You are on page 1of 11

iyong sumpa sa akin….

patuloy na wika ni Fernando, hindi dahil doo’y lilimutin kita,


Gloria? Noong magtapat ka sa akin, nalaman kong makatwiran ang iyong hinihilinh….

Sinungaling…., - si Gloria ang nagsalita, - nagalit ka noon at sinabi mong mabuti at


nakilala mo akong maaga. Idinugtong mo pang dahil sa salapi ay itinakwil ko ang dalisay
mong pag-ibig at wagas na pagmamahal.

Mangyaring hidi ako magkakagayon, ay sa binigla mo ako? Kung sa ibang lalaki


nangyari ang nagyaring iyonsa akin, hindi lamang ang sinabi ang sasabihin ko sa iyo Gloria!
Magpasalamat ka at nagging ako ang binawian mo ng sumpa.

Talahang iyon nalamang ang huli kong pag-asa…. Ani Gloria.

Sa kabila ng aking pagkabigoay nasisiyahan ako, Gloria, sapagka’t sa malas ay


maligaya ka naman sa piling ng iyong kabiyak.

Isa iyan sa pinasasalamatan ko sa Bathala, Fernando! - pakli ni Gloria. Binigyan Niya


ako ng isang mabait at butihing kabiyak ng puso.

Alin pa ang ibang pinasasalamatan mo, Gloria? Usig ni Fernando.

Pinasasalamata ko rin sa Lumikha ang malaking pusong ibinigay niya sa iyo,


Fernando. Dahil sa kalakhang iyan, ay nagawa mong mapataawad ang pagkukulang na aking
nagawa.

Hindi lamang napatawad kita, Gloria…. salo ni Fernando, kundi naghando ako sayo
ng tulong sa mga araw na kakailanganin mo. Maisasangguni mo sa akin ang mga bagabag ng
iyong loob at magagawa kong aliwin ka, sa iyong kalungkutan!

Talaga kang butuhin, Fernando!

Unti-unti nang humina ang tinig na kanilang naririnig. Pagkaraan pa ngilang


sandal,tuluyan nhg naglahao ang alingawngaw ng mga sagutan ng dalawang nagsiayo. Libu-
libong suliranin at sapantahang magkaiba ang nabubuo sa isip ni Silang at Pidia.

Pidia? ang tawag ni Silang.

Mayroon ka bang narinig?

Mayroon po…..

Ipangako mo sa akin na ang mga narinig mo’y hindi malalaman ng iba.

Ipinangangako kop o, aling Silang.

Walang kang narinig, Pidia, wala kang nakita, ha?

Opo, wala akong narinig, walang nakita! Pangako naman ni Pidia.


Nang gabing yaon, hindi nakatulog si Silang. Ibalita kaya niya kay Nardo ang tagpong
nasaksihanng kanyang mga mata at mga sagutang narinig niya? Papusyawin niya kaya sa
mata ni Nardo ang pagkababae ni Gloria?

VI

Umuwi ka sanang maaga, mamayang hapon, Nardo… buong lambing na bilin ni


Gloria samantalang inaayos ang korbata ng lalaking nagsusuklay sa kaharap na salamin,
dadalo tayo sa sayawan ng Kawanggawa sa Manila Hotel.

Matagal na sandaling hindi nakatugon si Nardo. Iniisip niya kung nararapat niyang
pagbigyan ang hnihiling niGloria o unahin ang pagrerepasong kanyang ginagawa, sapagka’t
siya ay haharap sa pagsusulit.

Nalimutan mo na bang ako ay nagrerepaso, Gloria? ang kanyang tanong.

Hindi ko nalilimutan. Isang gabi ka lamang naming maabala ah? Tumalikod si Gloria
at anyong magmamaktol. Pabagsak sa naupo sa gilid ng katre at pinaraan muna ang ilang
sandal bago nagsalita. Ngayon ka pa magtamad-tamad… ang wika, ngayong ako ay kinikilala
nan g mga babaing nabibilang sa mataaas na lipunan? Ang pagkilala nila sa akin ay
nagunguhulugang kinikilala ka, Nardo!

Ano sa akala mo ang magagawa sa buhay natin kung tayo man makilala ng mga taong
nabibilang sa mataas na lipunan? Baka hindi mo nalalamang, dahil sa pagkilala nilang iyan sa
iyo, ay mapipilitan kang gumugol ng limpak-limpak na salapi upang makasunod sa hilig at
gawi nila?

Ba! ani Gloria. ano kung gumugol? Masususlit naman! Makakarating tayo hanggang
sa Malakanyang at kung maging manananggol ka, mabibilang ka sa mga litaw na ‘de
campanilla’? Ayaw mo bang magkagayon?

Ay Gloria! pahinagpis na tugon ni Nardo. Hindi mo nalalamang nnangangarap ka


lamang sa katanghalian! At kung kalian nagdidilim ang langit ay saka ka yata magigising….

Ano ang ibig mong sabihin?

Magkaiba ang ating hilig, Gloria! paliwanag ni Nardo. Ang pinapangarap ko ay isang
nahuhumaling ka naman sa maligalig na buhay ng mga tao sa mataaas na lipunan. Nalalaman
mo bang kukulangin ang namana mong salapi kung magpapatuloy kang pagitna sa mataas na
lipunana?

Bakit magkakagayon? kunot ang noo no Gloria nang magtindig at harapn ang
asaawang inaabot ang sombrero at talaga nang aalis.

Hindi mo ba natutunghayan sa mga pahayagan, mga malalaki sa matatas na lipunan


ang nangungunang lagi sa pagbibigay ng malalaking ambag kung saan-saang
pagkakawanggawa? Nalalaman mo bang limpak-limpak na salapi ang itinatapon nila sa mga
sayawan at bangkete?
E ano? parang nanadya ay pakli ni Gloria… Di magbigay tayo?

Nagkibit lamang ng balikat si Nardo. Nalalaman niyang wala siyang magagawa upang
mapigil ang marubdob na paghahangad ni Gloria sa pakikihalubilo sa mataas na lipunan.

Uuwi kang maaga? –ang ulit ni Gloria nang si Nardo ay paalis na.

Matagal na sandaling napatayo si Nardo sa puno ng hagdan. Iniisip niyang mataman


kung ano ang kanyang gagawin sa harap ng pagpupumilit ni Gloria.

Pipilitin ko, - ang kanyang sagot. – nguni’t kung ako ay gabihin sapagka’t sisiyasatin
naming ang tatlong palaisdaan sa Bataan, pasama ka na kahit sa mag-asawang Demogracias
at Elvira.

Sumaya na ang mukha ni Gloria. pagkaalis ni NArdo ay hinawkan agad ang telepono
kundi noon lamang.

Haloo, pinalambing pa ni Gloria ang kanyang tinig nang magsalita at sumagot sa tinig
na nasa kabila ng kawad. Ikaw ba si Elvira?

oo. Si Gloria ka, ano?

oo. nariyan ba si Deo?

Kaalis lamang. May tumawag na pasyente, bakit ba?

Mangyari, si Nardo ay nagpunta sa Bataan at sa inyong dalawa ako pasasama sa


pagpunta sa Manila Hotel?

Ngayon bang gabi? Tanong ni Elvi.

Oo, ngayong gabi.

MAyroon kaming tiket doon, Gloria! natatawang balita ni Elvi. Talaga kaming
pupunta roon ni Deo.

Oo, sasabihin k okay Deo pagdating.

Nagpatahi k aba ng bagong terno, Elvi? Usisa ni Gloria.

Oo, Ikaw ba, nagpatahi?

Nagpatahin ako kait hindi nalalaman ni Nardo, sapagaka’t magkakaroon dawn g


timpalak sa pinakamagandang ternong baro at saya…

Bakit mo nalaman? Usisa naman ni Elvi.

Sinabi sa akin ni Miling. Alam mo…. Pabulong ang pagsasalita ni Gloria sa huling
katagang kanyang sinabi, hiningan ako ni Miling ng limang daang pisong ambag sa sayawang
iyan. E, sino naman ang nagbigay sa inyo ng tiket?
Ang kastilang pasyente ni Deo….pakli ni Elvi.

Magkano ang nagugol mo sa iong terno, Elvie?

Isang daang piso lamang…Ikaaw magkano ang nagugol mo?

Limang daa, Elvi.

Kung ganoon, ikaw na makakakuha ng unang ganatimpala, Gloria! nalalaman mo


bang isang libong piso ang nagging halaga sa iyo ng sayawan ngayong gabi?

Oo, nga! Nasisiyahang tugon ni Gloria. Magagalit si Nardo kung malalamang isang
libong piso ang nagugol ko sa gabing ito, kaya hindi ko na sasabihin sa kanya.

Ikaw ang bahala! Tugon ni Gloria. Ikaw ang nakakkilala sa ugali ng iyng asawa. Kung
ako ang tatanungin moa at hihingan ng payo, sasabihin ko sa iyog indi mabuti ang mayroong
iatinatagong lihim sa asawa.

Ito lamang naman ang ililihim ko sa kanya, Elvi.

Ilang sandali pa ang nakaraan, nalapat na kapuwa ang kani-kanilang telepono.


Paroo’t porito si Gloria sa nilaki-laki ng kanilang silid at nakasalikod kamay. Lagi niyang
sinusulyapan ang malking orasang malapit sa hagdanan. Nang tumugtog ang ikaanim sa
hapon, tumunog ang kanilang teleponong nasa silid.

Haloo! Ang kanyang sagot.

Gloria? ang tawag sa kabila ng kawad.

Fernando! Nangigilalas niyag wika. Ang isip ko’y naroon ka sa inyong bayan?

Bumalik ako kaninang hapon, upang dumalo sa sayawan sa Manila Hotel. – tugon ng
lalaki. Dadalo ba kayong mag-asawa?

Marahil…

Anong marhil? – usig ni Fernando. Bakit hindi mo tiyakin kung dadalo kayo o hindi?

Hindi ko matitiyak sa iyo na makakasama si Nardo, spagka’t nagpunta siya sa Bataan,


nguni’t ako ay dadalong kasama ng mag-asaaawang doctor Deogracias Rosario.

Nalalaman mo bang isa ako sa mga hukom na hahatolmamyang gabi, Gloria? tanong
ni Fernando. Hahatulan ko mamaya ang babaing magsusuot ng pinakamagandang baro at
saya.

Ganoon ba? – kunwa’y nanggigilalas niyang tanong. Sayang, wala pa naman akong
baro at saying maisusuot!

Kajit wala na…salo agad ni Fernando, ikaw ang pipiliin ko at ipapasasya kong may
suot ng pinakamagandang damit.
Pilyo!

Nababakas pa sa mukha ni Gloria ang naihaatid na kasiyahan sa puso niya ng


pakikipag-usap kay Fernando, nang si Pidia ay mabilis na pumasok sa kanyang silid.

Senyorita! - hangos na hangos na bati ni Pidia. pakitawag daw po ninyo si doctor


Rosario.

Bakit, sino ang may sakit?

Nilalagnat po si Coring at iyak nang iyak.

Bayaan mo at tatawagin ko. Dili ang hindi ikinamuhi ni Gloria ang pagkakasakit na
iyon ni Coring. Nag-aalala siya ngayon nab aka ang pagtawag biyang gagawin ay makaabala
pa sa kanilang pag-alis. Gayunman, jinawakan niya ang telepono at pinihit ang bilang nina
Elvi.

Elvi? – ang kanyang tawag. Nariyan ba si Deo?

Kararating lamang. Mayroon ka bang kailangan?

Paparituhin mo sandal, sapagka’t nilalagnat ang anak ni Silang.

Sinong Silang?

Ang asawa ng pinsan ni Nardo na nakatira doon sa bahay-bahayan sa likuran.


Mayroon ikamong lagnat ang anak at iyak daw nang iyak. Paparituhin mo siya agad, ha?

Oo, ngayon din!

Kahog na kahog si Gloria sa paglalabas ng mga isusuot. Hindi niya maubos maisip
kung aling pabango ang kanyanggagamitin sa gabing iyon. Nakahalayhay na sa ibabaw ng
katre ang baro at saying kang isusuot. Ang sapatos niyang kakulay ng baro at saya ay naroon
na rin sa ibaba at nakahandang tumanggap sa mapuputi niyang mga paa. Natawag na niya ang
modistang makakatulong sa pagbibihis at naghihintay na lamang siya ng ilan pang sandal.

Kumakain siya ng hapunan nang marinig niya ang paghinto ng sasakyan ni doctor
Rosario sa tapat ng kanilang bahay. Si Pidia naman ay naroon na sa tarangkahan at nag-
aabang. Sinalubong agad ang manggamot at inihatid sa bahay-bahayan.

Walang anuman ito….. – ang wika ni doctor Rosario pagkatingin kay Coring. –
huwag kayong magalala, sapagka’t sisingawan lamang ito ng tigdas. Panahon ngayon ng
sakit na iiyan ng mga bata.

Hindi kumikibo si Silang, nguni’t nagbabatis ang luha sa kanyang mga mata.

Ipaiinom ninyo ang gamut na nasa bote…. – anag bilin ni doctor Rosario at saka
iniabot kay Silang ang isinulat na reseta, ang isang kutsarita tuwing ikaapat na oras. Ang nasa
papelito naman, tutunawin ninyo ang isa, sa isang kutsaritang mainit na tubig at ipaiinom
tuwing ikalawang oras.
Opo.

Ganap na ikasampu sa gabi nang ilabas ni Lukas ang malaking kotse at nanggigilalas
ang kanyang mga mata sa pagsulyap sa maliit na salamin, dahil sa kagandahan ni Gloria na
binagayan ng suot na baro at saya.

Idaan mo muna kami sa panulukan ng Legarda at Azxarraga, Lukas, ang utos ni


Gloria, ihahatid natin si Donya Ninay.

Op senyorita.

Si donya Ninay ay ang modistang tumahi sa suot niyang baro at saya. Si donya Ninay
rin ang tumulong sa kanya kaninang siya ay nagbibiihis.

Naku, Gloria! gulat na gulat na salubong ni Miling na kabilang sa Lupong


Tagatanggap, nang silang tatlo ay magsidating. Mukha kang isang milyong dolar, ah?

Miling, - ani Gloria, ipinakikilala ko sa iyo si doctor Rosario at ang maybahay niyang
si Elvira…

Subud-sunod na nagdaratingan ang mga panauhin. Sa kanilang mga kiyas at tindig


mahihinuhang lahat sila ay nagtatamasa sa kaginhawahang naidudulot ng salapi. Walng itulak
at kabigin sa gaganda ng suot nilang mga damit. Walang itulak-kabigin sa kikisig ng mga
lalaking nagpapalaluan sa kiyas at tindig,

Tingnan mo, bulong ni Miling sa kaibigan, naroon sa kabilang dulo si Aurorang asawa
ng Kinatawang Ramires ng Bulakan.

Sino naman ang babaing nagpapaypay na iyon sa gitna?- tanong ni Gloria.

Iyon ay si Amelia, asawa ng asendero Panopio…

E, iyong nasa malapit sa orkesta, sino?

Iyon si Adela, asawa ng isang pinuno sa Kagawaran.

Talaga kang bigatin ngayon, Miling! – biro tuloy ni Gloria sa kanyang kaibigan.
Palibhasa’y Kinatawan ng Laguna ang iyong asawa, kaya kakilala mong lahat ang mga
pangunahing ginang.

Bigatin ka rin, ah? – ang sukli ni Miling. Bayaan mo at ipakikilala ko sa iyo ang mga
babaing iyang makakaagaw mo mamaya sa timpalak ng magagandang kasuutan.

Ikaw naman….

Nang sila ay nangakaupo na ay narinig nilang tumugtog ang orchestra. Si Elvira at


Gloria ay kalabitan.

Rigudon ang hinuhudyat ng orkestra, ani Elvira.


Rigudon nga! – tugon ni Gloria.

Natanaw nilang nagsikilos ang mga lalaki. Ang makisig na kinatawan ng Laguna ay
lumapit sa kanyang asawang si MIling at kinawit ito sa bisig. Humahangos naming dumating
sa tapat nina Gloria ang makisig na si Fernando at inialok agad ang kanyang bisig. Ang mag-
asawang doctor Rosario ay nagsitindig naman at sumunod sa karamihan.

Namumukod ang kagandahan ni Gloria ng mga sandaling yaon. Mahuhusay silang


nakapgsimula sa mga unang tanda at ang pagyukod nila at pag-indak ay kabigha-bighani.
Ngunit nang sumapit sa kadenilya ang rigudon ay nagging rigulo, spagka’t nagkamali ang
asendero sa pang-abot ng kamay ng isang babae.

Sa harap ng kanilang pagkakagulo at pagtatawanan, tumunog na malakas ang


trompeta na siyang gumitla sa nangagkakatuwang nagsasayaw ng rigudon. Isang matabang
lalaki ang tumayo sa gitna ng bulwagan na hawak sa kamay ang isang pilas sa papel.

Mga piling Ginoo at magagandang bulaklak ng aking lahi…. - ang malakas na simula
ng lalaking mataba. Ang timpalak ng magagandang kasuutan aynating sisimulan. Mangyari
lamang pagitna ang lahat ng nangakasuot ng baro atsaya. Narito nap o ang magsisihatol kung
kaya sisimulan na amg pagpili.

Sigi…. – bulong ni Elvira kay Gloria – pagitna ka na. sumunod ka roon sa asawa nga
Kalihim.

Ayoko kung hindi ka sasama.

Teyna kung gayon…

Martsa ang tinugtugtog ng orchestra a? – pabulong na wika ni Gloria. nakahihiyang


lumakad.

Saying ang nagugol mong limang daang piso kundi ka sasali!

Samantalang sunud-sunod ang paglakaad ng magagandang babaing nangakabaro at


saya, ang lahat ng ppaningin ay nakabaling kay Gloria at sa asawa ng isa pang kinatawan.
Natitiyak na nilang ang maglaban ay ang dalawang ito.

NAriyan ba ang senyorita? – tanong ni Nardo nang hatinggabing dumating ng bahay


at masalubong si Rosa.

Wala po. – ang ng tugon ni Rosa. Kasama po ni doctor Rosario at donya Elvira.

Bakit may ilaw sa bahay-bahayan, Rosa?

Mayroon pong sakit si Coring, kaya si Pidia ay naroong katulong ni aling Silang.

Maysakit si Coring? – nanggigilalas na ulit ni Nardo at parang may isang mabigat na


bagay na lumagpak sa kanyang dibdib. Ano raw ang sakit?
Ang sabi po ni doctor Rosario ay tigdas lamang, nguni’t iyak po nang iyak si aling
Silang.

Nanaog na muli si Nardo at binagtas ang likuran ng bahay. Ay simoy ng hangin kung
kaya parang nangangatog ang katawan ni Nardo samantalang palapit sa bahay-bahayan. Ang
kayak ni Coring ay naririnig na niya, kaya nararamdaman niyang paarang unti-unting
nahihimay ang kanyang mga laman.

Bakit, Silang? – tanong agad niNardo nang sumasampa sa unang baytang ng hagdaan.

Hindi nakasagot si Silang at napahagulgol ng iyak. Pangku – pangko niya si Coring


na inaapoy ng lagnat. Sunud-sunod naman si Pidiang hawak sa kamay ang isang kutsaritang
may lamang gamot. Hinpo ni Naardo ang pisngi ni Coring at udyok ng pagmamalasakit na
likas sa kanyang loob, kinuha si Coring sa mga bisig ng ina.

Akin na ang bata…. – ang kanyang wika, - ako na ang hahawak at ikaw ang
magpainom ng gamot. Pidia, - ang baling sa utusan, igayak mo ang maliit niyang baso ng
inumin.

Opo…

Kipkip ni Nardo sa dalawa niyang bisig ang katawang mainit ni Coring. Para naming
maalam makiramdam si Coring, tumahan siya sa pag-iyak at inginanga ang bibig at ininom
ang gamot na idinulot ni Silang.

Walang anuman ito…. –sa wakas ay narinig ni Nardong binigkas ng kanyang mga
labi, hindi ba sinabi ng manggagamot na tigdas lamang ang sakit ni Coring?

Iyon nga ang sabi, nguni’t ako ay natatakot…. Pakli ni Silang.

Hu! – ungol ni Nardong nagtatawa – Kayhina naman ng iyong loob? Tingnan mo at


natutulog na si Coring?

Sumaya naman ang mukha ni Silang. Natawa si Pidia at gumaan ang kanyang
katawan dahil sa nakita niyang pamamahal at pagmamalasakit ng kanilang senyorito sa anak
ni Silang na mahal na rin ngayon sa kanilang mga puso dahhil sa iwing kabaitan.

VII

Kung magising ang senyorita…. – bilin ni Nardo nang siya ay paalis kinaumagahan, -
sabihin mong pumasok na ako sa opisina, ha?

Opo, - tugon ni Rosa.

Iiling-iling si Rosa nang umalis si Nardo. Hinahangaan din niya ang kadakilaan ng
puso at kalakihan ng pagmamahal nito sa kanyang asawa. Nalalaman niyang mahimbing na
natutulog si Nardo nang dumating si Gloria, spagka’t siya ay tinawag upang patulong sa
paghuhubad ng damit. Bagaman tig-isa sina Nardo at Gloria ng Katreng hihigan,nakita
niyang dahan-dahan ang paghuhubad na ginawa ng panginoon niyang babaae, upang hindi
magising ang panginoon niyang lalaki.

Rosa? – paungol na tawag ni Gloria nang ito ay magising.

Opo, senyorita…..

Anong oras na, Rosa? – ang tanong ng nag-iinat at nangakapikit ang mahahapding
matang hindi maidilat.

A las diyes y medya nap o.

Ang senyorito, Rosa?

Pumasokna po sa opisina….

Hindi ba ako ginising?

Hindi po…

Dumating na ba ang pahayagan, Rosa?

Naroon po sa ibaba.

Kunin mo nga at ibig kong Makita ang mga balita. Opo….

Nangingiti-ngiti si Gloria nang magtindig at humarap sa salamin.nalalaman niyang


talaga na sa laat ng pahayagang pang-umaga ay malalathala ang kanyang larawan.
Nagkakagulo ang mga potograpo kagabi sa pagkuha ng kanyang larawan sa iba at ibang
ayos, sapagka’t siya ang nagkamit ng unang gantimpala sa pinakamagandang baro at saying
suot.

Inusisa din siya ng mga reporter. Naitanong kung saan siya nag-aral. Kung ilang taon
na ang kanyang gulang at kung sino ang kanyang asawa.

Noong tawagin ang kanyang pangalan at lumakad siyang papunta sa tapat ng Lupong
Tagahatol, ang pakiramdam niya’y hindi siya nakatungtong sa lapag. Para siyang lumilipad.
Tila siya may pakpak sa katawan at nararamdaman niyang para siyang nakabitin.

Eto po… po – ani Rosa nang iabot kay Gloria ang pahayagan.

Binuklat niya agad ang pitak ng kasayahan. Nandilat ang kanyang mga mata ang
matambad sa kanyang pangmalas ang tatlong ayos ng magagansa niyanglarawan.

“Si Ginang Gloria M. Kisumbing batang-bata at magandang maybahay ng


manananggol na si Leonardo Kisumbing, ang siyang nagtamo ng unang gantimpala sa
paligshan ng pinakamagandang kasuotang baro at saya, na idinaos kagabi sa Manila Hotel.
“Ang marilag at magandang si Ginang Gloria M. Kisumbing ay makakatulong ng
mga tanyag na Ginang sa mataas na lipunan sa pangangasiwa sa sayawang idaraos sa
Malakanyang sa katapusan ng buwan.”

Uyyy! – may halong paswit na ungol ni Gloria. saw akas ay makararating din kami sa
Malakanyang!

Tuwang-tuwa siya at galak na galak. Sa wakas, matutupad dinang matagal na niyang


pinapangarap na marating. Hindi na siya managhili ngayon sa mga nakasama niya sa
kolehiyo na nagsisipagbalitang madalas silang makapanhik sa Malakanyang, sapagka’t siya
man ay makatutuntong na rin doon.

Nakita mo na, Rosa, ang larawang ito? – hindi nakatiis si Gloria ay tinanong ang
kanyang utusan.

Palibhasa’y wala siyang mapghinngahan ng pagmamalaking kimkim ng kanyang


puso, kaya si Rosa ang nabalingan ng kanyang pagkatuwa. Minals naming mabuti ni Rosa
ang larawang itinuro ang kanyang panginoon, pagkaraan ng ilang sandal, taking-taka siya
nang magslita.

Kayo poito, senyorita, - ang wika.

Ako nga iyan, Rosa…. – nakangiting tugon ni Gloria, - kamukha ko ba?

Opo, kamukhang kamukha ninyo… - sagot ni Rosa na hindi maubos-maisip kung


bakit ang larawan ng kanyang senyorita ay naroon sa pahayagn. Ke handa-ganda ninyo,
senyorita1

Dalhan mo ako rito ng pagkain, Rosa, at natataad na akong manaog.

Opo.

Nanaog na so Rosa,. Smantalang iginagayak niya ang pagkain ni Gloria, ay hindi siya
tumutigil sa kababalita sa mga kasamahang sina Pidia, Clara, Selino, Karias at Ricardo, na
nakita niya ang magandang larawan ng kanilang senyorita sa pahayagan.

Siyanga? – gulat na gulat naming tanong ni Clara, saantalang si Pidia ay lihim na


lumalabi.

Talagang iba na ang bigatin! – pakli nman ni Karias.

Nang tanghaling umuwi si Nardo ay sinalubong agad ni Gloria ang mga larawan
niyang nasa pahayagan. Hindi sumasagot si NArdo bagaman masaya ang kanyang mukha,
habang si Gloria ay walang tigil sa kababalita ng lahat ng nangyari nang gabing nagdaan.

Kung sumama ka sa amin, sisi pa ni Gloria sa kanyang asawa, di…. nakilala mo lahat
ng malalaking tao.”

Mabuti nga at hindi kami nagkakilala. –pakli ni Nardo.


Tinalikuran ni NArdo ang nagbabalitang asawa at nagpatuloy siya sa pagpapalit ng
damit.

Bakit naman nagging mabuti? – tanong ni Gloria. hindi ba isang magandang


pagkakataon ang nawala sa iyo?

Walang akong hilig makipagkilala sa “malalaking tao”’ kaya minamabuti ko na ang


hindi kami nagkakilala.

Ikaw naman ang totoong makaluma! –pabirong wika ni Gloria. ang ibang tao,
gumugugol ng malaki at nanunuo sa mga kaibigan, malapit lamang at makilala ang mga
“malalaking” umuugit sa Pamahalaan! Ikaw! Dumarating na sa iyo ang magandang
pagkakataon ay tinatanggihan mo pa? kung ganyan ang uugaliin mo’y saan ka makararating?

Nasisiyahan na ako sa aking kinalalagyan ngayon, Gloria, - giit ni Nardo, - ikaw


lamang ang mapilit

Lumabas na si Nardo sa kanilang silid. Nanaog na siya sa hagdanan at si Gloria ay


sunod naman ng sunod sa kanyang likuran. Nakarating sila sa mesang kainannang wala silang
napag-usapang anuman. Kaiba sa lahat ng kanilang pagsasalo’y wala silang kibuan ngayon.
Ipinahalata ni Nardong hindi siya natutuwa sa pakalathala

You might also like