You are on page 1of 2

B5

Kyle Allen de Lara


8 – Davao del Norte

Trabaho: Para kanino?

Ang salitang ‘patriarkal’ ay nanggaling sa salitang Griyego na πατριάρχηςi (p-ah-t-r-ee-ah-r-ch-


ee-s-ee) na nangangahulugang “ama na namumuno sa isang pamilya”. Sa madaling salita, isa itong
sistema kung saan ang haligi ng tahanan o isang lalaki na miyembro ng pamilya ay itinuturing bilang
pinuno. Bilang isang pinuno, karapatan niya na pamahalaan at kontrolin ang lahat ng mga pag-aari,
gawin ang mga pangunahing desisyon sa pangaraw-araw na buhay, at sa gayon ang pagpapanatili ng
kanyang kapangyarihan sa lahat ng miyembro ng pamilya. Ang konsepto ng patriarkal ay nagsimula
sa pagtatapos ng panahon ng Neolitiko at sa pagsisimula ng mga sinaunang sibilisasyon. Ito ay nalikha
dahil sa mga maraming magkakaibang pangyayari na kinailangang tahakin ng mga sinaunang tao.
Marami sa mga ito ay hindi madaling gawin kaya naisip nila na ang mga kalalakihan lamang ang
makakagawa nito. Kaya dito nila binuo ang pag-iisip na mga lalaki ay higit na nangingibabaw dahil mas
may kakayahan sila. Sa paglipas ng panahon, unting-unting umusbong ang konsepto ng patriarkal. Sa
gawa ni Aristotle, isang Griyegong pilosopo, na “Politics”, inilarawan niya ang mga kababaihan bilang
mas mababa kaysa sa mga kalalakihan. Sa kabilang banda, si Plato, ang guro ni Aristotle, ay bukas
sa potensyal ng pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan. Dahil sa dalawang
magkakaibang pananaw sa kababaihan, naapektuhan nito ang mga sumusunod na henerasyon,
kabilang na din dito ang ating kasalukuyang henerasyon na nahaharap pa din sa mga problemang
patriarkal hanggang ngayon.

Sa panahong ito, laganap na ang pag-iisip na sa isang pamilya, ang ama ay nararapat na
magtrabaho at maging pangunahing mapagkukunan ng kita at ang mga ina naman ay nararapat na
manatili sa tahanan at alagaan ang kanilang mga anak. Maraming tao ang may halo-halong damdamin
pagdating sa pag-iisip na ito kaya ito ang postibong at negatibong epekto nito. Isa sa mga positibong
epekto ng pag-iisip na ito ay ang hindi pagkakaroon ng gender role conflict. Ito ay nangyayari kapag
ang isang tao ay gumaganap ng mga tungkulin na hindi kaakma sa kanilang kasarian, ilan sa mga
maaaring resulta nito ang sumusunod: stress, diskriminasyon sa trabaho, diskriminasyon sa lipunan at
pagkabigo. Isa naman sa negatibong epekto ng pag-iisip na ito ay ang gender role restrictions. Kabilang
na dito ang kawalan ng mga kababaihan sa work force, dahil limitado ang mga kababaihan sa pag-
aalaga ng kanyang mga anak, hindi na nila nagbibigyan ng pansin ang mga pangarap nila sa buhay.
Sa panig naman ng mga kalalakihan, dahil sila ay nagtratrabaho, imbes na ang kanyang pamilya ay
ang paglaanan nila ng oras, nagiging mas prayoridad nila ang trabaho. Gayunpaman, hindi ako
nagsasalita para sa lahat ng mga magulang. Matapos ang aking ginawang pananaliksik at pag-aaral
kung paano nakakaapekto ang mga tungkulin ng kasarian sa ating lipunan, may kaalaman na ako kung
saan ako papanig pagdating sa paksang ito.

Hindi ibig sabihin na lumaganap ang isang pag-iisip tulad niyan ay kailangan na ito sundin. Kahit
na ang patriarkal ay umiiral pa din, sa tingin ko, dapat na simulan na natin ang pagiging tulad ni Plato,
na naniwala sa potensyal na balang araw ay magkakapantay-pantay na din ang mga kalalakihan at
kababaihan. Sa aking opinyon, ang pagpili kung sino ang magtratrabaho at sino ang mag-aalaga ng
kanilang mga anak ay nasa desisyon ng parehong magulang at hindi sa ama lamang at lalo na hindi
sa mga taong nasa paligid nila. Sila ang mas nakakakilala sa mga sarili nila kung kaya’t mas mainam
kung sa kanila manggagaling ang desisyon. Hindi lahat ng mga kalalakihan ay may kakayahang
magtrabaho ng malayo sa kanyang pamilya at hindi lahat ng mga kababaihan ay may kakayahang
maiwan sa tahanan at alagaan ang kanyang mga anak. Ito ay dahil hindi lahat ng tao ay pareho, may
mga kalakasan at kahinahan rin tayo. Sa huli, laging tatandaan na ang pinakaimportante sa paggawa
ng mga desisyon tulad nito ay ang kalagayan at ang kalusugan ng kanilang mga anak.
Mga Sanggunian:
Appendix A: PATRIARCHY. (n.d.). Retrieved December 13, 2019, from
https://www.ibiblio.org/ahkitj/wscfap/arms1974/Regl_womens_prog/Women and Men in
Partnership/05a Patriarchy.htm.
Borghini, A. (2019, June 22). What Did Plato and Aristotle Say About Women? Retrieved December
13, 2019, from https://www.thoughtco.com/plato-aristotle-on-women-selected-quotes-2670553.
Chamie, J. (2018, January 25). More Women Stay at Home Than Men. Retrieved December 13,
2019, from https://yaleglobal.yale.edu/content/more-women-stay-home-men.
Pierik, B. (n.d.). A History of Patriarchy? Retrieved December 13, 2019, from
https://openaccess.leidenuniv.nl/bitstream/handle/1887/64279/PPE Thesis - Bob Pierik - Final
version.pdf?sequ.
Rushing, C., & Powell, L. (n.d.). Family Dynamics of the Stay-at-Home Father and Working Mother
Relationship. Retrieved December 13, 2019, from
https://journals.sagepub.com/doi/pdf/10.1177/1557988314549414.

You might also like