng kagutumang kusa naming pinagtitiisan at iyong Kinalulugdan sa pamamagitan nii Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan B- Amen, Cea P - Sumainyo ang Panginoon. B-Atsumaiyo rin. Pagbabasbas SAMBUHAY MISSION APPEAL ‘Beamission partner for Sambuhay! Sambhay islet nd Sembuhy TY now ofr you a chance fo ech eco milon ders and views We share our sed spac” for ~ Invitations from Catholic communities and other groups Announcements for special programs and activities Foleweeiosecnal = “Tnthutipa” = «SUNDAY =P 4,000 oii 1 SUNDAY P 1,500 Sombuhay First Friday 1 FRIDAY P 2,000 “Togitertinay” =— SOMPAYS =P 25,000 ‘Sambohay TV 1 EPISODE 2859/0104 le. 607. sambuhay-misa © Rarteunpestoa P - Yumuko kayo't hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tianahimik) llayo nawa kayo sa lahat ng makapipinsala at pagpalain nawa kayo ng bawat mabuti at ganap na kaloob ng Diyos ngayon at magpasawalang hanggan B-Amen. P - Pamalagiin nawa niyang nananahan ang kanyang Salita sa inyong kalooban at puspusin rnawa niya kayo ng kaligayahang walang hanggan. B-Amen. P - Patnubayan nawa kayo ng Diyos sa pagtahak sa kanyang landas upang lagi ninyong mabatid kung ano ang tama at marapat samantalang kayo ay naglalakbay patungo sa kalangitan kanyang pamana magpasawalang hanggan. B-Amen. P - Pagpalain kayo ng maka- pangyarihang Diyos, Ama at Anak (t) at Espiritu Santo. B-Amen. Pangwakas P - Tapos na ang Banal na Misa, Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. B- Salamat sa Diyos.

You might also like