You are on page 1of 2

Axl Pyro S. Palisoc Mrs.

Jalbuena
8-4

MGA PISTA NA IPINAGDIRIWANG SA


PILIPINAS

ATI-ATIHAN FESTIVAL

Ipinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong lingo ng


Enero kada taon ang pista ng Ati-atihan sa Kalibo, Aklan,
bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa
mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang
patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa
himig ng “Hala, Bira!” Makikilahok ang buong bayan sa
pista, magbabahaginan ng pagkain at inumin, at isang
linggong malalango ang mga lansangan. Hinango ang pista
sa maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga
Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño
na malimit hinihingan ng milagro.
SINULOG FESTIVAL

Alay ito sa Sto. Niño at sa tuwing Sinulog Festival ay libo-


libong mga deboto ang tradisyonal na nagtutungo sa Cebu
upang magbigay ng pasasalamat sa magdasal. At sa mga
turista ay kasiyahan naman ang naghihintay sa kanilang
pagdating at tipong Rio Carnival at mardigras ang tema ng
Sinulog Festival. Upang makita ang kaibahan ng pistang ito
sa Ati-Atihan Festival ng Panay Island, ito ay sinasayaw
nang may ibang galaw. Ang sayaw nito ay sinasabayan ng
tugtog ng tambol na may dalawang hakbang paharap
kasunod ng isang paurong. Taong 1980 nang unang ma-
organisa ang parada. Ang Sinulog dance ngayon ay ang
tradisyunal at rituwal na sayaw sa karangalan ng Santo
Niño. Habang sumasayaw, sumisigaw ang mga tao ng
“Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño” bilang pasasalamat at
paghingi ng kanilang mga kahilingan. Ang pagsigaw ay
kailangan dahil gustong makasiguro ng mga tao na
maririnig sila ng Santo Niño.

You might also like