You are on page 1of 17

Ama

Ni Lazaro Francisco

Mga Taga-ulat

Dharyll Jan Brixter Dida

Winnie Isada
Buod

Panulukang-bato ng rnga nobelang sosyal ni Francisco ang


Ama. Ito ang kauna-unahan niyang reaksiyon sa piyudalistikong
kalagayan ng rnga magsasaka sa Nueva Ecija, ang pinamalagian
niyang lalawigan matapos umalis sa sinilangang Orani, Bataan
noong siya'y nasa intermedya pa. Nalathala sa Liwayway,
magasing kinalabasan ng lahat liban sa isa niyang nobela,
kasaysayan ito ni Ingkong Tasyo, ang arna at pangunahing
karakter. Sa prologo, malalaman na ang Putintubig, lunan ng
nobela, ay dating tiwangwang na lupang umakit ng mga
mandarayuhang magsasaka mula sa nokos. Kabilang sa
nandayuhang ito si Ingkong Tasyo na bata pa'y natira na sa Nod
matapos mamatay doon sa pagkalunod ang ama na biyahero ng
kabayo. Ang Puting-Tubig, na agad mahahakang nasa Nueva
Ecija, ay hinawan at sinaka nina Ingkong Tasyo hanggang sa
isang araw, ito'y bigla na lamang inangkin ni Don Pamfiilo
Melendrez hindi nakikilalang kapatid ni Ingkong Tasyo at
kapatid din ng isang gobernador sa Norte, si Don Elpidio.
Nagsiyaman ang rnga di nakikilalang kapatid ni Ingkong Tasyo
nang ito'y pamanahan ng isang mayamang kaibigan ng kaniIang
ama sa La Union. Iniharap nina Ingkong Tasyo at ng rnga
kasamang magsasaka sa hukuman ng kuwestiyon sa pagmamay-
ari ng PutinTubig nguni't sa pananaig ng "katwiran ng lahat" at
di ng "lakas ng katwiran" ay si Don Pamfilo ang ipinasiyang
mayari. Nagbalik sa Ilokos ang mga hindi nakatiis na
mandarayuhan; ang iba, tulad ni Ingkong Tasyo, ay nagpaiwan
at naging biktima ng sarisaring "pambikti at panduhagi sa buhay
ng mga anak-pawis," tulad ng takipan, talinduwa, bugnos,
paswwd, pamata at ang malupit na karapatan ng may-ari,
maging ng katiwala, na padapain sa pilapil ang kasama at
takalan ito ng palo. Masipag, mapagpakasakit at mapagtiis, kung
natatanggap man ni Ingkong Tasyo ang kanyang kapalaran ay
pinapangarap naman niyang mapalaya rito ang ulila na si Delfin,
ang kanyang anak, na naitaguyod niyang papagtapusin sa
Maynila ng batsiler en artes at balak pang pakunin ng abugasya,
sa kanya ring pagtataguyod.

Buong galak ang matandang si Ingkong Tasyo ng nagpadala ng


liham ang anak niyang si Delfin na nagsasabing uuwi siya sa
Putintubig sa ika-11 isa ng Abril. Pinagpupuntahan niya ang
kanyang mga alagang hayop para sa kanyang planong
paghahanda sa pag-uwi ng kanyang anak sapagkat alam niya
matagal nang hindi nakakain ang kanyang anak ng mga pagkain
sa nayon. Ngunit ang lahat ng kanyang plano ay nawasak ng
biglang dumating si Basyo, katiwala ni Don Pamfilo at sinabing
pupunta ang kanilang Panginoon sa nayon at sa bahay ng
matanda sila tutuloy. Parang binagsakan ng langit ang
naramdaman ng matanda dahil sa balitang dinala ng kaibigan.
Kaya’t kinabukasan ay maagang gumising ang matanda upang
manghuli ng mga pugo na siyang inutos ng kanyang panginoon
at ginatasan na niya ang kanyang kalabaw para sa mga
panauhing darating. Pumasok sa isip ni Ingkong Tasyo ang galit
at sinabi sa sarili na mayaman naman ang kanyang panginoon,
marami silang pera, nakakakain sila ng mga mararangyang
pagkain samantalang ang kanyang anak ay hindi, ngunit saglit
lang iyon sapagkat pumasok sa isip niya na kapag magrereklamo
siya ay paano nalang ang kanyang anak? Pano nalang kung
paalisin siya ng kanyang panginoon sa lupang kanyang sinasaka,
kasi naniniwala siya sa kasabihang “ higit na mabuti ang isang
masama na nakilala na kaysa isan mabuti na kikilanlin pa”.
Dumating na ang mga panauhin ng nayon sakay na Autobus ,
lulan nito si Don Pamfilo Melendrez, si Donya Ichay na
kanyang kabiyak, si Leonor, ang nag-iisa nilang anak. Kasama
ng dalaga ang anim na dalaga at 7 binatang pawing mga kaklase
ni Leonor sa kolehiyo. Kabilang dito si Paquito na di-
maiwawaksing naiibigan rin ng ama ng dalaga para sa kanyang
anak at kasama nito ang kanyang amang si Don Alipio Santos na
kaibigan ng Don. Sa pagdating nila doon ay nabigyan ng
pagkakataon si Paquito na makausap si Leonor ng masinsinan at
inamin niya ang kanyang nararamdam para sa dalaga ngunit
sinagot ng dalaga ang binata na hindi niya pa alam kung ano ang
pag-ibig. Biglang naputol ang kanilang usapan ng biglang kunan
sila ng litrato ni Artemio na siyang ikinagalit ng dalaga.
Pumanhik na sila sa bahay ng matanda at bago pa matapos ang
agahan ay inutusan ni Don Pilo si Basyo upang tingnan ang
pabong nililitson ng Ingkong Tasyo. Samantalang sa loob naman
ng bahay ay may makikitang salamin na kaagapay ng isang
maliit na larawan ni Delfin. Pasulyap-sulyap naman itong
tinitingnan ni Leonor. Sa puntong iyon ay may nabuong mga
katanungan sa loob ng dalaga. Kinuha naman ni Basyo ang
litsong pabo na niluluto ng matanda at naiwan nalang ang
matandang nakaupo at waring sinisinag parin ng matanda ang
usok ng apoy ang karugtong ng kanyang pangitain. Pinaghati-
hatian na iyon ng mga dalaga’t binata sa loob. Naisipan naman
ni Ingkong Tasyo na manghuli nalang ng isdang kanyang
uulamin.

Nang matapos na ang pananghalian ay nagpahinga na ang mga


bisita, samantalang ang dalawang Don naman ay nag-uusap
tungkol sa paraan ng kanilang pagpapalakad sa kanikanilang
asyenda. Nagkatuwaan sila samantalang di sinasadyang narinig
iyon ng matanda. Nakita siya ni Don Pilo at inutusan nalang na
alisin ang punsong kanyang nakita sa dungawan ng bintana na
agad naming sinunod ng matanda. Mahigit alas-tres ng hapon
nang si Ingkong Tasyo lumabas upang magsaka. Di niya alam
na umuwi na pala ang kanyang anak, nagtaka naman ang mga
panauhin kung sino ang bagong dating, kayat nagtanungan sila.
Nagkita ang mag-ama sa mga oras na iyon at nagyakapan ng
mahigpit. Naisipan ni Delfin na subukang mag-araro dahil
matagal na raw niya itong hindi nasusubukan. Ang mga
panauhin naming nakatingin sa kanila ay nagbigay naman ng
kani-kanilang opinion sa kanilang nakita. Samantalang si Leonor
naman ay tila nasasabik dahil sa umuwi si Delfin.

Namasyal na ang grupo sa lugar kung saan napadpad sila sa


lagaslas. Dito natanong nila kay Basyo kung bakit Putintubig
ang tawag sa nayon, hindi sila sinagot ng katiwala ngunit kanya
itong pinakita. Pinakita niya ang talon kung saan ay simputi ng
perlas kaya ito tinawag na Putintubig. Nakakita rin sila rito ng
isang puno kung saan ay kanilang pinagtalunan ngunit isa man
sa kanila’y walang nakasagot ng tama ng sabihin ni basyo na
iyon ay Tukangkalaw.

Sa kabilang parte naman, ay magkapiling na ang mag-ama


at nakaupo sa isang buwal na puno sa tabi ng batis. Dito
kinukumbinsi ni Delfin ang ama na iwan na ang nayon at
sumama na sa kanya sa Maynila at doon na sila mamuhay ngunit
hindi sang-ayon ang matanda sa gusto ng anak. Gusto niyang
magpatuloy sa pag-aaral ang kanyang anak. Pinag-usapan nila
iyon habang kumakain ng di sinasadyang napadpad doon ang
grupo ng kanilang panauhin. Magalang namang nag-anyaya ang
mag-ama ngunit binigyan ng kutya ni Paquito ang paraan ng
kanilang pagkain. Naisipan na nila ang tumawid sa batis, ang
walang modong si Paquito ay tinawag si Ingkong Tasyo upang
buhatin ang bato upang ilagay sa batis upang makatawid sila. Sa
oras na iyon ay nagtimpi si Delfin ng galit sa binata dahil sa
pamamastos nito sa kanyang ama, tatayo na sana ang matanda
ngunit parang bakal ang bisig na humila sa kanya paupo at
tumayo si Delfin upang buhatin ng buong lakas ang bato at
pinuwesto sa tinuro. Ang lahat ay nagulat sa pangyayari, basa pa
si Delfin nun galing sa pag-aararo kaya’t nasubhan siya
kinabukasan. Ngunit bago yun, tumawid na ang grupo ngunit
nagpa-iwan sila Leonor at Tansing sa kadahilanang hindi kayang
apakan ang batong binuhat ni Delfin dahil naisip nila na iyon ay
kanyang budhi.Nagdahilan nalang sila na grupo na kukuha sila
ng suso at elestros kaya’t pinauna nalang nila ang ibang grupo.

Ngunit ng sa kanilang paglalakad ay nawala na sila sa lugar at di


alam ang daan pabalik. Sa kanilang paghahanap ng daan ay di
nila sinasadyang napadpad sa batis kung saan nanghuhuli sina
Delfin at mang Tasyo ng isda at nalaman nila na nanghuhuli sila
para sa kanila kahit na matagal nang hindi nakakain si Delfin ay
pinili niya paring ibigay ang lahat ng huli sa mga panauhin.
Dahil sa kanilang narinig ay binalak ng dalawa na lutuin ang
isda at ibabalik ito sa mag-ama kinabukasan. Ngunit
kinabukasan ng inutusan ni Leonor si Basyo na ibigay ang
lutung pagkain ay nalaman niyang nasubhan si Delfin dahil sa
nangyari sa batis. Kaya’t ang dalawang dalaga ay nag-alala sa
binata, kaya’t nung napagpasyahan ng kaniyang ama na maligo
sa batis ay gumawa ng paraan ang dalawa para makadalaw sa
binate, nagkunwari silang may naiwan sa bahay at babalikan
lang nila at para hindi nila maghinala ay pinasama nila si Basyo.
Ngunit hindi nila alam na nakahalata si Paquito sa kanilang
plano kaya’t nagkunwari si Paquito na may hahanapin lamang sa
taas. Si Basyo naman ay inutusan ni Leonor na kumuha ng isang
bagay na para sa buhok dahil ito raw ay mabango upang hindi
nito malaman na pupuntahan nila si Delfin at nagtitiktik naman
si Paquito sa medyo madamong parte upang hindi siya makita.
Nang napuntahan na nila si Delfin ay nadatnan nilang
nagdedeleheryo ito. Tinanong ni Leonor kung kilala niya ba siya
nito ngunit ang sagot ni Delfin ay siya ang anghel ng Putintubig.
Pagkatapos nun ay bumalik na sila sa batis kung saan andun ang
grupo. Binigyan naman ni Paquito ng isang titig si Leonor na
siyang ikinaba ng dalaga.

Habang nagsasaya naman ang grupo ng mga dalaga’t binata ay


nag-uusap naman ang dalawang Don tungkol sa kanilang
pananalakad sa kani-kanilang asyenda at napag-usapan din nila
ang tungkol sa nakaraan ng mga Melendrez at dito nalaman ni
Don Alipio na may nawawala palang kuya si Don Pamfilo.
Nalaman naman ni Don Pilo na hindi nasunod ni Ingkong Tasyo
ang kanyang utos kanyang sumiklab ang galit nito at pinatawag
niya ito. Nang nagkaharap na ang dalawa ay ibinigay ni Ingkong
Tasyo ang rason niya kung bakit hindi niya ito nasunod ay dahil
sa may sakit ay anak niya ngunit hindi parin ito pinakinggan ng
kanyang panginoon at nilatayan niya ng palo ang matanda. Nang
bumalik na ang matanda sa kaniyang anak ang nakita nito na
maraming sugat ang ama kaya’t tinanong niya ito at pinalabas
nalang ng matanda na nahulog siya sa kanilang alagang kalabaw
at nakaladkad ito. Dahil naman sa nangyaring iyon na
nasaksihan ng mga panauhin ay nawalan na sila ng gana kaya’t
napagpasyahan nalang ng Don na umuwi sa kanilang bahay at
doon na sila magkaroon ng isang pagdiriwang upang matanggal
sa utak ng mga panauhin ang nangyari. Ngunit pagdating nila
doon ay nagkulong lamang si Leonor sa kaniyang kwarto at
pinapalabas nalang niyang may-sakit siya. Tinukso naman ng
mga panauhin sa okasyon si Paquito na magtanghal sa harap
kasama si Leonor, ngunit matagal lumabas si Leonor at nawalan
na ng gana si Paquito kaya’t bumalik nalang ito sa upuan at si
Artemio nalang ang sumabay kay Leonor sa pagtanghal. Nang
matapos na ang pagtatanghal ni Leonor ay bumalik na ito sa
kaniyang kwarto. Nang matapos na ang pagdiriwang ay
kinausap ni Don Alipio si Don Pamfilo tungkol sa kanilang mga
anak. Gusto kasi ni Don Alipio na mapadali ang pag-iisa ng
kanilang anak ngunit sinabi ni Don Pilo na hindi niya maaring
pilitin ang kanyang anak tungkol sa desisyon ng kanyang puso
kaya’t hahayaan nalang nila kung kelan magugustuhan ng
dalaga ang binatang nagkakagusto sa kanya. Nang matapos na
ang pag-uusap nila ay umalis na ang mag-ama.

Sa Putintubig naman, ay medyo naging malamig na ang


sitwasyon, at may isang di-kilalang lider ang nakikipag-usap
kina Ingkong Tasyo at Delfin na nanghihikayat na isali sila sa
kapatiran na nasa Putintubig ngunit hindi nakumbinsi ang
dalawa sapagkat naniniwala si Ingkong Tasyo na “Hindi gamot
sa masama ang kapwa masama”, kaya’t ng hindi talaga
nakumbinsi ng di-kilalang lider ay bumalik nalang ito sa
kanilang kuta at sinabi ang nangyaring pag-uusap. Samantalang,
may dalawang tao naman ang sumali sa kapatiran, iyon ay sina
Diego Rivas at Marcelo Cruz. Ang dalawa ay kapwa alipin ni
Don Alipio na inutusan lamang na umanib sa nasabing kapatiran
ay upang malaman kung sino at ang pinuno nito at upang
malaman kung kasali ba rito si Mang Tasyo. Ngunit kahit
tiningnan na ng dalawa ang lahat ng kasapi sa kapatiran ay wala
silang nakitang Ingkong Tasyo roon. Kaya’t pumunta na sila na
kanilang panginoon upang iulat ang kanilang natuklasan ngunit
nang sinabi nilang hindi kasapi rito si Ingkong Tasyo ay
inutusan na naman sila na kapag nagtanong si Don Pilo sa kanila
kung sino ang pinuno ng kapatiran ay si Ingkong Tasyo ang
kanilang isusuplong ngunit ayaw iyon gawin ni Diego sapagkat
hindi kaya ng budhi niya na isuplong ang matandang wala
naman talagang kinalaman sa nasabing kapatiran samantalang si
Marcelo naman ay natakot sa banta ng kanilang panginoon na
kapag hindi nila ito sinunod ay lalatayan na naman sila ng palo
kaya’t sinunod niya ito. Nang tinanong siya ni Don Pilo ay
sinabi niyang si Ingkong Tasyo nga ang pinuno ng kapatiran,
kaya’t may binigay siya na isang utos na kapag nagawa niya ito
ay tutubusin siya sa kanyang pagkakautang kay Don Alipio kaya
naman ang mahirap na si Marcelo ay naakit sa binigay na
gantimpala ng Don kaya’t sinunod niya ang utos nito na sunugin
ang bahay ni Ingkong Tasyo. Pagkatapos umalis ni Marcelo
upang sundin ang utos ni Don Pilo ay ikinulong naman si Diego
sa isang kwarto sa ilalim ng bahay ng mga Melendrez at doon
humarap kay kamatayan. Tinawag naman ni Don Pilo si Basyo
upang utusan na tawagin si Ingkong Tasyo papunta sa kanilang
bahay para na rin na hindi maabutan ng matanda ang pagsunog
sa kanyang bahay. Ngunit ng makita ni Basyo si Ingkong Tasyo
ay imbis na sabihin niyang tinatawag siya ni Don Pilo ay sinabi
niyang magmadali kang umuwi kasi may isang hudas na
inutusan upang sunugin ang kanyang bahay kaya’t dali-dali
namang umuwi si Ingkong Tasyo ngunit huli na ang lahat,
tinutupok na ang kaniyang bahay ng apoy at unti-unting naging
abo. Kaya’t nawalan ng mala yang matanda dahil nasa loob ng
bahay na iyon ang lahat ng alala niya sa kanyang asawa.
Samantalang pinalabas nalang ni Basyo kay Don Pilo na wala
siyang nadatnan na Tasyo at tinanggap naman iyun ng Don.
Dahil sa aalis ang Don patungong Maynila ay binigyan niya si
Basyo ng isang patalastas na kailangan niyang basahin na ang
nakasulat ay kung sinuman ang tutulung kay Ingkong Tasyo ay
papaalisin sa nayon na iyon. Kaya’t na magising si Ingkong
Tasyo ay nagdesisyon nalang itong umalis nalang sa nayon dahil
nawala na din naman ang lahat ng kanyang pinapahalagahan
doon. Pipigilan pa sana siya ng kanyang mga ka-nayon ngunit
ayaw ni Ingkong Tasyo na masira ang buhay ng kanyang
kanayon dahil lang sa nangyari sa kanya kayat siya ay umalis na
rito.

Ilang araw nang naglalakbay ang matanda sa paghahanap ng


asyendang matutuluyan ngunit walang tumatanggap sa kanya.
Ilang araw na rin siyang walang kain at walang iniinom na tubig
hanggang sa hindi na niya ito nakayanan ay nawalan na siya ng
malay sa isang bakuran. Nang magising siya ay nakita niyang
may isang lalaki na tumambad sa kaniya at inalagaan siya nito.
Tinanong niya ito kung sino ang lalaking to at nagpakilala
naman ang lalaki na siya si Diego Rivas. TInanong siya ulit ng
matanda kung bakit siya nito tinutulungan ay sinagot niya lang
ito na inutusan siya ng isang Anghel na siya ring tumulong sa
kanya upang makatakas sa tiyak na kamatayan. Nang
magpapahinga na ang matanda ay may inihabilin siya kay Diego
na lihaman si Delfin at sabihin na nasa maayos siyang kalagayan
kaya’t wag siyang mag-alala at sinabi niya rin na isali sa liham
na maaantala ng konting panahon ang pagpapadala sa kanya ng
pera. Ngunit nabalitaan ni Delfin ang nangyari kaya’t bumalik
siya sa nayon at hinanap niya ang kanyang itay at nakita siya ni
Diego at tinuro kung nasaan ang kanyang ama . Nakita niya ang
kanyang ama na may sakit at nakahiga lamang.

Sa bahay naman ng mga Melendrez ay umuwi ang pangalawa sa


magkakapatid na galing sa La Union na si Don Elpidio at may
dalang isang maganda at nakakagulat na balita para kay Don
Pilo. Sinabi niyang kilala na niya ang kanilang nawawalang
kuya at sa Putintubig ito nanirahan na inangkin daw ng isang
sakim na Don. Nang inamin ni Don Pilo na siya na ang may-ari
ng Putintubig ay sinabihan siyang siya mismo ang nagpapahirap
sa kanilang kuya at nalaman niyang pinalitan rin ang pangalan
ng kanyang kuya bilang si Tanacio Gatbunbon. Kaya’t
nakonsensya siya dahil siyang pinakaminamahal na bunsong
kapatid noon ng kanyang kuya ang siyang mismong
magpapahirap dito. Narinig lahat ni Leonor ang pag-uusap ng
kanyang ama at Tiyo kaya’t sumingit ito upang sabihin na alam
niya kung saan naroroon ang matanda. Dali-dali nila itong
pinuntahan, at habang daan ay nakita nila si Diego at tinanong
siya ni Leonor kung sino ang kasama ng matanda at sinagot
naman siya nito na umuwi ang anak niyang si Delfin. Tinanong
siya ng Don kung ano ang kalagayan ng matanda at sinabi
niyang malubha ito kaya’t inutusan siyang kumuha ng doctor
ngunit nag-alangan siya dahil nga sa pinaghahanap siya dahil sa
pagbibintang na siya ang pumatay kay Marcelo kaya’t binigyan
siya ng isang sulat ni Don Elpidio at isang panulat upang iyon
ang kanyang ipakita upang hindi siya galawin sa daan. Para
naming nabunutan ng tinik sa Diego habang binabaktas niya ang
masukal na kagubatan. Habang sa kubo naman ng Pulumbayog
ay nagkasama na ang magkakapatid, nung una ay hindi
maintindihan ni Ingkong Tasyo ang pinagsasabi ni Don Pilo na
nagsasabing siya ay kapatid niya, ngunit nung lumaon ay
naintindihan na niya ito at nagkaunawaan na sila na silang tatlo
ay magkakapatid.
Ilang taon rin ang lumipas bago tuluyang namahinga si Ingkong
Tasyo ay naibalik na sa kasaganaan ang Putintubig, nawala na
ang Tenancy System na umiral noon sa kanila. Habang ang
umusbong naman na pagtingin ni Leonor kay Delfin ay
nanatiling lihim at napagkasunduan nalang na ang mana ng
dalawang bata ang iisa nalamang.

You might also like