You are on page 1of 9

ARALIN 1

Ang kaibigan ay isang tao na nagagawa kang maging


matapat sa kanya, Hindi mo kailangan ang mangatwiran
at magpaliwanag pa. Maging sa harapan at talikuran ay
nakahanda kang ipagtanggol nito. Walang pagkukunwari
at panlabas na anyo ang inyong samahan. Nagagawa
mong ilahad sa kanya, kahit na anumang tungkol sa iyo
nang wala kang pinangangambahan.

Ang kaibigan karamay sa lahat,kasama saan man


magpunta,kasagga sa lahat ng pagsubok kaya
napakahirap sirain ang samahang kay tagal.Walang sino
mang makasisira sa samahan ng mga magkakaibigan
kung itoy nagsasama ng buong galak nagmamahalan at
nagkakaunawaan. Ganyan ang magkakaibigan
magkasamang humaharap sa pagsubok tiyak na higit na
matatag ang samahan ng magkakaibigan. Masususkat
ang isang kaibigan sa oras ng kagipitan dahil ang tunay
na kaibigan ay hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan o sa
kasiyahan.

ARALIN 2
Dapat tayo maging handa sa nangyayari sa ating
sarili. Dapat alamin natin ang mga pagbabagong ito lalo
na sa pisikal. Dapat hindi tayo mabahala sa pagbabago
sa ating katawan ngunit alamin ang dapat gawin ukol
dito. Pahalagahan natin ang mga pangyayari na bago sa
atin. Dapat alam din natin kung paano natin
mapapangalagaan ng tama ang ating katawan at sarili.

Dahil bawat isa sa atin ay dadaan sa pagdadalaga at


pagbibinata, mahalaga na lagi nating bantayan ang ating
sarili at huwag tayo magpapabaya sa mga pagbabagong
ito. Dapat alam din natin kung ano ang tamang gawin sa
ating katawan.

Sikaping maging positibo. Huwag ikumpara ang


sarili, at huwag magpokus sa pananaw mo sa iyong sarili.
Magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga.
Makatutulong ang sapat na tulog para hindi ka maging
masyadong iritable, stress, at depres. Huwag paniwalaan
ang lahat ng negatibong iniisip mo tungkol sa iyong sarili.
Anuman ang sabihin ng iba tungkol sa iyong paglaki,
huwag maging maramdamin. Pag-aralang kontrolin ang
iyong seksuwal na mga damdamin para hindi ka madala
ng mga ito. Makipag-usap sa iyong magulang o sa isang
nakatatandang pinagkakatiwalaan mo. Sa umpisa, baka
nakaaasiwa, pero sulit ang tulong na matatanggap mo.

ARALIN 3 :

Ang magkaibigang nagtutulungan .Mahalaga sa


magkakaibigan ang nagtutulungan. Pag may problema o
suliranin sila ay dapat na ating tulungan. Ang tunay na
magkakaibigan ay laging nandiyan kung ikaw ay may
problema. Maituturing na totoong kaibigan ang isang tao
kung ito ay malalapitan sa oras sa kailangan natin sila.
Laging sila nandiyan hindi lang sa kasiyahan pati narin sa
ating kagipitan.

Ang magkaibigan ay handing makinig sa iyong mga


problema. Dapat natin sila tulungan pag sila ang
nangangailangan sa atin. Ang tunay na magkakaibigan ay
hindi nagiiwanan sa oras ng kahirapan. Ang tunay na
magkakaibigan ay laging tinutupad ang kanilang pangako
sa isa’t isa. Ang magkaibigang nagtutulungan ay laging
masaya. Sila ay maituturing na kaibigang totoo at
puwedeng lapitan sa oras ng kagipitan.

ARALIN 4 :
Mahalaga ang pagpapasalamat sa ginawang
kabutihan ng kapwa, dahil ito ang daan mo para ipakita
kung paano mo pinapahalagahan ang kanyang nagawa,
pag nagpasalamat ka isang tao sa kanyang nagawa
malaki ang dulot na kasiyahan nito sa kanya
nangangahulugan lamang na merong nakakapansin ng
kanyang kabutihang nagawa, kaya naman na
momotivate mo siya na gumawa pa ng mas marami pang
kabutihan sa kanyang kapwa.

Ang pasasalamat din sa kapuwa sa ginawa niyang


kabutihan ay sumasalamin sa iyong ugali, ibig sabihin
lamang na kung ikaw ay marunong mag pasalamat sa
kabutihang nagawa ng iyong kapuwa, marunong kang
mag appreciate ng kabutihan ng iba o marunong kang
magpahalaga sa nagawa ng iba, ikaw ay mayroong
kabutihang asal na marunong tumanaw ng utang na loob.
Dapat natin pasalamatan ang tumulong sa atin.

ARALIN 5

Dapat na pag isipan natin ang mga bagay bagay sa


ating buhay. Kung tayo ay mayroong naisip na solusyon
sa isang problema dapat isipin ng mabuti ang maaring
kalalabasan. Kailangan natin itong pag isipan ng maigi.
Kailangan nating makaitatlong beses isipin kung ito ba ay
may ikakabuti sa atin. Isipin din natin kung ang desisyon
ba na ating gagawin ay mayroong masamang idudulot.

Kung may gagawin man tayo ay pag isipan natin


itong mabuti. Huwag tayo basta basta lang gagawa ng
bagay bagay na hindi tayo nakakasigurado kung ito ba
talaga ay mayroong magandang maambag sa atin. Sa
pag isip natin sa mga ito mahalagang suriin ang
magaganda o nakabubuti na mangyayari sa atin at kung
ano ang masasama o bad sides na mangyayari sa atin
kung gagawin natin ang desisyon na iyon.

ARALIN 6

Dapat tayo maghanda sa pagbabago sa ating


katawan. Dapat maging alerto tayo sa mangyayaring pag
babago sa ating katawan. Huwag natin pababayaan ang
ating sarili. Dapat natin alamin ang tamang gagawin sa
pagbabago ng ating katawan at sa sarili. Edad ng
Pagdadalaga at Pagbibinata Ang pagdadalaga at
pagbibinata ay isa sa pinakamasaya ngunit sa iba’y
nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat tao.
Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao
sa pagitan ng sampu hanggang labing-anim na taong
gulang.

Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay naaapektuhan


din ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata.
Ang mga kabataang ito ay nagiging mahiyain at
maramdamin, madaling mabugnot at palakain. Ang
pagiging palaayos sa sarili ay normal na bahagi at dahil
ito ay nagiging palahanga sa mga taong mapag ayos at
may magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila
sa paglaki.

ARALIN 7

Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, nahaharap


ang isang tinedyer sa iba't-ibang mga pagbabago. Sa
kabila ng lahat ng ito dapat matutunan na mapanatiling
mataas ang tiwala sa sarili. Gamitin mo itong
pagkakataon upang mas mapagyaman ang iyong sarili.
kailngang magsimula ka ng tama. Dito nakasalalay ang
tagumpay sa pagharap sa mga susunod pang yugto ng
iyong buhay. ito rin ang makakatulong upang maging
maligaya ka sa iyong pamumuhay.

Sa pagbabago sa ating katawan dapat magkaroon


tayo ng proper hygiene. Dapat maging malinis tayo sa
ating katawan. Mag ingat den tayo sa mga mangyayari sa
atin. Huwag natin pababayaan an gating katawan. Laging
kumain ng masusutansyang pagkain katulad ng gulay at
ng prutas. Iwasan din ang laging pagkain ng mga
mamantikang pagkain. Huwag din tayong magpupuyat.
Pangalagaaan natin ang ating sarili.

ARALIN 8:
ARALIN 19

Ang aking konsiyensa. Ipinahihiwatig nito ang


kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay; sapagkat
naipakikita ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan
ng kilos na ginawa.Sa tulong ng konsiyensiya, nakikilala
ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa. Sa
pamamagitan ng konsiyensiya, nahuhusgahan ng tao
kung may bagay na dapat sana’y isinagawa subalit hindi
niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa.

Gamit ang konsiyensiya, nahuhusgahan kung ang


bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o
nagawa nang di maayos o mali. Ibinabatay ng
konsiyensiya ang pagsukat o paghusga sa kilos sa
obhektibong pamantayan ng Likas na Batas-Moral
KONSENSIYA. Ang Likas na Batas-Moral ay ibinigay sa tao
noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya
sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan
ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may
kakayahang gumawa ng mabuti o masama.
ARALIN 20

Dahil ito ang tama. Ang paggawa ng desisyon ay


nagsasalamin sa totoong karakter ng isang tao. Ito ay
batay sa kanyang pag-uugali, personalidad at mga
pinahahalagahang paniniwala. Kapag ang isang tao ay
nagdedesisyon, madalas ito ay nahihirapan sa pagpili
kung ano ang nararapat.

Kung ang isang tao ay nagdesisyon nang sobrang


bilis, karaniwan ay sa katagalan, hindi ito mabuti dahil
minadali lamang. Kailangan ang pagdedesisyon ay iniisip
nang mabuti bago isakatuparan. Sa kabilang banda, kung
sobrang bagal naman ang paggawa ng desisyon, maaari
namang lumipas ang isang oportunidad. Kaya dapat ay
balanse ang iyong pagdedesisyon, kailangang mag-isip
nang mabuti pero hindi nag-aaksaya ng panahon.

ARALIN 21

You might also like